HOME

Friday, July 31, 2020

Thank You, Lord, for the lessons and blessings of July!


PSALM 100


Shout for joy to the Lord, all the earth.
Worship the Lord with gladness;
come before him with joyful songs.
Know that the Lord is God.
It is he who made us, and we are his;
we are his people, the sheep of his pasture.


Enter his gates with thanksgiving
and his courts with praise;
give thanks to him and praise his name.
For the Lord is good and his love endures forever;
his faithfulness continues through all generations.


Saturday, July 25, 2020

Pamamaalam sa mga kapatid nating pumanaw


Paalam sa iyo, kapatid na pumanaw; mapasapiling ka nawa ng Poong Maykapal. Ang pagpapala ng Diyos ay baunin mo: Sa ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo. 

Sa paraiso magkikitang muli tayo. Samahan ka ng mga Banal. Samahan ka ng mga Anghel.  Kahit na may nauuna, tayo rin ay magsasama, upang lagi tayong lumigaya sa piling ng Diyos Ama.

PANALANGIN

Panginoong Diyos, buong kababaang loob na inihahabilin namin ang mga kapatid naming pumanaw na tinawag mo mula sa mortal na buhay na ito. Minahal mo siya lagi Nang may dakilang pag-ibig.
Ngayon na pinalaya mo na siya sa lahat ng kasamaan sa mundong ito, dalhin mo siya sa iyong paraiso kung saan wala nang pighati o pagdadalamhati o kalungkutan, kundi kapayapaan at kaligayahan kapiling ng Iyong Anak at ng Espiritu Santo magpakailanman. Amen. 




Wednesday, July 22, 2020

PANALANGIN PARA SA ISANG MILAGRO


Panginoong Hesus, Ikaw po ang Makapangyarihang Diyos at Manunubos. Ako po ay lumalapit sa Iyo ngayon upang hilingin ang Iyong grasya at pagpapala. Ako po ngayon, Panginoon, ay nasa sitwasyong mahirap at tila wala ng pag-asa. Nahihirapan po ngayon ang aking isip, katawan at damdamin. Tulungan Mo po sana ako, Panginoon, na maka-ahon sa sitwasyon na ito. Wala na po akong matatakbuhan. Wala na po akong maaasahan kundi ikaw na lamang po.  

Lubos po akong nagpapakumbaba sa Iyo, minamahal kong Panginoon. Pakinggan Mo po sana ang aking mga hinaing at dalangin. Maaawa Ka po sa akin at isaayos Mo pong muli ang lahat.  

Nananalig po ako ng buong puso at kaluluwa na walang imposible sa Iyo. Walang problema ang hindi Mo kayang solusyunan. Walang anak Mo ang lumalapit sa Iyo ang kaya Mong iwanan at pabayaan, sapagka't Ikaw ay tapat at mapagmahal.  Amen. 


Sunday, July 19, 2020

Sa Diyos lamang tayo mapapanatag, maghihilom, at papayapa.



Walang katapusan ang paghahanap natin sa kaligayahan, nguni't paulit-ulit tayong nabibigo, paulit-ulit tayong nasasaktan, paulit-ulit tayong lumuluha, at paulit-ulit din tayong nagtatanong: "Bakit kailangan natin masaktan kung ang hangad lang naman natin ay kaligayahan? Parusa ba ito? o baka naman hindi lang talaga tayo mahal ng Diyos?"  Marami sa atin ay ganyan mag-isip. Marami sa atin ay nagdududa sa pagmamahal ng Diyos.  

"Diyos nga ba ang hindi nagmahal sa atin? o tayo ang kapos kung magmahal sa Kanya?"

"Diyos nga ba ang nagkulang sa pag-aaruga o tayo ang nagkulang sa pagsunod?"

Madalas ay sinisisi natin ang Diyos sa ating dalamhati, nguni't ang totoo ay tayo ang matigas ang ulo. Patuloy tayo sa paghahanap ng ligaya sa mundong puno ng ligalig at pagdurusa. Sa wika ng Anghel, "bakit ninyo hinahanap ang buhay sa mundo ng mga patay?"  Sa kalungkutan at Sakit na dinaranas ng tao, naroroon ang kanyang paghahangad sa tunay na ligaya na Diyos lamang ang makapag-bibigay. Bakit hindi natin ibahin ang sentro? Bakit hindi natin hanapin ang Panginoong Hesus sa ating mga puso?  Sapagkat kay Hesus lamang tayo mapapanatag, maghihilom, at papayapa. 


Sunday, July 12, 2020

Mga aral mula sa Niño HESUS ng Pandacan


Sa nakalipas na dalawang libong taon, marami sa ating mga gusaling simbahan (kabilang ang mga Banal na Imahen) ang nasira na dahil sa sunog, lindol, bagyo at iba pa. Ang mga pangyayaring ito ay talaga namang lubos na nakakalungkot. Nguni’t, hindi dapat ito maging dahilan upang tayo ay panghinaan ng pananalig, bagkos ay dapat dalhin tayo sa isang mas malalim na pagninilay na magdadala sa atin sa mas malamin na relasyon sa Panginoon. 

1. ANG SUNOG SA SIMBAHAN. Ang pagkakasunog sa gusaling simbahan ng mga taga Pandacan ay nakapanlulumo at nakalulungkot. Itinuturo sa atin sa tagpong ito na ang Simbahan ay hindi ang gusali. Ang Simbahan ay tayo, tayo na sumasampalataya kay Hesus na ating Panginoon at Tagapagligtas. Tayo ang Katawang Mistiko ng Panginoon.

Ang mga abo ng gusaling simbahan at ng mga banal na imahen ay pagtuturo ng isang katotohanan: "ang lahat sa mundong ibabaw ay lilipas, mabubulok at masisira. Sa Diyos dapat ang tuon at pag-asa."

2. ANG PAGHAHANAP. Matapos ang sunog, nagkaroon ng paghahanap sa matandang imahen ng Santo Niño o Batang Hesus. Ang tagpong ito ay pagpapakita ng estado ng maraming buhay ng tao. Marami sa atin ang patuloy na naghahanap sa kaligayahan at kapayapaan. Marami sa atin ang naghahanap ng sagot sa mga problema ng buhay. Marami sa atin ang naghahanap sa tunay na pagmamahal. Nguni't, kakaunti lamang ang nakahahanap. Bakit? Dahil karamihan ay naghahanap sa maling direksyon, karamihan ay naghahanap sa maling relasyon ay ugnayan at kakaunti lamang ang naghahanap kay HESUS. Hanapin natin si Hesus sa ating mga puso, at doon Siya'y matatagpuan natin na matagal ng naghihintay sa ating pagbabalik. 

3. ANG MASAMANG BALITA. Makalipas ang ilang araw ng paghahanap, natagpuan ang imahen - sunog at abo na. Tunay na nakapanlulumo, at walang salita ang sasapat upang ihayag ang lungkot na nasa puso ng bawat mananampalataya at mga deboto ng Poon. Ang pagkasira ng Imahen ay masamang balita, nguni't ito'y pag-anyaya para sa ating lahat na umasa sa Panginoon na may kakayahan na gawing tuwa ang lungkot; posible ang imposible; at mabuti balita ang masama. Mananatiling buhay ang Panginoon, mga kapatid! Nawala man ang imahen, si HESUS sa Sakramento ay buhay na buhay at iyan ang pinaka-mahalaga sa lahat.  

Mawawala, mabubulok at masisira ang lahat ng mga bagay dito sa mundong ibabaw, nguni’t ang Diyos at ang Kanyang kapangyarihan na magligtas at magpagaling ay mananatili magpakailanman. 


Friday, July 10, 2020

"Wait a little, and the wicked will be no more; look for them and they will not be there." (Ps. 37:10)

We Shall Overcome
These past few weeks, we have been mercilessly punched by adversaries. The Covid infection has been rising in the country. Joblessness continues to hit the people. More and more businesses are closing down or downsizing. The economic situation of the country is bleak.
But added to this, the power of authoritarianism is rising. Maria Ressa was convicted, guilty of cyber libel by the Manila Regional Trial Court on June 15, a decision that is very much contested by lawyers and press people alike. It was a way to curtail press freedom. On July 3, President Duterte signed the Anti-Terrorism Bill into law. Many dub it as TERROR LAW because it is seen by not a few as a way of terrorizing the opposition than really fighting terrorists. Then on July 10, the lower house committee killed the bid for franchise renewal of media outlet ABS-CBN. It is viewed by many as a political vendetta of the present administration, no matter the consequences – the thousands of people who will lose their jobs precisely in this trying time and the millions of viewers among the poor who will be deprived of an important source of information and entertainment. Parang bugbog na ang tao. Bugbog ng gobyerno sa kanyang kapalpakan sa pagtugon sa corona virus pandemic, at mas lalong nakakagalit, bugbog ng makinarya ng gobyerno na ipakita na siya ay makapangyarihan.
In moments of gloom, I turn to the Bible for guidance and I read Psalm 37. I was admonished by the psalm and at the same time very much consoled. I just quote the first 10 verses and let them speak for themselves.
1 Do not be provoked by evildoers; do not envy those who do wrong.
2 Like grass they wither quickly; like green plants they wilt away.
3 Trust in the LORD and do good that you may dwell in the land and live secure.
4 Find your delight in the LORD who will give you your heart's desire.
5 Commit your way to the LORD; trust in him and he will act.
6 And make your righteousness shine like the dawn, your justice like noonday.
7 Be still before the LORD; wait for him. Do not be provoked by the prosperous, nor by malicious schemers.
8 Refrain from anger; abandon wrath; do not be provoked; it brings only harm.
9 Those who do evil will be cut off, but those who wait for the LORD will inherit the earth.
10 Wait a little, and the wicked will be no more; look for them and they will not be there. (Ps. 37:1-10)

The wicked will not last. God will not allow them. They may win some battles and skirmishes but they will lose the war. Let us not be sad nor be provoked at this bad turn of events. Goodness, truth, and justice will prevail!

Broderick Pabillo

July 11, 2020

Sunday, July 5, 2020

"But I will restore you to health and heal your wounds.” -Jeremiah 30:17



Lord, we are wounded and sick. We are helpless and hopeless. We need You, Lord, not just today, but always. We are frail. We are defenseless and weak. We cannot do anything without You, because without You, we are powerless. King of the Universe, Lord Jesus Christ, we humbly plead to Your mercy, please, heal us and forgive us. Give us Your grace to be always faithful and persevering.  

We hold on to Your promise, Lord, that soon, You will restore us and heal our wounds. Thank You, for Your love, Lord Jesus!