Malalaman mo kung ang mga password sa iyong mga Google Account ay puwedeng nalantad, mahina, o ginagamit sa maraming account. Pagkatapos, puwede mong palitan ang anumang hindi ligtas na password para panatilihing mas secure ang iyong mga account.
Puwede mo nang simulan ang Password Checkup. Puwede mo ring i-access ang Password Checkup sa Android, sa Chrome, o sa pamamagitan ng web.
Sa Android:
- Buksan ang Mga Setting.
- Hanapin ang "Password Manager."
- I-tap ang Password Manager Password Checkup.
Sa Chrome:
- Sa kanang bahagi sa itaas, piliin ang Profile Mga Password .
- Kung hindi mo makita ang icon ng Mga Password, sa kanang bahagi sa itaas, piliin ang Higit pa Mga password at autofill Google Password Manager.
- Sa kaliwa, piliin ang Checkup.
Sa web:
- Pumunta sa passwords.google.com.
- Piliin ang Pumunta sa Password Checkup Suriin ang mga password.
- Posibleng kailanganin mong mag-sign in.
I-secure ang iyong mga password
Pagkatapos masuri ang mga password mo para sa mga isyu sa seguridad, makakakita ka ng 3 uri ng resulta.
Matuto tungkol sa mga nakompromisong password
Mahalaga: Hihilingin namin sa iyong palitan ang password mo sa Google Account kung sa palagay namin ay hindi ito ligtas, kahit na hindi ka gumagamit ng Password Checkup. Para mag-secure ng Google Account na may kahina-hinalang aktibidad, o na-hack, sundin ang mga hakbang na ito.
Hindi ligtas ang mga nakompromisong kumbinasyon ng password at username dahil na-publish na ang mga ito online. Inirerekomenda naming palitan mo ang anumang nakompromisong password sa lalong madaling panahon.
Tingnan ang mga paglabag sa data na sinusuri namin
Sinusuri namin ang mga kumbinasyon ng password at username na nalantad sa iba't ibang paglabag sa data, pero puwedeng hindi kumpleto ang listahan ng mga paglabag sa data na sinusuri namin. Kabilang sa aming listahan ang mga source gaya ng:
- 000webhost
- 17 Media
- 1.4B collection
- 7k7k
- Adobe
- Anti-public
- Badoo
- Bitly
- Collection 1-5
- Dropbox
- Exploit.in
- iMesh
- Imgur
- Last.fm
- Lifeboat
- Mate1
- Neopets
- NetEase
- Nexus Mods
- Pemiblanc
- R2Game
- Rambler
- Tianya
- Tumblr
- VK
- VN
- Yandex
- Youku
- Zoosk
Mag-dismiss at mag-restore ng mga babala
Para mag-dismiss ng babala, sa tabi ng nakompromisong password, i-click ang Higit pa I-dismiss ang babala.
Sa ilalim ng “Mga na-dismiss na babala,” mahahanap at mare-restore mo ang babala.
Para mag-restore ng na-dismiss na babala, sa tabi ng babala, i-click ang Higit pa I-restore ang babala.
Matuto tungkol sa mga password na ginamit ulit
Kung iisang password ang ginagamit mo para sa maraming account, mas malaki ang panganib mong ma-hack. Lubos naming inirerekomendang gumamit ka ng natatanging password para sa bawat account.
Tip: Hayaan ang Chrome na gumawa at mag-save ng malakas na password para sa iyong Google Account. Alamin kung paano gumawa ng mga malakas at natatanging password.
Matuto tungkol sa mga mahinang password
Madaling mahulaan ang mga password na may mga pariralang masyadong halata, mga simpleng pattern sa keyboard, at iisang salita. Inirerekomenda naming gumamit ka ng malalakas na password.
Bakit posible naming hilingin sa iyong palitan ang mga password mo
Para matulungan kang ma-secure ang iyong mga account, puwedeng tumulong ang Google sa pagbibigay sa iyo ng abiso kung malaman naming nakompromiso ang alinman sa mga naka-save mong password.
Kung maabisuhan ka tungkol sa isang hindi ligtas na password:
- Direktang pumunta sa Password Checkup para matiyak na tunay ang notification at baguhin ang anumang hindi ligtas na password.
- Magsagawa ng Security Checkup para makatulong sa pagprotekta sa iyong Google Account.
Pamahalaan ang mga alerto para sa mga hindi ligtas na password
Puwede kang abisuhan ng Google kapag nahanap namin onlilne ang alinman sa iyong mga naka-save na password. Puwede mong i-on o i-off ang mga alertong ito.
Patuloy na susuriin ng Google ang iyong mga password kahit naka-off ang mga alerto. Kung io-off mo ang setting na ito, posibleng makatanggap ka pa rin ng mga alerto sa loob ng hanggang 48 oras.
Puwede kang pumunta sa mga setting ng Password Manager ng Google o:
- Pumunta sa passwords.google.com.
- Sa kanang bahagi sa itaas, piliin ang Mga Setting .
- I-on o i-off ang Mga alerto sa password.