Sabi ko, ano nanaman itong kalokohan na to? Lab story ba ito? Wala akong balak kiligin hanggang sa kuyukot na abot hanggang sa burnik ng pwet ko (ay sori, baboy na).
Unang tagalog na libro daw na nabasa nya, at nagustuhan nya ng sobra sobra, todo todo. OA! Sabi ko. Hindi pwedeng sobra lang, kelangan sobra sobra?
Ako, kung sakali, pangalwang tagalog ayon sa aking pagkakaalala. Ang una ay ang Bata, Bata Paano ka Ginawa ni Luwalhati Bautista.
Sa una’y nahirapan ako basahin, marahil sa sobrang daming ginagawa sa trabaho, wala ang todo kong atensyon sa libro, at madaming putol ang aking pagbabasa. Pero di kalaana’y nabasa ko din ng tuluyan hanggang madaling araw ko na natapos at eto, sinasabi sa inyo na weirdo sya basahin, pero maganda. Madaming parte na nakarelate naman ang kilikili ko sa pagkiliti ng lechecng libro nito sa mga alaalang pilit na winawaksi.
Basta! Bigyan ko nalang kayo ng mga paborito kong mga linya sa libro na naquote na din ni bespren sa blog nya.
------------
236-237
---------------
At ang isang napaka lupit...
-----------
103-104
"...Dahil totoo ang sabi nila, ang great love mo, hindi mo makakatuluyan. Ang makakatuluyan mo ay ang correct love".
-----------
Me pagka pessimistic din itong libro na ito no? Samahan mo pa ng teoryang sa madaming tao ay marahil totoo...
-----------
36
"Me quota ang pag-big. Sa bawat limang umiibig, isa lang ang magiging maligaya. Ang iba, iibig sa di sila iniibig. O iibig nang di natututo. O iibg sa wala. O di iibig kailanman".
----------
So ano? Kasama ka sa quota?