napagtanto ko kanina lang (one minute ago) na wala pala akong About Me page. kelangan ba nun? hinde, gusto ko lang, bakit ba?! halos dalawang taon na ang nakakalipas nung una kong ginawa ang blog na 'to ni hindi ko man lang nagawan ng post ang tungkol sa sarili ko. yun na siguro ang pinakamahirap kasi kahit gaano ko pa kakilala ang sarili ko, mas kilala pa yata ako ng mga kaibigan ko. weh? anyway subway, handa ka na ba? kung hindi pa, balik ka na lang bukas o sa makalawa. maligo ka muna at kumain. mahaba-haba din toh, sigurado.
note: tinitigan ko ang blinking cursor ng matagal tagal (siguro two minutes) bago nagtype ng tungkol sa sarili ko..
1. ako si chikletz. anak ng mga magulang ko. kapatid ng mga kapatid ko. gitna ako at nag-iisang babae. kahit ayaw ng nanay ko na magkaron ng anak na babae nun, malas nya. pero swerte pa rin kasi cute ang lumabas sa sinapupunan nya. alam ko kung saan at anung araw ako ipinanganak pero hindi ko alam kung anung oras. lagi ko kasing nakakalimutang itanong sa nanay at tatay ko. siguro di na rin nila matandaan. yoko na rin maghalungkat sa baol para hanapin ang birth certificate ko. noong november 5, early 1980s, pinaunlakan ni Lord ang buong mundo ng isang mabuting nilalang..well un ang plano nya. pero dahil binigyan nya ako ng free will, siguro nadismaya sya sa turn of events. lumaki ako sa lola ko dahil dalawang taong gulang pa lang ako noon nung lumikas si father at mother nature para mag-amerika kaya na-stuck si lola sakin. labyu lola! si lola ang nag-turo sakin na bad ang magnakaw. nagnakaw kasi ako ng 10 pesos sa tindahan nya tapos sinumbong ako nung katulong namin. ayun palo ang inabot ko. salbaheng bata! di na naulit. epektib impeyrness.
2. lumaki akong tamad kasi may katulong sa bahay. palautos ako at hanggang ngayon tamad pa rin ako lalong lalo na sa mga gawaing bahay. napipilitan lang kasi wala na akong katulong ngayon. di ako marunong magluto kasi nga may katulong sa bahay dati. sya nagluluto. taga kain lang ako. sya din naglalaba, namamalantsa, at nagtitiklop ng damit ko. minsan pinapakamot ko pa sya ng likod ko pag makati at pinapaypayan ako pag brown-out. kaya mahal na mahal ko ung si len eh. winner talaga! sabihin nyo nang spoiled ako. di ko na kasalanan un. kasalanan ni lola. lam ko ako ang peyborit apo nya kahit di nya sabihin.. nararamdaman ko. malakas ang vibes ko eh. pero hindi ako spoiled sa mga materyal na bagay dahil hindi naman tipong senyorita ang lola ko. hindi ako lumaki ng may mga magagarang laruan o mamahaling gamit. hindi rin ako mahilig magsuot ng mga palamuti sa katawan (palaitim siguro..joke. tumawa ka kahit korni). kuntento na ko sa laruang nabibili sa palengke kahit ung mga pinsan ko eh mga sosyal ang gamit. in other words hindi ako kikay.
3. natuto akong manahi sa murang edad (8 years old siguro) dahil mananahi ang lola ko at nagbebenta kami ng pajama at bathrobe sa baclaran. tuwing linggo gigisingin ako ni lola para lumuwas at lagi akong excited kasi natutuwa akong sumakay sa LRT. may pwesto kami sa baclaran dati at dahil kyut akong bata lagi akong pinapakanta at sayaw ng lola ko sa harap ng pwesto namin dahil nga kyut ako at akala nya makakahatak ako ng customers. totoo naman at natuwa sila sakin. ako ang hindi natuwa sa kanila..di naman kasi sila bumibili. mga pa-fall. kung isa kayo sa mga nakita akong mag-perform. ayos diba? pwede na! gusto kong mag-artista nun. ngayon ayoko na kasi alam kong mawawalan ng cast ang Star Circle at maluluma ang mga talent sa ASAP at PARTY PILIPINAS dahil sakin.
4. totomboy tomboy pa ko nung bata ako (actually hanggang ngayon naman eh siga pa din ako. pero kahit anung pilit kong itago ang kalandian ko, lumalabas pa din. haha!) mahilig akong umakyat sa puno ng bayabas. makipag wrestling sa mga kapatid kong lalake, maglaro ng kikbol. magbaril barilan. magbike. batang gala din ako kahit papano. aalis ako ng bahay ng hindi nagpapaalam. pag-uwi ko madungis na ko at ang itim na ng mga paa ko. yakk. kahit anung gala ko, mahiyain akong bata. lagi akong insecure kasi walang nagtatanggol sakin pag inaapi ako (parang si judy ann sa mara clara). di kasi ako lumaking kasama ang mga kapatid kong lalake. kineri ko kahit papano. at kahit shy ako, nasa loob ang kulo ko. pikon akong bata at talagang hindi lilipas ang araw na hindi ako makakaganti sa kagalit ko. tipong ipapahiya ko talaga sya. ngayon nagbago na ko. hindi na exposed ang pag-ganti ko.
5. napakabilis matapos ng youth years. kainis. pagka-graduate ko ng grade 6 sa St. Paul (yezz Paulinian, e anu naman?) kinuha na ako ni father and mother nature at dito na ko nag highschool, college, nag-asawa, at nagka-pamilya (kasinungalingan ung asawa at pamilya). kinarir ko na rin ang natutunan kong english sa St. Paul, kahit wala naman talaga. natuto akong magtrabaho para mabuhay ako kasi nga di ako marunong magluto. nakakilala ako ng mga kaibigang walang kwenta pero pwede na pagtyagaan (sana mabasa nila toh). dahil natuto akong humawak at magwalgas ng sarili kong pera, selfish ako sa mga gamit ko. ayoko ng may hihiram tas di isosoli. gusto ko sinosoli agad ng walang damage. hanggang ngayon natatandaan ko pa din kung sino ang humiram ng Do Re Mi VCD ko more than 5 years ago at hindi na sinoli. actually sinoli nya pero Disc 1 lang ang laman (in case daw na ayokong tapusin ung movie). bwisit ka Xy!
6. ngayong nasa quarter-life phase na ako ng buhay ko, marami akong goals na hindi ko makakamit ever. tulad ng lintik na world peace na yan at ang mapangasawa si John Prats at maanakan nya ko. nag-away kasi kami nung hindi ko sinadyang ipagpalit sya kay Adam Levine ng Maroon 5. ayun napilitan syang sagutin si Rachelle Ann Go. dahil dito lalo akong nalulong sa pag-inom. joke. mahilig akong uminom kahit mahina ang alcohol tolerance ko (maliit lang kasi akong tao). pero pag nalalasing ako ng todo, sigurado sa umaga magtatae ako. ewan ko kung bakit. pero kahit feeling alcoholic ako di uso sakin ang magyosi dahil gusto kong pangalagaan ang lungs ko (gumaganun ka pa? panu naman ang liver mo?? tse.). perstaym kong sinubukan magyosi nung 9 years old ako. dinekwat ko lang sa tindahan namin. kung di ba naman ako tanga't kalahati eh sa kwarto ko pa ginawa. syempre naamoy ni lola. ayun. palo na naman. di ko naman nagustuhan. tinangka ko ulit nung high school na ko. di talaga para sakin.
7. marami akong characteristics at iba't ibang personalidad. kaya kong makisama sa mga sosyal, feeling susyal, chismoso, jologs, professionals, palengkeros, religious, conservative, wild, adventurous, sobrang bait, emo, trying hard, bibo, etc...pero hindi ko kaya ng pang-matagalan..ung tipong isa o dalawang araw na kasama ko sila ok lang. pag araw-araw at minu-minuto baka mabaliw ako. minsan OA ang self-confidence ko kahit wala namang binatbat. tipong feeling ko sobrang galing ko kahit nanay ko lang ang may tiwala sakin..minsan. madalas damang dama ko na unique ako at kakaiba ang binibigay kong aura sa mga taong nakakadaupang palad ko. gusto ko iba ako. madalas ayokong makiuso para lang maiba. minsan naman gusto ko lagi akong kasali. anu ba talaga? ewan ko din eh. nahihirapan akong mag-open up ng problema ko sa mga tao. madalas di ako nagsh-share kasi feeling ko ako lang makakaintindi. drama.
8. frustrated guitar player ako dahil iilan lang ang alam kong chords. hindi lalagpas sa pito. di ako pihikan sa pagkain. thankful ako kung anu nasa harap ko unless na pangat (pangatlong init). at di rin ako kumakain ng tao. takot ako sa multo kahit di pa ako nakakakita. yoko makakita nun. 12 years old na ko nun nung huminto akong umihi sa kama. 13 siguro nung nasanay na ko matulog mag-isa. at 14 years old naman ako nung nakayanan ko nang matulog na patay ang ilaw. lakas ko sa kuryente..nakakailang lalake na din ang dumating at umalis sa buhay ko. wala naman nagtatagal. di ako maka-commit. taray! pihikan kasi ako eh. nagiintay sa mr. perfect-for-me. baka isang araw magtipon-tipon sila at isumpa ako. haba ng hair ko baka maapakan mo. di pa siguro ako ready at willing ibahin ang sarili ko para lang maging match kami. yokong pilitin ang sarili kong maging masaya para lang tumagal ang
relationshit relationship namin. arte ko.
9. gusto kong maging prominenteng tao (prominent in english. hanapin mo sa dictionary). gusto kong maging philanthropist (i-dictionary mo ulit) para makatulong sa mga nangangailangan kaya kelangan ko ng super hero name. feeling sikat minsan. pero hindi ung OA. gusto ko ung tipong may pagka-mysterious pa din kahit papano (kahit kinuwento ko na halos ang buong pagkatao ko sa pahinang toh). emo at gothic ako dati nung highschool ako, kasi nga feeling unique ako, ampf. tapos later on nakaranas ako ng super down moment sa buhay ko at dun ko narealize na nag-aaksaya lang ako ng oras sa pagiging judy ann santos-wannabe ko sa kadramahan. dun nag-umpisa ang happy moments at stress-free days ko (unless na may paper na gagawin for school).
10. kuntento ako sa kung anung meron ako sa buhay ko ngayon, kulang lang ng MacBook Pro. madalas di ako apektado sa mga sasabihin ng taong di ko ka-close tungkol sakin. pag ka-close ko, slight lang. mahilig ako manood ng movies at minsan magbasa ng libro kung gugustuhin ko talaga. kaya kong manood ng pelikula na mag-isa sa sinehan. kung sinabi kong ayaw ko, pilitin mo ko ng konti pa at pag sinabi kong "eeeeehhh" ibig sabihin nagpapa-pilit pa ko. pag sinabi ko namang "ayoko nga!" wag mo na kong pilitin kasi maiirita lang ako sa face mo kahit gaanu pa kaganda o kagwapo yan.
kung umabot ka sa puntong toh na hindi ka nag skip-read, wow, congratulations! wala kang napanalunan at nasayang ang oras na inilaan mo para dito. kung ako sa'yo siguro nag skip-read na ko. wala akong tyagang basahin ang tungkol sa sarili ko. at kung nag skip-read ka naman, swerte mo at di ko malalaman..
salamat sa mga tumatangkilik sa pelikulang pilipino.