Friday, July 29, 2011

quickie

Pansamantagal akong walang maibahagi sa dami ng ginagawa eh blog hopping lang ata nakaya ng powers ko. O sya ito na, last weekend eh nag eskedyul na kami ng gala maraming nagbadya ng pagkulog at pagulan ilang araw bago ang final day. Hindi umayon ang panahon nang una pero nang may sumilip na katiting na haring sunshine gora agad! 


"All my bags are packed I'm ready to go..." at may pa sway sway pa!


Destination - Bogo Citeeey! Mga dalawang oras na byahe sa bus going North from Cebu City, kebs basta makagala. At hindi ko na patatagalin dahil hindi naman suspense thriller ito kaya ito na ang mga ebidensya -  


The Bitches 
"ok na sana, kaya lang parang gusto yata sumama ni ateh sa pic..."


Kasama ko si maldits at nieco. Ektwaley post birthday celebration ito ng anak ni nieco, hindi naman kami choosy teh basta galaan hala gorabells.


"galing-sa-palayan-look"


Pagdating namin eh umulan ng pagkabongga. Pero hindi nagpapigil ang makakating paa. Girl scout yata ako,  inilabas ang payong at nagwalking in the rain ang show. Nagwalkathon kasi nalagpasan namin yung babaan sana namin, ang reason - nawili sa naka two piece na palabas sa bus. 

"beer + good friends = super duper laugh trip"


Pagdating sa kanila, syempre may iba pa bang sasalubong? Beer baybeh! 
Ayown kahit wala pang kain tumatagay na. Kumain, uminom, kumain ulit at uminom ng marami. May kwentuhan, may nagtayo ng tent, may nalasing, may nagsuka at marami kaming tawa sa kung ano-anung bagay, may kwenta man o wala. Basta tawa nalang kami ng tawa. 



The next day, kelangan maghugas ng mga kasalanan magpray. Bumisita kami sa isang Shrine na malapit. Pero bago ka makarating sa top eh para kang nagpenitensya, kamusta naman ang 150 steps? Henyways the view from the top was worth it, medyo makulimlim nga lang ng konti pero solb na rin.


Syempre hindi complete and gala kung walang beach. Kahit umaambon at wala masyadong sunshine eh rampage parin sa dagat and swimming pool. 

"no comment..hehe"
Parang ang haba ng gala namin pero tatlong araw lang yan. 


Finally, hindi naman siguro magiging memorable 'to kung wala sila - 

Bitch#1 - Nieco



Bitch#2 - Maldito





Mas marami pa ata ang laugh trip namin kesa sa mga pera naming dala. Until next getaway Bitches!!! 

Friday, July 22, 2011

noon-ngayon

Noon pag nanonood ako ng TV akala ko si Sharon Cuneta si Mamang at si Dolphy si Papang kasi may bigote.


Noon ang gusto ko lang paglaki ko maging flight stewardess, kasi gusto  kong lumibot sa buong mundo.


Noon solb na pag nakakapanood ako ng Power Rangers.


Noon nanglilibre na ako pag P5 ang baon ko sa skwela.


Noon pag nawawala o nasisira ang pencil case ko ok lang kasi ibibili naman ako ni Mamang/Papang ng bago.


Noon problema na kung paano ako mangongopya sa kaklase kung may pop quiz, kung paano ko ipapasa ang mga grades, kung pwede kaya akong mag hello sa crush ko kung dumaan man sya at kung kelan ako magkakaboypren.


Noon ang gusto ko lang eh yumaman.


Ang simple lang at ang babaw ng mga problema at iniisip ko noon. 


Ngayon sa dami ng ginagawa eh ang gusto ko lang gawin pagkatapos ng trabaho eh matulog.


Ngayon swerte na pag may sale sa mga airlines saka pa lang nakakabyahe sa ibang lugar.


Ngayon hindi na uso ang libre, mahirap kumita ng pera.


Ngayon pag may mga bagay na sira hanggat pwede pa gamitin eh pagtitiisan at kung may sobra sa pera saka pa lang bibili ng kapalit.


Ngayon kung hindi ka magsisipag sa trabaho o hindi ka performing malamang sa alamang sipa ka.


Ngayon halos ipamigay na ako ni Mamang kasi dapat na daw akong magasawa. 


At hanggang ngayon gusto ko parin yumaman.


Ang hirap pala pag matanda(adult) ka na. Marami ka nang iniisip at parang kabute lang ang problema, sumusulpot nalang ng bongga. Minsan naiisip ko sana bata nalang ako. 


-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------




Ngayon...


"Juan Paulo Antonio = Love :)"
Anak ng sisterloo ko, bagong addition sa aming family. Welcome baby Juan! 

Friday, July 8, 2011

suplado ako sa kwarto

"pwede na bang endorser?"

Barkadude: Bat ka pa bibili nyan eh pwede ka naman magsulat ng ganyan? (regarding the Suplado Tips book)
Tabian: *tawa ng malakas* Meganon? Attitude ka teh? 

Ito po ang pinagkakaabalahan ko sa ngayon. Pumunta kaming Fully Booked kahapon at as always paglabas ko may sukbit na akong supot. Swerte ko last copy ng Suplado Tips, parang meant to be talaga. Ako po ay nanalangin ng mataimtim na sana ay matapos ko ang librong Room ni Emma Donoghue at may makuha naman akong tips sa Suplado Tips ni Stanley Chi. Here we go sago!