Pasensya na sa mga ka-blog na alam kong nasa field na to. Sana hindi nyo masamaain kung may opinion ako na medyo pasalungat sa ilan sa inyo. Hindi ko naman nilalahat. Parang opinion ko lang din sa mga pulis at mga medreps. At uulitin ko, hindi ko nilalahat.
Pansin ko lang kasi sa mga taong kilala kong napaka bait, pinipili ang mga salita, may disposisyong akala mo nasa library ka o nasa fine dining restaurant, bigla silang nagbabago matapos mapasabak sa mga call centers.
Nagiging matalas ang mga dila. Kada kibo may kakabit na mura. Hindi ko na nga pinapansin ang yosi at inom. At may mga mata na animo’y nagiging leon pag kinanti mo. May positibo din namang dulot ito, ibig sabihin nagka ”backbone” lang sila.
Ayaw ko mang pansinin, pero tuwing tatawag ako na kailangang dumaan sa isang agent, malaking porsyento sa kanila ang talagang mahina sa customer service, ung tipong magalang ang salita pero may tonong ”bilisan mo kasi sayang oras ko,” o dili kaya’y ”ano nanaman yang pinagsasasabi mo.”
Nung isang araw lang, tumawag ako sa Globe, Resh (ata) ung nakasagot. Lalake pero ang taray ng boses. Sanay naman ako kasi may kaibigan akong mataray talga ang boses. Pero pansin ko lang panay ang mute nya ng linya. So naparanoid ako kasi madalas kong marinig na kapag mi-nute nila ang linya, minumura ka na. At sa mga nakakakilala sakin, hindi pa rin ako sanay na minumura ako. Nasanay lang ako kay erick pero hindi nmn nya ako ginagamitan ng seryosong mura na tono. Pero minsan nakong namura na seryoso, naiyak lang talaga ako.
So, ayun nga. Feeling ko minumura ako kaya nag sorry naman ako kung nastress ko sya. Nung matatapos na ang usapan, nag good bye na sya pero bago pa man matapos ang spiel nya ng good bye, ”thank you for calling globe something something... call us any... tooot toooot.”
Patay na agad ang linya bago pa man sya matapos.
Hindi ako nainis pero naulungkot ako dahil dumadami ang mga taong mainitin ang ulo at (pasensya na) pumapangit ang ugali. Hindi ko naman lubusang ma-blame sila dahil alam kong napapagod din silang kumausap ng mga naggagalaiti at nambabastos na mga customer.
Ano point ng post na ito?
Sana lang pag uwi nila ng bahay naiiwan nila ang mga ugali na pilit na pinapalitaw ng demanding na trabahong un.
Sana lang kung ano mang magandang asal na naituro ng mga magulang nila, un padin ang mamalagi pagkatapos ng isang napaka habang araw nila.
Sana lang kung anong mga paggalang sa kapwa na madalas mamutawi sa mga labi nila ay hindi tuluyang mapalitan ng mga maahanghang na salita na wari mo’y machine gun kung lumabas sa mga bibig na tulo na ang laway.
Sana lang kung anong defense mechanisms ang ginagamit nila sa mga customers na di marunong gumalang, hindi nila magamit by default sa lahat ng taong makakasalamuha nila sa real world.
Sana lang kung kinuha man nila ang trabahong un para lang sa sweldo, mahanap dinnila ang trabahong tunay na makakapagpaligaya sa kanila at makakatustos padin sa mga pangangailangan nila
Sa mga magulang, sana may oras padin sila sa mga anak nila.
Sana makakuha padin sila ng mas mahabang tulog.
At sana, kung may mabigat na personal na problema ung nakausap ko, malagpasan sana nya un.
Un lang.
Bow.