Tama ang inyong nabasa, first time ko to. First time na ako'y
maambunan at nabasa sa isang salon. First time na madampian ng nagmamasaheng kamay ang aking buhok sa ulo.
Sa maniwala kayo o sa hindi natural na natural ang buhok ko, walang bahid ng pagpapa rebond o kahit ano pa man. In short tagtuyot yung buhok ko ang dating ay parang hinangin lang sa labas. Summer na summer!!
Noon ko pa gustong magpaganda ng hair, kaso pag naiisip ko yun wala ako pera at kapag naman may pera ako nanghihinayang ako kasi ang mahal mahal. Maraming pagkain din ako mabibili sa pampaayos na yun. At nung isang araw nga kahit papaano nakainom din ng tubig ang buhok ko, nagpa hair spa ako. Ang sarap sa pakiramdam, sabi nung nag aayos sakin maganda daw kung magpa rebond ako mas gaganda daw hair ko. At talagang gaganda nga kasi ang ganda din ng price nasa P1500. Oo mura sya sa may pera pero sa ngayon wala ako nun, saka na lang muna yun. Masaya na ako sa hairspa muna, dadating din tayo sa pagpapa rebond.
At hindi lang yun, bukod sa ako'y nagpa hair spa ako'y bagong gupit din. May bangs ang lola mo!! kung hindi ako nagkakamali ang tawag sa gupit ko ay japanese haircut. wala ako alam sa iba't ibang klaseng gupit kaya pinaubaya ko na kay ate yung style na gagawin nya sa hair ko. At ang kinalabasan syempre kamukha ko pa rin.hehehe.ayos naman. ^_^
At iyan po ang kwentong first time ko. Kung maghahanap ka ng moral lesson dyan e mabuti pang matulog ka na kasi wala kang mahahanap...
Ang masasabi ko lang,nakukuha sa pag iipon ang pagkamit sa gusto mong makuha. Sensya na sa mala balon kong sinabi antok lang e.kailangan ko na magpa hinga. ^_^ babush!!!
Sana wag kayo magsawang magpunta dito sa aking bahay..
Quotation 101
-
"Mahal kasi kita"
Isa sa pinaka masakit na dahilan para itago sa kanya ang tunay mong
saloobin.
-Dark Lady
13 years ago