Wednesday, June 30, 2010
Muling Paglipad Para sa Pangarap
Posted by darklady at 1:25 AM 11 nag effort bumasa
Thursday, June 24, 2010
Ingay sa Gabi
Posted by darklady at 6:53 AM 14 nag effort bumasa
Saturday, June 19, 2010
Ang Paglalayas ni Bulig
Kaninang umaga bumili ng bulig sa tapat ng bahay namin ang mahal kong Ina. Matagal na din kami hindi nakakakain ng bulig dahil wala naman mahilig. Balak ng aking Ina na ihawin ito kaya inilagay nya muna ito sa isang lalagyan. Masyadong malikot si Bulig kaya inilipat siya ng lalagyan at inilagay sa labas.
Makalipas ang ilang oras lumabas ang bunso kong kapatid para umihi sa labas. ( Bakit ganon mga lalake mas gusto pa umihi sa labas e may c.r naman?) At nung tingnan nya si bulig nawawala na ito,labas kaming lahat at hinanap ang pang tanghalian ngunit hindi namin talaga ito makita. Inisip namin na baka nakuha ng pusa. Kaya lumong lumo na pumasok ng loob ang aking Ina. Iniisip pa naman daw nya na masarap kumain ng bulig habang mainit, at dahil wala na yung bulig wala na kami ulam.
Wala na kaming nagawa kundi tanggapin na wala na si Bulig kaya yung mga kapatid ko pinagpatuloy na ang pag cocomputer, si mommy naman natulog na.
Lumipas ang isang oras, naghahanda na ako sa pagpasok ko sa school. At habang nagsusuklay ako tahol ng tahol ang aso namin kaya nilabas ko. Pag tingin ko sa labas nakita ko si Bulig at maduming madumi na halatang nagpa gulong gulong sa labas. Hiyaw naman ako " heto na si bulig". Labas ulit lahat ng tao sa bahay at si mommy kinuha ang lalagyanan at muling hinuli si Bulig. Paglagay sa kanya sa lalagyanan muling nagwala si bulig at kumawala.
Dun namin napatunayan na hindi nga sya kinidnap ni muning kundi kusa siyang naglayas. Hindi ko na nalaman ang dahilan dahil iniihaw na sya. At yun na naging katapusan ng buhay nya.
Sayang nga lang at hindi ko na natikman ang alindog ni bulig dahil pumasok na ako sa eskwelahan nung sya'y iniihaw na.
Posted by darklady at 6:11 AM 13 nag effort bumasa
Thursday, June 17, 2010
Lalakeng Uy! Ay!
Sa mga first year college ito nangyayari ang magsuot muna ng sibilyan habang walang uniform.At syempre para sa mga fashionista, hilig magsibilyan at may maraming damit pabor na pabor ito. Iba't ibang klaseng porma ang makikita mo sa daan, may ilan na aakalain mong pupunta lang ng palengke dahil naka tsinelas pero mamamalayan mo na same lang kayo ng door na papasukan dahil nag aaral pala sya. May ilan naman na todo porma, tipong mapapatingin ka dahil sa agaw pansin nyang suot, kung hindi kinulang sa tela ang damit yung pantalon naman na may design na punit. At syempre may ilan naman na simple lang tipong pantalon, blouse at sapatos/doll shoes.
Hindi naman masamang pumorma, kaya lang may mga kailangan na damit na dapat isuot sa isang lugar. Minsan din kasi dahil sa damit mo nababawas pogi / ganda points mo. Katulad nung nangyari nung 1st day ng klase.
Posted by darklady at 6:13 PM 9 nag effort bumasa
Monday, June 14, 2010
Natitira kong Isang Araw
- Kumain sa iba't ibang kainan, yung tipong nasa gitna ng dagat yung resto o kaya nasa ibabaw ng bridge.hehe basta yung may gimik, yung tipong ganon yun na yun.
- Makapanood ng concert ng Westlife at makapagpa picture kay Shane Steven Filan my love so sweet.
- Makapamasyal sa iba't ibang place na dehins ko pa nararating.
- Makapag beach, pwede na ako umitim nun. Ay parang pangit pa din kasi baka ilibing ako na maitim...hmmm.gamit na lang ako ng sunblock.
- Maging isang modelo.
- Magkaroon ng anak, pwede ba yun sa isang araw lang?hehehe so imposible naman!
- Makapag simula ng business na maipagpapatuloy ng aking mga mahal sa buhay para kahit deds na ako hindi sila mahirapan.
Pero dahil sa malabo mangyari yun sa loob ng isang araw lang, mas pasimplehin ko na lang. Pero bonggang bonggang saya naman pag nangyari to.
Hahatiin ko ang isang araw. Gusto ko sa kalahating araw magkakasama kaming pamilya ko, boyfriend ko, pamilya nya at mga kaibigan namin parang party lang. At sa kalahating araw gusto ko i spend yun sa boyfriend ko, solo na namin kumbaga. Gusto ko kasama ko sya kumain kahit sa carenderia lang, mamasyal kahit sa kalye lang, manood ng movie kahit sa dvd lang. Gusto ko sya ipagluto ng mga pagkaing gusto nya at kantahan sya kasi pagkakataon ko na yun para hindi sya umangal sa boses ko.hahahaha. yun lang naman! bow! ^_^
Posted by darklady at 5:09 AM 8 nag effort bumasa
Saturday, June 12, 2010
Daddy 1 and Daddy 2
- Nagturo sa akin kung paano mag drawing ( nagsimula ako sa pagdrawing ng bahay kubo na may malawak na taniman)
- Tagapagtanggol ko kapag pinapalo ako ni mommy.
- Tagapag alaga sa akin kapag may sakit ako at wala si mommy para bantayan ako.
- Bumibili sa akin ng isang buong egg pie kapag sumusweldo sya sa pagiging isang construction worker nya.
- Tagapag hatid sa akin sa eskwelahan gamit ang kanyang bike noong mag grade 2 na ako.
- Sumbungan ko kapag hindi ako nanalo bilang muse.
- Humahalili kay mommy para umakyat sa stage, umatend ng P.T.A meeting.
Mga pangyayaring akala ko wala ng katapusan, sa kanya hindi ko naranasan mapalo. Lahat ng gusto ko binibigay nya kaya hindi naging madali para sa akin noong maghiwalay sila ni mommy. Madaming nabago sa pag sasamahan namin. Ang isang daddy na sumbungan ko ng lahat ngayon hindi na, napipi na ako. Isang tanong isang sagot na lang kung mag usap kami. Pakiramdam ko malayong malayo na kami. Sobrang layo. Gayunpaman nagpapasalamat pa rin ako sa kanya dahil naging isang mabuting ama sya. Alam ko kahit magkalayo kami kapag nangailangan kami ng tulong hindi sya magdadalawang isip na tumulong.
Si Daddy 2
- Sya ang nagsilbing pangalawa kong ama.
- Hindi nya kami tinuring na iba.
- Pinag aral nya kaming magkakapatid.
- Pag kailangan namin ng tulong handa syang gawin ang lahat.
- Sa kanya ko lang nakita kung gaano kasaya si mommy.
Hindi kami close na tulad ng daddy ko noon pero kahit ganoon sobra akong nagpapasalamat sa lahat ng bagay na tinulong nya sa amin. Isang amang nagmahal kahit sa hindi nya tunay na mga anak.
Para sa dalawang lalake na nagsilbing ama para sa amin ng mga kapatid ko. Isang taos pusong pasasalamat. Siguro may mga bagay na hindi nyo perpektong nagawa gayunpaman naging isa kayong perpektong ama sa ibang paraan. Balang araw masusuklian din namin ang mga bagay na ginawa nyo sa amin.
Happy Father's Day sa lahat ng Ama
Posted by darklady at 7:59 PM 3 nag effort bumasa
Wednesday, June 9, 2010
Kulay- Kulayan
Cool Colors
- Blue- strong, important,peaceful, intelligent.
- Green- growth, health, environment, harmony.
- Red- love,passion,heat, joy, power.
- Pink- sweet, nice, romance, playful, delicate. ( pretty)
- Yellow- happy, joy, cheerful, remembrance.
- Gold- riches, extravagance, bright, traditional.
- Orange- energy, warmth change, health.
Mixed and Warm colors
- Purple- royal, precious, romantic, sacred.
- Lavender- grace,elegance, delicate, feminine.
- Turquoise- feminine,sophisticated, retro.
- Beige- conservative, relaxing.
Neutral colors
- Black- conservative, mysterious, sophisticated. (pretty)
- Gray- formal, conservative, sophisticated.
- Silver- sleeks, glamorous, rich.
- White- purity,innocence, softness
- Ivory- quiet,pleasant, understated elegance.
- Brown- earthiness, wholesomeness, simplicity, friendliness.
Naniniwala ako sa mga kahulugan ah, lalo na yung akin.^_^
Kayo ba swakto ba sa inyo ang kahulugan ng inyong kulay?
Tandaan, hindi porke't iyon na ang paborito mong kulay ay ito na rin ang bagay sayo sa lahat ng pagkakataon. Lalo na pagdating sa pananamit hindi porket mahilig ka sa pink ay laging pink ang suot mo, na ultimo sa pakikipag date ay kikay ang suot mo.^_^
"Ang bawat kulay ay sumisimbolo sa kung ano ang iyong mood o kung ano ang ibig ipahiwatig ng isang larawan."
Posted by darklady at 8:05 AM 19 nag effort bumasa
Tuesday, June 8, 2010
Mahal kita, Hindi kita Iiwan
Oo inaamin ko mahirap ka iwasan dahil kahit saan ako magpunta laging ikaw ang laman ng isipan ko. Sa pamamasyal hindi pwedeng wala ka dahil ikaw lang kumukumpleto kahit nag wiwindow shopping lang ako.
Minsan nasasaktan ako sa sinasabi nila tungkol sa akin at ikaw ang sinisisi gayunpaman hindi kita iiwan. Dahil ikaw ang karamay ko kahit anong mood ko, ikaw ang isa sa mga tinuturing kong kaibigan.
Masyado kayong seryoso, si pagkain yung tinutukoy ko. Nagdadrama lang ako kasi tumataba na ako at sigurado na madadagdagan na naman ako dahil malapit na magpasukan. Lutuan portion na naman. Pero ok lang yun, kahit tumataba na cute pa naman!! whahahahaha!! walang magwewelga! ^_^
Posted by darklady at 7:27 AM 15 nag effort bumasa
Friday, June 4, 2010
Ang Nalalapit na Pagtatapos ng Bakasyon ni Dark
WOhoo !! Tapos na ang summer vacation!! At malapit na magbalik eskwela.
Balik pag rereview na naman para sa mga exam at recitation. Paggawa ng project at report at ang muling pag aaral ng pag luluto kung saan muli na naman ako lolobo.
Feeling ko lutang ako na hindi ko alam, nangangati ang mga kamay ko at gusto mag post sa aking bahay kaya heto ilalagay ko kung ano ano ang mga pinag gagawa ko at nangyari nung bakasyon.
* Sa unang linggo ng bakasyon nagpahinga ako at nangarap na lang dahil sa pagod ko sa finals namin. (rest week kumbaga)
*May nag alok sa akin ng trabaho ( dancer daw) joke lang! kaso kinabukasan need ko na pumasok, ok na sana kaso wala pa ako requirements kaya hayun hindi rin natuloy.Tinapay na sana naging bato pa.
* Naging magulo ako dito sa aking bahay, mapapagod ang mata ng nagbabasa dahil sa hahaba ng entry ko at araw araw na pagpopost.
* Naisipan ko na maghanap ng work sa labas kaso umuwi din akong luhaan.
* Dahil sa sobrang init nakisabit ako sa mga mag swimming kaya naka dalawang swimming ako
* Nag li-low ako sa pag ba blog dahil..
* Naging tita yaya na ako
* Namatay yung lola namin at sa burol nya nakita ko na yung kaibigan kong matagal ko nang hinahanap plus nagtext sa akin yung classmate ko nung elem. natagpuan na nya daw yung iba namin kabarkada nung elem. na matagal ko na din gusto makita.
* Nagpunta ako sa school para kunin ang classcard at magpa enrol at isang magandang balita dahil naka kuha ako ng academic scholarship. Naka discount ba, hindi naman ganon kalaki pero makakatulong na din sya pambawas sa tuition ko.
* Sumunod naghahanda na kami sa pagdating ng kuya ko galing Oman
* Kaya bago pa man sya dumating nagpa hair spa ako at nagpagupit
* At nung dumating sya syempre halungkat ako ng pasalubong nya sa akin at tsaran! (isang laptop) ^_^
* Pagkatapos nun muli nag swimming kami. kaya naka 3 akong swimming. Kahit naglalakad lang ako sa pool panay pa rin sama ko sa swimming.
* At para sa nalalapit na pagtatapos ng bakasyon bukas mag enchanted kami. (sama kayo!) ^_^
At yan po ang nangyari sa aking bakasyon talagang puro pasarap.hehehe. Pero next na summer sana hindi na ganito dahil gusto ko nasa work naman ako. Gusto ko mag ojt sa Manila para maiba naman ako ng lugar at gusto ko matuloy ang business na pinapangarap ko.Busy busyhan mode ka na plus may pera ka pa.o diba mas masaya yun.
Posted by darklady at 7:02 PM 9 nag effort bumasa
Tuesday, June 1, 2010
New Hair, New Look!!
Iyan na po ang gumegewang gewang kong bangs..
Posted by darklady at 5:29 AM 19 nag effort bumasa