Wednesday, November 3, 2010

Sembreak

Ang sarap humiga...


Ang sarap kumain...


Ang sarap matulog...


Matapos ang nakakapagod,nakaka stress at nakakalokang sem. Heto at nagpapahinga na ako.



Gawa ng project, luto dito luto doon ( kasama na ang kain dito at kain doon), pag aayos ng sunod sunod na event, practice for competition at pagrereview sa exam. Yan ang ginawa ko sa isang sem. May isa pa pala ang magpa cute sa lahat ng tao.lol


Dahil nga sa sembreak gusto ko sanang bigyan ng isang magandang break ang sarili ko.Gusto ko mamasyal,magpunta sa malayong malayong lugar kung saan makakalanghap ako ng sariwang pagkain este hangin. Pero ang na break e ang bulsa ko so wala akong magagawa kundi mag stay sa bahay. At tumanggap ng text mula sa mababait kong klasmeyt na gawin ko ng pagkakataon ang bakasyon para mag diet.


Isang linggo lang ang bakasyon namin so mag emo na lang ako, magkulong sa kwarto maghapon at wag kumain hanggang sa sumeksi ako.lol Mananalo makikipagpustahan na hindi ko magagawa ang mga ganong bagay.


Hays!! gusto ko talaga mamasyal! tara pasyal tayo!! ^_^ Mamamasyal na lang ako sa bahay bahay nyo ( blog).

Sunday, October 3, 2010

Dark Lady Nasan ka na?

Omaygad!! Halos isang buwan na din pala ang nakakaraan mula nung ako'y biglaang nakatulog at nawala sa aking bahay (blog).



Saan nga ba ako nagpunta?



Okey payn kung wapakels ka kung saang lungga ako nagpunta paki click na lang po ang x button at ika'y mag tsupi na sa aking bahay.(supladita ang dark nyo) hehehe



Nainitan lang naman ako kaya nagpunta ako ng baguio at nung di ako makuntento sa lamig ng baguio nag bora ako pagkaraa'y nag puerto galera pero di pa rin ako nakuntento kaya nag disneyland na lang ako..... at lahat ng iyan ay sa aking panaginip lang.



Actually naging busy busyhan lang ako sa aking makulay na buhay. As usual sa school ulit naging busy sunod sunod kasi yung mga activities plus exam pa.At dahil dun bumigay ang aking pagkaganda gandang katawan at ako'y nagkasakit. O diba ang saya ng pagkawala ko? Pero sa kabuuan at kaseryosohan kahit papaano ay naging maganda yung isang buwan ko. Masaya ako dahil naging busy ako kasi nitong pumatak na ang "ber" ay nagsimula na akong mag emo, ang dahilan ay sikretong malupit na lang.



O hanggang dito na lang muna ulit. Babush! babush!!! ^_^

Saturday, August 28, 2010

Tagumpay para sa Lahat

August 27, 2010
Mula Bulacan nagbyahe kami patungo sa main branch ng school namin sa Quezon City, kung saan gaganapin ang iba't ibang klase ng paligsahan. Bawat branch ay may kanya kanyang kalahok para sa paligsahan ng malikhaing pagbasa, sanaysay, sayawan at sa pagluluto (Adobong Pinoy). Kung nagtataka kayo kung bakit adobo ang kailangan lutuin ito ay sa kadahilanang ang ipinagdiriwang natin sa buwan na ito ay ang Araw ng Wika kaya Pinoy na Pinoy ang pagkain.




Sa ayaw at sa gusto nyo kasali ako sa paligsahan ng pagluluto. Unang beses namin sasali sa competition na sa ibang lugar gaganapin at hindi namin kilala ang mga kalahok kaya abot ang kaba namin at todo ang praktis. Sa totoo lang mula nung magkaroon ng elimination nung Monday ( August 23, 2010) hanggang nung gabi bago ang paligsahan nagpapraktis kami kaya sawa na kami sa adobo. Namayat na nga ako e, promise!






Hindi pa man nagsisimula ang competition madami na nagtetext na mga klasmeyt namin at iba pang HM students kung ano balita maging ang prof. namin nagtatanong. Todo suporta silang lahat kahit hindi namin sila kasama.





Bandang ala una ng hapon nagsimula na ang kompetisyon. Sa una nagiging tarantado ( tawag sa taong natataranta) kami dahil sa kaba pero nung medyo tumagal na para na lang kami nasa sarili naming kitchen at panatag na. Todo suporta din ang chef namin kaya naman ganado kami sa pagluluto na may ngiti pa sa labi, 30 mins. bago matapos ang ibinigay na oras ay natapos na kami. Masaya kami dahil sa nagawa namin ito ng maayos. At nung magsimula nang tikman ng mga judges ang adobo ng lahat kinabahan ulit ako.


Bago ko sabihin ang resulta, ipakita ko muna yung picture ng pinanalo namin nung elimination.




At para naman po sa picture na ginawa namin kahapon...



At ang resulta ng kompetisyon....



Ako yung may hawak ng french fries at hamburger. Hindi pa kami nag lulunch kaya sobra gutom ko nun, wa poise na sa pagkain pero sulit lahat ng paghihirap namin. Unang beses pala na sumali ng branch namin sa kompetisyon sa pagluluto at isang malaking kagalakan na nanalo kami. Bukod dun nanalo din ang branch namin sa malikhaing pagbasa at sa sayaw kaya umuwi kaming lahat na may ngiti sa labi.
Para sa lahat ng sumuporta sa akin kahit hindi nyo pa naman talaga ako nakikita Maraming Maraming Salamat! Hindi namin magagawa ang lahat ng ito kung hindi dahil sa tulong ng bawat isa, turo ng mga prof. namin, suporta ng mga nagmamahal sa amin at sa inspirasyon namin at syempre kay God na binigyan kami ng pagkakataon sa bagay na ito. ^_^
Basta ang paalala sa bawat tagumpay na nakakamit " Huwag sana lumaki ang ulo"
Dahil tapos na ang midterm exam at competition magpapahinga muna si Dark at babawi sa pagkain dahil sumobra naman pagka sexy.lol








Monday, August 23, 2010

Cooking Battle



Kahapon ( Sunday)napagpasyahan namin ng klasmeyt ko na sumali sa isang kompetisyon sa pagluluto. Ang mananalo sa paligsahang iyon ay ang magiging representative ng school para makipaglaban sa ibang branch na gaganapin sa Quezon City.




Sumali ako hindi dahil sa magaling ako kundi dahil sa gusto ko masubukan na sumali sa ganoong paligsahan. Sa totoo lang wala akong kagaling galing sa pagluluto kaya tawanan yung mga sinabihan ko na sasali ako. Sadyang makapal lang mukha ko sa pagsali.At kanina ginanap ang paligsahan,kabado kami ng partner ko dahil eksperimento yung gagawin namin. At nung magsimula na ang oras ng pagtutuos gora na kami sa paghahanda. Sa unang tikim maasim, kaya sige lagay kami ng lagay ng sangkap para umayos na ang lasa. At sa huli boom! ok na nakuha na namin ang lasa pero hindi pa rin kami kampante na kami ang mananalo dahil 4 kaming grupo na naglalaban laban kaya posibleng isa dun ay ang pinakamasarap.




Makalipas ang ilang minuto lumabas na ang resulta. At para sa ikaiikli ng kwento ko dahil may gagawin pa pala ako. Ang resulta ay "Yehey!! kami ang nanalo!!!!" Sobrang lundag ako nung malaman ko yun, hindi ko akalain na kami pa ang mananalo. Kaya sa friday pupunta kami sa Quezon City para lumaban. Weeeeh!! Goodluck sa amin! ^_^





Ano ang niluto namin?




Ang special adobo!! hehehe. Ang kailangan lutuin ay adobo, pasarapan ng lasa at pagandahan ng nagluto ( walang kokontra, pagbigyan na masaya naman ako) Naglagay lang kami ng sikretong malupit na ingredient kaya siguro medyo nakalamang kami. Ang sikreto.....kindatan ang judge! ahahahaha...





Nagpapasalamat nga din pala ako kina Kuya Drake na nagsabing pampasarap ang pagmamarinade at kay Arnz na sinabing ang kailangan ay ang puso sa pagluluto para maging masarap ito ng bonggang bongga. Pati na rin sa pinoyfoodblog.com na isa sa post nya ay nabasa ko at nakakuha ako ng bonggang bonggang ideya.
"Hindi lang galing ang kinakailangan sa pagkapanalo kundi determinasyon at pagmamahal sa kanyang ginagawa."

Friday, August 20, 2010

Alam mo na ba?





Na ang word na tarantado ay hindi mura. Ayon sa prof. ng prof. namin iyon daw ay isang katawagan para sa mga taong natataranta. Kaya kung may mga tao kang kilala na palaging natataranta sabihin mo "Hoy huwag ka nga magpaka tarantado". Ingat lang sa mga pagsasabihan mo na hindi pa alam ang ibig sabihin nun baka may bumigwas na sampal o suntok sayo.









At alam nyo din ba na ang paglalagay ng bigkis sa mga baby ay para din sa kanilang future na angking alindog ng katawan (what the word! lol) Pansin nyo ba na may matataba pero sexy tingnan at meron din naman na di gaanong katabaan pero ala 1.5 ng coke tingnan. Dahil pala yun sa mahiwagang bigkis na inilalagay sa pusod ng mga sanggol. Ang paglalagay ng bigkis ay nakaliliit ng bewang at syempre makikita mo lang ito sa paglaki ng bata. Kung maganda ang korte ng kanyang katawan yung tipong may kurba pa ibig sabihin nun matagal sya binigkisan ng kanyang ina. Kaya pala kahit anong pagpapapayat gawin ko iisa pa rin korte ko at iisa lang sukat ng bewang ko. shete! Kung pwede lang ihabol at bigkisan ko sarili ko gagawin ko na kaso dapat pala nung sanggol pa ako. Hays! ang aking ina kasi e.kung binigkisan nya ako ng matagal e di sana ala Thalia na ang aking katawan. ^_^






Yan lang muna Shinare ko lang din ang aking napag alaman. Ako kasi ngayon ko lang yan nalaman. O pano hanggang dito na lang muna. Mag midterm muna si Dark. Ingat kayo! ^_^

Friday, August 13, 2010

Ang Muling Pagkikita



Kanina nakatanggap ako ng text na mula sa kaibigan kong mag 2 years ko na hindi nakikita. Nung basahin ko yung text napabulalas ako ng "shete! galit na yung friend ko." Bakit? Kasi nakikipagkita sya sa akin at hindi man lang daw ako nag rereply, ang sabi nya pag daw makikipagkita sya ayaw ko magreply, kuripot daw ako! yun ang mga sinabi nya. Kaya reply naman ako. Pinaliwanag ko kung bakit di ako naka reply, nasa taas kasi yung cp ko dahil walang signal sa baba bundok yata tinitirhan namin kaya di ko kaagad nabasa yung text nya. Tinanong ko kung anong oras kami magkita. Maya maya hindi na rin sya nag reply, tinatawagan ko sya ayaw sagutin. E di ako naman nagalit tinanong ko ano ba problema nya. Pagkatapos ng 10 miskol hayun nag reply." Nasa sasakyan ako hindi ko narinig". Shete gumaganti yata.



Hindi ko na sya inaway pa dahil magkakaroon ng gyera. Kaya hayun pinag usapan namin kung anong oras kami magkikita at kung saan. Sabi nya papunta na sya Pulilan kaya sa Robinson na lang kami magkita, after 30 mins. nandun na daw sya. At isa pang shete dahil hindi pa ako nakakapag ayos. Kaya nag reply ako " pwede bang maligo muna?" kaya dali dali ako naligo. At para sa ika iikli ng kwento, nakarating naman ako dun sa meeting place namin nauna nga lang sya ng konti pero ayos lang lalake naman sya alangan na ako ang maghintay.



Pagkatapos nun naglibot libot lang kami at kumain. Then nagpunta kami sa bahay namin, sumakay kami ng tricycle P40 ba naman ang sinisingil sabi ko P30 lang, tapos kinalabit ako ng kaibigan ko sabi P10 lang makikipag away ako sagot ko sa kanya sayang din yung P10 sira! At syempre nanalo ako.Pagdating sa bahay pinagluto ko sya ng pancit. Tinatanong ko sya kung ano gusto nya kainin pero isa pang "shete" hindi ko alam lutuin pinaluluto nya. Sabi ko mag fried chicken na lang sya.lol



Matapos ko sya ipagluto ng pancit hayun kumain na sya at kwentuhan ulit. Tapos nun pinalayas ko na sya kasi may kaibigan pa din sya na pupuntahan, sabi ko hindi pinaghihintay ang babae. Babaero talaga! lol Pagkalayas nya sa bahay namin nagtext kaagad sya. "Thanks ah sarap mo pala magluto ng pancit." Siraulo yun, masarap daw e konti lang kinain nya lolokohin pa nya ako.lol Rason pa nya konti lang talaga sya kumain pero sanay na ako dun. Sadyang loko loko lang yun pero yun ang kaibigan ko na sumasalo sa mga kaartehan ko sa buhay.^_^

Tuesday, August 10, 2010

Hanggang Panaginip ba naman?

Kahapon naging busy na naman si Dark. Every tuesday may laboratory kami (nagluluto). Nakakapagod ay hindi sobrang nakakapagod pala, 5hrs kaming nakatayo at nag reready ng iluluto. Ang menu namin ay Hawaiian BBq Porkchops with Vegetable Spiced Rice and Coleslaw saka Cajun Fish Fillet with Chili Lime Aioli. Yung pagod namin super sulit din naman dahil bukod sa nakakakain kami nandun na din yung bonding ng bawat group at may natututunan pa. Idagdag mo pa yung gwapong chef namin,busog na busog ka na.




At dahil nga sa sobrang pagod ko bago ako umuwi bumili muna ako ng C2. Everytime na uuwi ako at pagod dumadaan ako at bumibili sa savemore na katabi lang ng school namin. Kaya pag may nakita kang babaeng umiinom ng C2 sa jeep ako na yun. (parang ako lang nag c'C2 noh)



Past 7pm na ako nakauwi samin. At syempre hindi muna ako bumulagta kasi nag check pa ako ng fb ko tapos makikinig sana ako sa youtube ng nakaka senting kanta, mag eemo kasi ako pero na bwisit lang ako paputol putol yung kanta. Parang stop dance ba? hays! kaya ayun pahinga na lang ako then naligo na ako.


Kumain...

Pumanik na sa taas dahil may babasahin pa ako

At natulog...



Sa pagtulog ko akala ko makakapamahinga ako. Ay sus hanggang sa panaginip ko nagluluto pa din ako. Akala ko pa naman mapapanaginipan ko yung labidabidabidabz ko. At sa kalagitnaan ng gabi nagising ako dahil pinulikat ako sa binti. At nung ituloy ko pagtulog ko tuloy din pagluluto ko sa panaginip.



Sabi ng prof. namin sa psychology dalawa lang ang dahilan para mapanaginipan natin ang isang bagay. Una, yung bagay na gustong gusto mong mangyari at yung pangalawa yung bagay na ayaw na ayaw mo naman mangyari.



Diba ang sabi din nila pag inisip mo ang isang tao bago ka matulog sya mapapanaginipan mo pero hindi ka ba nagugulat pag hindi mo naman naisip yung isang tao pero napanaginipan mo that night? Nangyayari yun dahil sa minsan na syang pumasok sa isip mo at naiwan dun kaya napanaginipan mo sya kahit hindi mo sya inisip nung gabi na yun.



Yun lang naman mga friendship, hanggang dito na lang muna ulit.
Ingat kayong lahat!! ^_^