Monday, August 31, 2009

Kyla is Reading What?

dahil masaya sya, ish-share ko..



ang kulet! tawa ko ng tawa! buti kahit papano nagawa nya pa rin at umabot ung battery saka memory (kasali na sya sa main video).

ngayon alam ko na kung bakit nag-stick na lang si Kyla sa pagkanta. hahaha!

thanks jo! you made it happen! >:D< m x 10

Sunday, August 30, 2009

Hate Nga Ba?

take all the definitions of the word hate and answer my question: do you hate anyone?

kamakailan lang ay may kakaibang nangyari sa buhay ko. nagalit ako ng bonggang bongga. madalas hindi naman ako galitin na tao. wala akong sama ng loob sa iba at hopefully wala din naman silang sama ng loob sakin. wala akong kaaway kasi madalas gusto ko mapayapang nabubuhay ang mga tao.

pero nagalit talaga ako sa kanya. wala naman syang ginawa sakin, pero sa isa sa mga matalik kong kaibigan. may ginawa syang hindi ko nagustuhan, hindi namin nagustuhan. dahil dito ayaw ko na sya makita sa paligid ko. so ganun nga ang nangyari nanahimik sya at umiwas kasi sabi ko wag sya magpapakita dito sa may amin. pero kagabi ang kapal ng mukha nya. sumama sya sa inuman sessions namin. pero syempre dedmahan kami. bumalik lahat ng galit na naramdaman ko. pinaringgan ko ng pinaringgan (kasi may tama na ko nun, so ang yabang ko na naman..haha!). ayun sabi nung isa kong friend nadurog daw dahil sa mga sinabi ko. pagka-kita na pagka-kita ko pa lang kasi sa kanya nabwisit na ko eh. parang nabubuo ulit ung hatred sa sistema ko.

pero lilinawin ko muna. hindi sya masamang tao. may ginawa lang syang katangahan at maraming naapektuhan. hindi ko maipaliwanag ng maayos pero ung katangahan nya ay beyond stupidity talaga. alam nyang mali pero ginawa nya pa din. kaya siguro nahihirapan akong magpatawad. pero ngayon nag-guilty ako.

gusto ko syang patawarin pero hindi ko magawa. siguro ay dahil hindi naman sya humihingi ng kapatawaran. hindi ko rin kasi alam kung mapapatawad ko sya kahit hingin nya yun.

do i hate him or am i just really mad at him?

Friday, August 28, 2009

The Sky Room Failure

after work ko, I went to a bar with one of my co-workers and we went to The Sky Room Bar/Lounge for a Mixology class 101. tinuruan nila kami kung paano mag mix ng Mai Tai drink and Blackberry Mojito. super saya naman kasi first experience ko yun. on top of that, we were on the rooftop of the building so ang sarap ng hangin. take note, nilibre pa nya ako. ako kasi ung teacher's assistant nya. so bale, sya ung master teacher sa classroom namin. maya maya may raffle naman. wow! unang bunot, pangalan ko ung nakuha. san ka pa?! perstaym ko rin un. pangalawang bunot, ung co-worker ko naman! haha! coincidence! tuwang tuwa kaming dalawa. napanalunan namin free passes para bumalik sa bar na un which is $30 per head. ayos! nakalibre na naman..

so kwentu-kwentuhan. kulitan. tapos pinakilala nya pa ko sa anak nyang lalake. kakatuwa silang dalawa. maya maya may umepal sa space namin. dalawang mama saka isang batang lalake na kasama nila..

ako'y nagulat at ako'y nabigla!! kilala ko sila! although hindi ko sila ka-close feeling close naman ako. as in katabi ko lang sila. sabi ko sa kanila...

"hey you guys are the Heroes guys!"

ngiti naman sila..medyo may tama na ko sa oras na 'to kaya malakas na ang loob ko at makapal na ang mukha ko.

"is there anyway that i can take a picture with you guys?"

"sure!" sabi nilang dalawa.

so pinicturan kami nung anak nung co-worker ko. grabe ang saya saya ko!

tapos on the way out andun din sila..so nag thank you ulit ako. at infairness kinausap naman nila ako. chikahan ba. haha! close nga kasi kami. pero since starstrucked ako nung mga minutong un, medyo hindi ko naiintindihan ung sinabi nila sakin. pero naaalala ko ung isa, mixed drinks ung kikukwento nya sakin. hehe. gusto ko pa sana magkipagchikahan kaso fancy bar at nakakahiya naman. haha!

pagbaba ko ng building at pagpasok ko ng kotse, tiningnan ko ang phone ko, ayun!! hindi na-save ang picture. naman!!! kung di ka ba naman mamalasin o. hayy!! sobrang nakakapang-hinayang.

so un lang naman. medyo starstrucked pa ko habang tina-type ko 'to ngayon. haha!

*Heroes is my favorite show!

Tuesday, August 25, 2009

Highlight of the Day

dahil pagod ako ngayong araw na 'to sa dami ng errands na inasikaso ko, wala na akong energy mag-isip masyado. nais ko lang sabihin sa inyo na...



















ang nawawala kong t-shirt ay nahanap ko na sa wakas!!

kung di ba naman kasi ako makakalimutin at kalahati..dun ko pala nilagay sa kabilang pile ng mga shirts ko. err!

yun lang naman. bukas siguro matino na post ko...ay may work pala ko bukas. bahala na nga.

Friday, August 21, 2009

Bulong

pagkatapos ng tila ba napakahabang apat na oras sa trabaho kagabi, napahinga din ang likod ko pagkaupo ko sa sasakyan. habang nagmamaneho ako pauwi galing trabaho, tumawag sakin si Guru Camille.

ako: o wassap?

Camille: punta ka sa Starbucks. now na.

ako: ok. sino kasama mo?

Camille: si Nicole.

ako: sige malapit na 'ko.

Camille: malapit na din kami.

pagkarating ko dun andun na sila, iniintay ako. nag-aya silang kumain muna para mawala ang gutom. pagkatapos namin kumain tumambay na kami sa Starbucks. umupo at nagkwentuhan sandali. madilim na at medyo tahimik. sarado na ang ilang tindahan sa tabi tabi. tahimik na din ang kalsada. iilan na lamang ang taong nasa labas at nakikipag-huntahan sa mga kasama nila.

maya maya lang ay nawala ang atensyon ko sa sinasabi nina Camille at Nicole at parang biglang lumakas ang salita ng mga tao sa paligid namin. may kanya kanyang kuwento at tsismis. may kanya kanya rin na problema at hinanakit. biglang humina ang salita ng dalawa kong kasama. tumingin ako sa paligid at hinanap kung san nangga-galing ang ingay. parami ng parami ang naririnig kong mga nagsasalita. nagsasalita na pabulong--pero iilan na lang kaming nakaupo sa labas ng kapehan.

huminga ako ng malalim at pinikit ko ang mata ko sandali. pagbukas ko ng mga mata ko ay usok ang nakita ko. usok ng yosi. ang daming usok. mahapdi sa mata pero pilit kong hinahawi ito para makakita ako ng malinaw. at nakita ko sila, nakatayo sa paligid. bakit hindi nagtataka ang dalawa kong kasama? hindi ba nila nakikita? bumilis ang tibok ng puso ko at nag-umpisang pagpawisan. nananaginip ba 'ko? ang tanong ko sa sarili. sinubukan kong kausapin ang dalawa kong kasama, pero ayaw lumabas ang mga salita sa bibig ko na para bang may puwersang pumipigil sa akin.

marami silang nakatayo sa paligid namin. dikit dikit sila at hindi ko alam kung sino sila. hindi ko nakikitang gumagalaw ang kanilang mga labi o bibig pero tila sa kanila nanggagaling ang malalakas na bulong. hindi ko maigalaw ang sarili ko. nanlamig ang balat ko. nilabanan ko ito at tila hindi ako napapansin ng dalawa kong kasama. nang makagalaw ako tumayo ako at tiningnan pa ang paligid. lahat sila nakatingin lang sa akin.

mas dumami pa ang mga boses na narinig ko. tinakpan ko ang tenga ko at sinubukang kunin ang atensyon ng mga kasama ko. hindi ko maintindihan. bakit parang hindi nila ako nakikita? lumingon ako. huminto ang tibok ng puso ko nang makita ko ang sarili kong nakaupo sa silya at parang natutulog. para kong hihimatayin sa nasaksihan ko. pinikit ko muli ang mga mata ko at nagbaka-sakaling wala na ang lahat pag dilat ko. pero bago ko idilat ang mga ito ay tuluyan na akong hinimatay.

(ang istoryang ito ay gawa-gawa ko lamang.)

Tuesday, August 18, 2009

Miss Congeniality and One Word

una sa lahat gusto kong magpasalamat sa mga bumubuo ng KaBlogs sa pagtangkilik sakin bilang Ms. Congeniality. maraming maraming salamat! tulad ng sabi ko kay Lord CM damang dama ko ang pagiging Sandra Bullock ko sa award na ipinamahagi nila sa akin. kulang na lang ang tiara at sash. congratulations sa lahat ng nakakuha ng awards at para naman sa mga patuloy na sumusuporta, mabuhay kayong lahat! (para kong nangangampanya ah..) i proudly support KaBlogs!


pangalawa, kinakabahan ako dahil kanina pa may umaali-aligid na helicopter dito sa neighborhood namin. ibig sabihin may hinahanap sila at since kanina pa sila, ibig sabihin hindi pa nila nakikita kung anu o sino man ang hinahanap nila. Lord sana naman po ay walang masamang mangyari at malayo kami sa kapahamakan. hindi ako makakatulog pag ganito.. tsk.

on a lighter note, pangatlo, nai-tag ako ni Jepoy sa One Word Tag.

1. Where is your cell phone? bed

2. Your hair? messy
3. Your mother? menopausal
4. Your father? andropausal
5. Your favorite food? sitaw
6. Your dream last night? forgot
7. Your favorite drink? water
8. Your dream/goal? teach
9. What room you are in? bedroom
10. Your hobby? blogging
11. Your fear? loneliness
12. Where do you want to be in 6 years? Philippines
13. Where were you last night? work
14. Something that you aren’t? tall
15. Muffins? sure
16. Wish list item? phone

17. Where did you grow up? Bulacan
18. Last thing you did? brush
19. What are you wearing? pajamas
20. Your TV? classic
21. Your pet? Banjo
22. Friends? around
23. Your life? awesome
24. Your mood? contented
25. Missing someone? definitely
26. Car? Civic
27. Something you’re not wearing? socks
28. Your favorite store? Target
29. Your favorite color? red

30. When was the last time you laughed? today
31. Last time you cried? yesterday
32. Who will resend this? Superjaid
33. One place that you go to over and over? home
34. One person who emails you regularly? mom
35. Your favorite place to eat? kitchen

Sunday, August 16, 2009

Halo-Halo Flavors

nakita ko na ulit si Banjo. akala ko nawawala. busy lang pala sya sa pakikipaglaro ng habulan sa mga pusa ng kapitbahay namin at sa pagkain ng damo sa likod bahay.


hindi ko mawari kung paano nawala ang isa kong t-shirt. kung saan saan ko na hinanap at tinanong ko na din lahat ng tao dito sa bahay. anu naman ang pwedeng mangyari dun? nakaka panghinayang dahil isa yun sa mga paborito kong t-shirts. o t-shirt ko, miss na miss kitaaaa..

bumili ako ng gitara kamakailan lang dahil mura lang binenta sakin at maganda ang quality. tinanong ko pa nga si kuya kung maganda nga ito (dahil isa syang mahusay na gitarista..oo pinagyayabang ko. haha!) dahil ako naman ang walang alam sa mga ganitong bagay. buti pumayag yung binilhan ko na 2 payments ang gawin ko. mahirap kitain ang pera eh. kelangan wag biglain ang pag-gastos (tapos bibili ng gitara??).

nagtatampo ako sa bestfriend ko kasi simula ng magkaroon sya ng bagong boyfriend ay hindi ko na sya masyadong nakaka hang-out. para tuloy akong bata. pero sa tingin ko ay natural lang naman yun sa isang kaibigan. sanayan lang naman sa sitwasyon diba?

nung makalawa ay natikman kong muli ang Red Horse sa ikatlong pagkakataon pagkatapos ng maraming taong lumipas. ngayon ko lang natanto na masarap pala ito. ang dahilan ng hindi ko pag-inom nito masyado at patikim-tikim lang ako ay dahil takot ako sa kapangyarihan ng inuming ito. dahil maliit lang akong tao at mahina ako pag alak ang kalaban, alam kong hindi ko kakayanin ang Red Horse. sana'y wag akong matukso sa lasa nito.

ipinaliwanag ko sa manager ko ngayon (summer job) na malapit na akong bumalik sa eskwela at bumalik sa trabaho ko kasama ang mga bata. sya ay nalungkot na nadismaya na ewan. gusto nya akong gawin 3rd key. kumbaga assistant ng assistant manager. ayaw nya akong mag-resign sa trabahong ito kahit sinabi ko ng full time ang trabaho ko sa eskwelahan at full time din ako sa classes ko. gagawan daw nya ng paraan. naman, di kaya ma-stress out naman ako sa gagawin nya. bahala na.

nananabik ako sa halo-halo.

Wednesday, August 12, 2009

7 Days and 7 Facts

after 7 straight days of work, i finally arrived to my day off! this morning i woke up from a terrifying dream or maybe a nightmare. right before my brother knocked on my door, a younger version of my brothers and i were back home in the Philippines experiencing a big earthquake. i want to say it was probably an earthquake with a magnitude of about 7-7.5. whew! good thing my brother woke me up.

as usual it was a typical morning of dropping off my mom and my brother to their everyday destinations. i got back home at around 8:30am and went back to my slumber. i woke up just before 11am. i toasted a bagel and made myself a mug of iced coffee! :D yummm!! i sat down in front of the tv with my laptop on my lap. i browsed through the channels and stumbled upon the show House and kept the channel there.


so as we speak i am blogging, sippin' on my iced coffee, and watching House during a very very nice day. i am feelin' the california weather! what to do for the rest of the day? i don't know as of yet.

p.s. nawawala si Banjo.


**************************


thanks to superjaid for the award she's given me :D


Kreativ Blogger Award

to accept this award there are 7 rules:
1. thank the person who gave you the award
2. copy the logo and place it in your blog
3. link the person who gave you the award
4. name 7 things about yourself that people might find interesting about you
5. share the award with 7 other bloggers whom you think are creative
6. post links to these 7 blogs
7. let them know you've given them an award

7 facts about chikletz:
1. i rarely watch tv because i just rely on my internet for tv shows and important info.
2. my favorite tv show is Heroes.
3. i can't write in cursive anymore.
4. when i was about 2 or 3 years old i was left in a burning building until they realized they forgot about me.
5. i learned how to swim when i was 9 years old while i was drowning in a pool.
6. the first song i learned to play in the guitar was 'Leaving on a Jetplane'.
7. i can live off of corned beef and/or adobong sitaw ni Ka Benny.

i believe every writer is creative (or can be potentially creative). otherwise they wouldn't take time writing. so to all those who are in my blog attack list, i am giving you this precious award.

Monday, August 10, 2009

Disposition Check

dahil nai-tag ako ni sweetham sa disposition check article nya, syempre ay kailangan ko din gumawa nito kahit sobrang late na! hehe.. at eto ang 4 dispositions ko:

PAMILYA
ok naman ang takbo ng buhay namin. tahimik at mapayapa. walang problema sa relasyon. pero hindi din kami yung tipong sweet sa isa't isa. basta andyan lang kami kung may kailangang pag-usapan o pag may problemang kelangang solusyunan. eto ang nuclear family namin. sa labas nun ay ibang storya na.

PAG-IBIG
na-kow! sablay tayo pagdating sa pag-ibig. napaka sensitive matter nito. haha! sabihin na lang nating ung latest eh pareho kaming tanga. kaya walang naging progress. oha oha?!

PINANSYAL
mas sablay tayo dyan ngayon. dahil recession dito sa U.S. pati ako recession din (i would gladly take donations. haha!). dahil sa isang eskwelahan ako nagttrabaho at walang school ngayon dahil summer break, wala din akong sweldo. merong konti na nangga-galing sa summer job ko, pero mahirap pagkasyahin. pero lilipas din yan..

PAGKILOS
sa ngayon dito ako sa blogworld aktibo. nagiging hobby ko din ang magkuku-kuha ng mga random videos para sa proyekto kong "mini film" na napaka bagal ng production. haha!


********************

anu pa ba.. mukhang yan lang naman ang saloobin ko sa ngayon tungkol sa apat na P na yan.

you are tagged!

Saturday, August 8, 2009

Morning Mist

i woke up at about 8:00 this morning and felt a morning mist. i felt a little sadness in me.

normal lang naman siguro ang dumating sa buhay natin ang oras na parang nawawalan tayo ng ganang gawin ang mga bagay bagay diba? pagkagising ko kanina, yan ang naramdaman ko. parang walang magiging kahulugan ang mga mangyayari sa araw na 'to at sa mga susunod pang araw. hindi ko alam kung tinatamad lang akong bumangon o inaantok pa ko. halo halo ang naramdaman ko. hanggang ngayon hindi ko mawari kung anong nangyayari sakin. may mga planong lakad mamaya pero hindi ko alam kung gusto ko pang tumupad sa mga usapan namin. may trabaho din ako mamaya--malamang kelangan kong pumunta dun.

maya maya narinig ko ang boses ng aking ina. punong puno ng buhay. pinapakain nya si Banjo (yung alaga naming kuneho). ganun pa man, hindi ko pa rin nakuhang magkaroon ng sigla sa katawan. parang may kulang at hindi ko alam kung ano 'yon. pakiramdam ko ay kahit anung gawin ko at matapos ko sa araw na 'to ay hindi pa din ako makukuntento. hindi lang ngayon nangyari sa akin ang ganitong sitwasyon. kaya sana ay normal lang 'to. kung hindi, kelangan na ba kong pumasok sa mental?

Thursday, August 6, 2009

Mini Film

mga dabarkads balak ni chikletz gumawa ng mini film. hindi ba't kamakailan lang ay may nagpahiram sa kanya ng video camera at ikinatuwa nya ito ng lubos. kaya ngayon gusto nyang gumawa ng short film. ang problema wala pa syang idea kung ano ang magiging story. 5-10 minutes lang ang time frame. i need help! any ideas anyone? pwede comedy, mini documentary, mini series, light drama, romance, o kahit music video. kailangan ko lang talaga ng idea para sa magiging istorya ng movie na 'to. salamat sa mga magbibigay ng ideas. excited na ko :D

Monday, August 3, 2009

BBQ Chicken

my brother knocked on my bedroom door to wake me up. 'twas 7:20 in the morning. everyday i drop him off at school along with my mother whom i drop off at work. i have gotten used to this daily task that i have been doing for a month or so. i slowly got up from my bed with an uneasy stomach. on my way to the bathroom to wash off it suddenly dawned on me what i had last night to consume--a BBQ Chicken Burger from Red Robin and fries to top it off. this uneasiness went away as soon as i stepped out from the bathroom.

although it's a 5-minute routine, it has always been a matter of considerable labor for me to get up, walk to the bathroom, and walk to my car which is just right outside our house. simply because i would still be half asleep at this point. once the radio in the car is on, i wake up. i put my seat-belt on and drive off. it's a 10-minute drive from our house to my brother's school considering all the traffic lights that we'll hit. from the school to my mother's work is a 20-minute drive. however, most of the time it feels longer than that whenever she starts her motherly talk. at this point, her voice usually turns into a murmuring whisper as i paid more attention to the tune on the radio and think about getting back home and getting back on my bed.

"And I said,
"Romeo, take me somewhere we can be alone.
I'll be waiting; all there's left to do is run.
You'll be the prince and I'll be the princess
It's a love story - baby just say 'Yes.'

-Taylor Swift

once she stepped out of the car, i noticed how deprived my car has been. it needs some car wash lovin'. then i scanned through the radio stations searching for familiar songs and maybe try to win another contest. the uneasiness in my digestive system came back and went away sporadically throughout the whole trip back home.

Just dance. Gonna be okay.
Da-doo-doo-doo
Just dance. Spin that record babe.
Da-doo-doo-doo
Just dance. Gonna be okay.
Duh-duh-duh-duh
Dance. Dance. Dance. Just dance.

-Lady GaGa

on the radio, a birthday contest was being held. if your birthday matches the date that they mention, and you're the first caller, you are the lucky winner of $10,000!! unfortunately, november 5th never came up yet, from what i know. today the lucky person's birthday was may 24th.

i finally got home and parked my car on the driveway. as i was turning the knob of my front door to get in, my brother knocked on my bedroom door at 7:20 in the morning to wake me up.

it was so vivid.

..and it happened all over again.

Sunday, August 2, 2009

Video Camera

bakit kaya pakiramdam ko ay napaka-tamlay ng araw na 'to. inatake ako ng katamaran. sinabayan ng writer's block. tapos pagod pa ang katawan. gusto kong magkwento tungkol sa events na nangyari over the weekend kaso parang walang ganang mag-type masyado ang mga daliri ko lately.

matagal ko ng gustong magkaroon ng sariling mini video camera kaso di ko pa afford ngayon eh. buti na lang may nagpahiram sakin (salamat Melvin!). nilaro laro ko kagabi at kanina. ok naman sya at madaling gamitin para sa video cam illiterate na katulad ko..weee!