Gumamit ng real-time na text (real-time text o RTT) sa mga tawag

Nagbibigay-daan sa iyo ang real-time na text (RTT) na gumamit ng text para makipag-ugnayan kapag may tawag sa telepono. Magagamit ang RTT sa TTY at hindi ito nangangailangan ng anumang karagdagang accessory.

Mahalaga:

  • Posibleng hindi naaangkop sa lahat ng device ang impormasyong nasa artikulong ito. Para malaman kung puwede kang gumamit ng RTT sa iyong device at plan ng serbisyo, makipag-ugnayan sa carrier mo. Gumagamit ang RTT ng mga minuto ng tawag, katulad sa voice call.
  • Sa kasalukuyan, hindi sinusuportahan ng Google Fi ang RTT. Matuto pa tungkol sa mga feature ng accessibility ng Google Fi.

Hakbang 1: I-on ang RTT

Para i-on ang RTT, pumunta sa mga setting ng iyong app na Telepono.

Hakbang 2: Gamitin ang RTT

Puwede kang tumawag gamit ang RTT, o puwede kang lumipat sa RTT mula sa voice kapag may tawag.

Tumawag gamit ang RTT

Mahalaga: Available ang opsyong ito kung pinili mo ang "Palaging nakikita" sa mga setting ng iyong app na Telepono.

  1. Buksan ang app na Telepono ng iyong device telepono.
  2. Pumili ng tatawagan:
    • Para maglagay ng numero, i-tap ang Dialpad Keypad.
    • Para pumili ng naka-save na contact, i-tap ang Mga Contact Mga Contact.
    • Para pumili sa mga numerong tinawagan mo kamakailan, i-tap ang Mga Kamakailan Mga Kamakailan.
    • Para pumili sa mga contact na naka-save sa speed dial, i-tap ang Mga Paborito Mag-speed dial.
  3. I-tap ang RTT Real-time na text. Habang nagri-ring ang telepono, may ipapakitang imbitasyong sumali sa RTT na tawag sa screen ng tao sa kabilang linya Real-time na text.
  4. Pagkasagot dito ng taong nasa kabilang linya, maglagay ng mensahe sa field ng text. Makikita ng taong nasa kabilang linya ang ilalagay mong text habang nagta-type ka.
  5. Kapag tapos ka na sa tawag, i-tap ang Tapusin ang tawag button na tapusin . Kung naka-minimize ang iyong tawag, i-drag ang bubble ng tawag sa kanang bahagi sa ibaba ng screen.

Lumipat sa RTT mula sa voice kapag may tawag

Mahalaga: Available ang opsyong ito kung pinili mo ang "Palaging nakikita" o "Nakikita kapag may tawag" sa mga setting ng iyong app na Telepono. Puwede kang lumipat sa RTT sa anumang tawag, ikaw man ang tumawag o tinawagan.

  1. Kapag may tawag, i-tap ang RTT Real-time na text.
  2. Maglagay ng mensahe sa field ng text. Makikita ng taong nasa kabilang linya ang ilalagay mong text habang nagta-type ka.

I-merge, i-hold, o lumipat sa voice

Available ang mga opsyong ito sa mga piling carrier.

  • Para lumipat sa voice call mula sa RTT, i-tap ang Higit pa Higit pa at pagkatapos Lumipat sa voice call.
  • Para i-hold ang tawag, i-tap ang Higit pa Higit pa at pagkatapos I-hold.
  • Para i-merge ang RTT na tawag sa ibang voice call o RTT na tawag, i-tap ang Higit pa Higit pa at pagkatapos I-merge ang mga tawag.

Mga tip sa paggamit ng RTT kapag may tawag

  • Makikita nang real time ng taong nasa kabilang linya ang ilalagay mong text, hindi tulad sa pagmemensahe sa chat. Halimbawa, kung nagkamali ka at na-delete mo ito, makikita ng taong nasa kabilang linya ang pagkakamali at ang pag-delete dito.
  • Puwedeng hilingin ng tao sa kabilang linya na lumipat sa RTT, kahit na pinili mo ang "Hindi nakikita" sa mga setting ng iyong app na Telepono.
  • May kasamang audio stream ang mga RTT na tawag. Para i-mute o i-unmute ang iyong mikropono, i-tap ang I-mute I-mute.
  • Puwede kang magkaroon ng maraming magkakasabay na RTT na tawag.
  • Puwede mong gamitin ang RTT para tumawag sa mga serbisyong pang-emergency. Para sa mga piling carrier, available ang RTT para sa mga emergency na tawag kahit na pinili mo ang "Hindi nakikita" sa mga setting ng iyong app na telepono.
  • Hindi available ang RTT kapag naka-roaming sa ibang bansa.

Tumingin ng transcript ng tawag

  1. Buksan ang app na Telepono ng iyong device telepono.
  2. I-tap ang Mga Kamakailan Mga Kamakailan.
  3. I-tap ang tawag At pagkatapos Mga detalye ng tawag.
  4. I-tap ang Tingnan ang transcript.

Mag-delete ng transcript ng tawag

Puwede kang mag-delete ng transcript sa alinman sa mga sumusunod na paraan:

Tip: Sa mga Google Pixel device, naso-store lang ang transcript ng iyong tawag sa app na Telepono, at walang access ang iba pang app sa transcript ng tawag mo. Posibleng hindi ganito sa ibang device. Para malaman kung paano sino-store ang iyong transcript, makipag-ugnayan sa manufacturer ng device mo.

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
10521654482156514171
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
717068
false
false