Friday, September 25, 2015

Heneral Luna

Ahoy! Bago matapos ang september, kailangan malagyan naman ng blogpost ang bloghouse na 'to kaya naman sumugod agad me sa sinehan para mag mini-mini-mayni-mu ng peliks.

After shift, sugod mga kapatid me sa Megamall at nawindang ako dahil pila-balde ang sinehan. Like it's thursday pa lungs at di pa naman swelds day pero bakit andaming manonood.

So nacuriosity me at may i silip and kinig what ba ang bukambibig nila. And it is Heneral Luna. Ang tagalog films na medyo umiingay sa social media and spread of mouth.


So kahit juskopong pineapple na mahaba ang pila ay bumili na din ako at nagdecide na manood.

Ayaw mong maniwala? eto kuha ng nyelphone ko ng pila.




Woops-kiri-woops, bago ko iwento ang peliks di ko na sasabihin na may spoilers unless di nio natutunan ang history. hahaha. Chost. Pero kung takot sa spoilers, wag basahin.

Oks na?? so simulan ang kwents.

Magsisimula ang wento around 1898. Wala na ang mga spanish breads pero dumating naman ang mga uhmericans. May pro and against sa helplaloo ng US.

So dito na papasok ang mga familiar names na napag-aralan nio sa school.

Heto eenter ang main bida na si Heneral Luna. ang kapatid ni Juan Luna. Siya ang War leader ng pinas against sa US.


Makikilala ang mga part ng cabinet ni Aguinaldo. Kasama ang prime minister-ish na si mabini at ang mga negosyanteng folks na sila Paterno at Buencamino.





Papasok din sa wento ang mga tauhan naman ni Heneral Luna sa pakikipagdigma. Ang mga sundalong kanyang karamay sa pakikipagdigma.






Makikilala din ang mga pasaway na mga tao na may galit kay Luna at ayaw sumunod sa orders dahil por-Aguinaldo ito.



Pasok din sa kwento ang isang bayani din sa pakikipagdigma na si Gregorio Del Pilar. Isama na din ang isang binata na nag-iinterview kay Luna.



And lastly ang dalawang babae sa buhay ni Heneral Luna. Ang mudraks at ang kaulayaw niya.



Sa ending.... pinapatay si Heneral Luna ng isang inutil na presidenteng si Aguinaldo. Nakakabuwisit yung pag-massacre nila kay Luna. 

Score for this film is 9.87 almost perfect! Ibang level! Woooooooh! Athtig!

-Ang war scenes ay mabangis. Ang barilan ay hindi pucho-puchoish na pagpapaputoks ng baril.
-Magaling ang lengwaheng ginamit. Di super lalim, di rin super bakya.
-May dose ng comedy, hindi ka mamamatay sa boredom.
-May konting pabebe/bed scene chuva.
-Ang mga linya na ginamit ay may hugot at sapak.
-Mabubuwisit ka sa mga kontrabids sa buhay ni Luna.
-Mapapa-punyetakels ka sa ginawa nila kay Heneral Luna upang siya ay mapatay.
-Maganda ang cinematography at location ng mga shots.
-Mahuhusay ang mga actors na gumanap, hindi mga pacutie lang.
-Mapapa-clap-clap ka sa huli.
-At the end of the film, naibabalik nito ang pagkamakabayan mo.
-Merong aral na kapupulutan.
-Ang kalaban nating pinoy ay ang pag-una sa Pamilya at ang kalabang kapwa pinoy.

Napaisip lang ako, kung ang kaganapan noon ay naganap sa panahon natin now, marahil eto ang magaganap.

-Upang magkaisa sa pakikipaglaban sa dayuhan, kailangan nating makalikom ng milyon-milyong tweets with the hashtag #ParaSaBayan.
-Kailangang malaman na traidor etong si Aguinaldo kaya kailangang ipakalat sa social media ang mga meme tungkol sa kanya.
-Baka magkatraffic kapag sumugod ang mga sundalo kasi tigi-tigisa sila ng car or sandamukal na puj at pub ang gagamitin.
-Possible na naka-wheels si Apolinario Mabini.
-Mag-sex-via-skype na lang si Luna at Isabel
-Past time ng mga sundalo ang pag-C.O.C at dota.

Hahahaha. Hanggang dito na lang muna. Maghahanda pa ako ng damit ko sa aking bakasyones na padating this saburdei.

Please do watch Heneral Luna sa Sinehan! Juskopo! Utang na loob, maganda ang pelikula. Hindi na kailangan mag interview ng mga watchers saying 'ang ganda po' or 'number 1, number 1'. Mahusay ang mga gumanap at hindi half-cooked emotions ang madarama. Dekalidad to! It's been years na nanood ako ng sine na puno ang sinehan, taas at baba at pati yung sobrang lapit na sa screen.

Wag muna magpirata... sa ibang peliks na lang kayo mag-pirate dvd.

Take Care folks!

Saturday, September 12, 2015

Maze Runner: Scorch Trials


Wag na tayong magpatumpiktumpik pa. Eto ay post sa ikalawang peliks ng The Maze Runner named 'Scorch Trial'. 

Same warning sa bawat movie review-reviewhan post ko, Wag basahin kung ayaw ma-spoil ng wento,











Okay na ba?

So last movie, nalaman natin na nakatakas na nga sa maze ang mga bida pero-pero-peropi, dehins nila alam na pautots lang yon ng 'Wicked'. So dinala sila sa ibang place.

Dito papasok sa wento ang kilalang face ng mga nanonood ng series ng G.o.T, si Peter Baelish. Siya ang namamalakads sa facility na kinaroroonan ng mga nakatakas.


Siyemps akala ng mga bagets na nakatakas ay nasa safe place na sila ngunit syempre kailangan nilang may matuklasan. Sa tulong ng isang new character named Aris. Sa tulong niya, nalaman niya ang masamang balakin nila Lord Baelish kaya naman nag flee ang mga bida sa mala-disyertong place.





Sa labas ng Big brother house nila malalaman ang nakakatakot na epidemyang naganap sa mundo. Ang mga tao ay parang infected ng zombiepocalypse thingy. Dito ay nabawasan sila ng isang member dahil naapektuhan ng impeksyon... ng galis chost.

Pero never say never ang peg ng mga tumakas kaya ang napagdesisyunan nila hanapin ang isang grupo daw na kalaban ng Wicked. They make biyahe sa disyerto until ma-reach nila ang place kung saan may signs of life.

Pero bago yun, dumating si Thor, Storm at Pikachu at may pa-thunder effect bago sila makadating sa next destination.

Sa next part ay mapupunta sila sa isang place na hindi ko alam pero ang tanda ko ay ito din ay ang place kung saan nag-shooting ang 'Mortal Instruments' na film na tila di na nasundan ng 2nd movie.

Dito nila mamemeet ang isang girl na makakasama ni Thomas adventure kasi medyo napahiwalay sila.


Then they made biyahe again para hanapin ang resistance group thingy at eventually mapupunta sila sa group ng mga kumakalaban sa Wicked. Dito din makikilala ang isa pa sa magiging new member ng peliks.


Pero dito na eeksena ang punyetakels na sir Teresa. Yung kalokalike ni Bella ng Twilight ay sumbungerang putangina kaya naman natunton sa bandang dulo ang kinaroroonan ng resistance. Nagkagulo ekeklachus at sa huli, madami ang nategi.

Etong potaenang si Teresa ay kampi-kampi sa Wicked at napasakamay din nila si Asian guy at isang girly na friend nitong black girl.

At dito na matatapos yung film kasi balak ni Thomas na iligtas ang mga friends niyang nahuli ng Wicked.

Score? Bibigyan ko naman ng Scorching 8.75 ang film na ito. Okay naman ang scenes. Medyo nabibigyan na ng liwanag ang kaganapan at anik-anik. Okay din naman ang intensity ng mga habulang gahasa at suspense at action,

Ang pelikulang ito ay nakapagpacurious sa akin kung ano ang magiging next na kaganapan sa book 3 pero sana naman at utang na loob ay di hatiin sa 2 parts ang final book.

Hanggang dito na langs muna. 

Wednesday, August 26, 2015

Inside Out

Hey Hey hey! So kamusta naman ang inyong agosto? Ako medyo masaya na dahil magpapalit na kami ng schedule! Wooohoooo, bye bye na sa punyemas na 8am shift na makikipagpatayan sa pagsakay papuntang opis at pauwi. Hello 2pm shift! 

Pero hindi tungkol sa shift ko ang focus ng blogpost na ito. For today, mag peliks review-reviewhan nanaman tayo ng isang film from US. Ito ay ang 'Inside Out'.


Meron na nito sa piniratang tabing pero-pero-pero tumalon yung disc na nabili ko kaya naman inignore ko ito last month pero dahil madami nagsabing maganda ito kaya nagdecide ako na panoorin sa big screen.

Babalu... Asawa ni Babala!

Ang post na ito ay naglalaman ng spoilers at kung may allergy ka sa spoilers, aba, uminom ka ng antigistamin cheverlin ganyans. Nang-aano ka e ha!

Magsisimula sa syemps sa walang kamatayang paghabol ni derek sa pirata cause piracy is stealing chever. Pero papasok ang infomercial ng junakis ni juday asking kung ano ang KABIT na narinig niya sa tv.

Then, may short story muna bago ang main film. Ito ay ang LAVA. Gash, grabe tong short film ng pixar... puno ng feels. About sa lalaking bulkan na wisheroo na makahanap ng special someone nia. At ng papaubos na siya, doon malalaman na sa ilalim ng karagatan ay may wisheroong girl volcano na mameet si guy. Pero parang di sila pinagtatagpo ng tadhana... Pero eventually happy ending.

Okay tapos start na ng film.

Ipapakita ang isang baby girl named Riley. Tapos eentrada na sa storya ang unang bida, ang isa sa emotions na nararamdaman ng isang bata. si Joy.

Ay mali, hindi daw po ito.


Happy si baby for 33 seconds until dumating ang emoterang chuvachuchung blue girlita emotion named Sadness.


Then ipinakilala pa ang iba sa mga members ng emotions squad ni Riley (insert song 'emotions') 
Andyan ang matatakutin na si Fear.

 Pear??


Then andyan si greeny girl na maarts at may pagka-high-fashion-thingy na si Disgust.


At ang huli sa tropa ay ang bugnutin at ang cutie red guy na si Anger.

 Hunger?


All is well naman sa mga years ni Riley kasi mas nangingibabaw ang mga happy memories with family friends and anikanik thingies hanggang sa dumating ang time na sumapit siya ng 11 years old.

Nope, hindi pa sya nireregla... Wag kayong ano... Lumipat kasi sila ng bahay, napunta sila sa San Francisco. At dito medyo magugulo ang emotions ng kiddo.

Internally, ang nangyare ay dahil sa kaepalan ni Sadness, nawala si Joy at si Sadness sa HQ ng feelings ni Raymond Bagetsing. At dito na tatakbo ang ibang portion kung saan kailangan makabalik ng dalawa.

Sapat naman ang pelikula. Hindi siya super pangbagets at hindi rin for mature. Pero may mga tawa and chuckle akong nadama while watching pati nadin sadness. Oo, may part na nakakatouch.

Bibigyan ko ng markang 9 ang peliks dahil while watching medyo nakaramdam ako ng mixed emotions. hahaha. May joy, sadness, anger, konting fear na din saka disgust hahaha.

Nadidiscuss din sa film yung mga short term memory, long term memory, dejavu at anik-anik na parang psychological thingies.

Sa tingin ko sulit naman ang bayad. :D nakuha ko naman yung worth ng binayad ko sa film.

O sya, hanggang dito na lang muna! Take Care!

Dahil aliw ako sa short film, eto nakita ko sa youtube

Friday, August 21, 2015

Randomdom


Holiday! Woot wooot! Walang trapik, okay lang mag jeep at okay lang umalis ng 1 hour before shift. Walang stress drillon at pedeng magrandom post.

1. Every other day, bago ako pumasok, tinatanong ko ang sarili ko, Masaya ka pa ba? At kada matatanong ko iyon, di ko masagot. hayahay.

2. Dito sa opis, dinededmadela ng IT department yung case ko na walang permission yung pc ko to access the printer at some sites na nagrerequire ng admin rights. Nakakainis ng slights.

3. Nag shift bid na kami for September-October schedule. Hooray! Makakaalis na din ako finally sa nakakadepress na 8am schedule kung saan mandirigma kang susuong mga traffic at pahirapan sumakay.

4. Magiging 2pm - 11pm na ako! weeepeeee. Sana idle times para naman mawala yung stress ko sa buhay. Nakakaloks naman kasi ang byahe eh

5. Dahil mag-7 years na ako sa work, binigyan ko ang sarili ko ng reward. Bumili ako ng Macbook for me. May friend kasi na nanalo sa raffle at binebenta nia yung new macbook at yun ang binili ko.

6. Inaasikaso ko na ng unti-unti ang mga requirements for Korean visa. Hehehe. Slightly excited.

7. Slightly scary yung news na may natigok sa Coron dahil nakaapak ng Stonefish. E magcocoron pa naman kami sa september.

8. I am happy na nagkabati na ang friendships ko na nagkatampuhans. Hoping na next time buo na totally ang friendships.

9. Nairita ako sa comment ni Abaya na di raw 'FATAL' ang traffic sa kamaynilaan. ABA Matindi! Dapat bugbugin siya at sabihin na di naman FATAL ang pambugbog.

10. Pag tumitingin ako sa Trending topic sa twitter, ang hashtag ng aldub, puro tungkol lang sa aldub ang tweets. Pero ang hashtag ng sa showtime, Aba, puro patama sa aldub! Ambibitter! Di na lang magfocus sa show nila.

11. Dahil madami nagsabing di sila nasiyahan sa pelikulang Attack on Titans, di ko na din pinanood like Fantastic Four.

12. Bumili ako ng Marvel themed bedsheet para sa aking bed. Luma na kasi yung Jollibee ko. Sayang lang at walang Mcdonalds na Bedsheet hahahaha.

13. Medyo na-sad ako kasi yung online store na pinagpareservan ko ngOne Piece toys, wala daw mahanap na toy. Huhuhu. Buti di pa ako nagdedeposit. 

14. Nakakasad yung pagkamatay ng Agilang si Pamana. Kokonti na nga lang ang Phil. Eagles tapos nabawasan pa.

15. Wala na ako mawents hahahah. Until nektayms!

Friday, August 14, 2015

The Breakup Playlist

Hello! Kumusta? I'm back from my restday at ngayon ay magshashare lang ako ng peliks na aking nipanood. Nope, hindi ito Fantastic Four at hindi rin ang Attack on Titans. Ito ay isang pinoy film..... 

Syempre, dapat binasa mo ang title ng post para naman knows mo na ang namesung ng movie review-reviewhan for today. And walang BABALA asawa ni BABALU. alam ko namang kahit ma-spoil kayo ay wala kayong pake. hahahaha.


Magsisimula ang peliks sa breakup. Hiwalay ang puti sa decolor!  Nagpapababa na sa sasakyan si girlay at mag-qui-quit na sa banda. Ansabi ni boy, 'Go now go! walk out the door! just turn around now, coz you're not welcome anymore!'. Then play the song 'Paano ba ang magmahal'.

Flashback, bago ang breakup, kailangan ipaalam sa viewers ang start ng pag-iibigan chuchu. Malalaman na nagstart ang pagtatagpo ng dalawa sa isang music camp ekekers. Na-impress si boy sa ganda ng boses ni girl. Nagkakwentuhan sa tabing dagat ganyans.

Then lantod-lantod mode si boy kasi gusto niyang makasama sa band si girlay. Pero me hadlang. Gusto kasi ng fambam ni girl na maging lawyer siya. Dapat aral muna bago landi. 

Pero parang pabebe girls si boy at girl at walang makakapigil sa dalawa. Kailangang maglandian at magkadevelopan ganyans.

Then back to present. Malalaman na may nagrerequest kay boy at girl na magkasama sa isang concert ng teen labtim na wala akong pake! Pero ayaw pumayag ni girlay dahil una, makakasama niya ang kanyang Brand X. Pangalawa, gusto niya ng malaking TF (technical foul chost, talent fee).

Tapos balik sa past ulit. Parang film ang dalawa kasi nagkadevelopan until nagdecide na si girlay na bumukod na sa fam at magfulltime banda rito banda roon.

Ang sumunod ay sumikats ang banda ganyan. Nagiging pemus nadin si girlay at doon pala magsisimula ang rift. Insecurity guard ang peg ni boy kasi nakukuha na ni girl ang limelight. Nagiging bitter ocampo na ito as time goes by.

At dito na kokonek ang eksena doon sa unang part kung saan naghiwalay na ang puti sa decolor. Break na. Wala na ang heart-heart, hurt-hurt na.

Pero turns out, inlababo padin pala si boy at he makes Sorry Sorry Sorry Sorry Naega naega naega meonjeo. Pero medyo pusong bato na si girlay. Ayaw niyang tanggapin ang sorry sorry.

Pero hello.... mahaba na masyado ang peliks. Kailangan may closure. Kailangan magkabatian na ang dalawa. The End.

Score for this peliks? 8. Sakto lang. Walang kilig factor kasi between the 2 artista. Parang hindi believable na na-inlab ako sayo kala koy pag-ibig ko ay tunay pero hindi nagtagal lumabas din tunay na kulay! stupid! Ramdam naman yung saket ng break-up which is good. At okay naman ang closure. Kaso may kulang lang. Kulang ng magic. Hindi bagay ang tambalang PioSa (piolo at sarah).

O sya, hanggang dito na lang muna mga folks! Take Care!

Sunday, August 9, 2015

Para sa Haters ng AlDub

 photo nakuha via google search

Aldub, ang labtim na patok ngayon. Ang usap-usapan sa opis, sa jeep, sa mall at social media. Ito ang tambalang nabuo lang ng biglaang kinilig kiki si Yaya Dub ng makita niya si Alden during the Juan for All, All for Juan ng Eat Bulaga.

At doon na nagsimula ang alamats.

Aside sa madaming kinikilig.... syempre dapat balanse daw. So may mga haters. 

usually ignore lang ang katapat sa mga haters pero minsan kapag nagbabasa ako ng comments anik-anik sa mga page articles about aldub, minsan nakakainit din ng dugo.

So kailangang maging isang PATOLA. hahahaha.

1. Pangit daw ni Yaya Dub.
Wow! Anlalakas manlait ng mga nagsabi noon. Noong tinignan ko ang mga profile pics nila, juskolord. Alphakapalmuks! The nerve!! Si Yaya Dub kusang nagpapakapangit/wacky, yung mga nanlalait, natural na natural ang pagkapangit.

2. Paulit-ulit daw.
Minsan ang pagpapatawa ay pede mong bitawan ng madaming beses pero same effect padin. May mga comedy materials na kahit narinig mo na noon ay benta pa din.

3. Nakakasawa daw.
True, may mga cases na possible na magsawa ka. Pero depende yon. Hello, yung 'May nagtext!' line ni vice noon nakakasawa din kaya iniba niya. Yung sample-sample-sample ni Jhong Hilario din, nakasawa na din.

4. Corny at Jeje ang patawa.
Ang pagpapatawa ay combo ng hit and miss. May waley at may havey. At nasa mood ng tao kung matatawa siya sa joke o hindi. Minsan, kaya ka hindi natatawa kasi kinagat ka ng langgam sa betlog mo or nangangati yung bulbol mo kaya di ka natawa.

5. Di daw mapapantayan ang KathNiel, Lizquen at Jadine.
Ewan ko pero sa personal na opinion, may ibang kilig factor ang aldub na wala doon sa taklong labtim na nabanggit. Hindi pa sila nagkakakitaan at nagkakayapos or nagbabatuhan ng banat quotes and lines pero may magic e.

6. Pagbigyan daw at ngayon lang nagtretrending.
Di ko gets masyado ang mga twittards. Minsan kasi kapag napapasilip ako sa mga trending topics, iiyo't-iyun din ang mga taong naglalagay ng hashtags e. Yung mga actual fantards but not the majority ng tao/common tao na may twitter. 

7. Aldub na lang daw ang bumubuhay sa Eat Bulaga.
Wow, sabihin nila yan sa fave show nila na tumagal ng 30+ years sa tv.

8. Puro dubsmash lang, walang wenta.
Hello, yun nga ang point kaya nakuha sa EB si Yaya Dub dahil sa dubsmash. Minsan ang common sense ng iba ay ewan.

9. Ayaw nilang panoorin.
EDI WAG! Walang pumipilit! Itutok nila pagmumuka nila sa kung anong show ang trip nila. Sabi nga ng mga Pabebe girls, Wala akong PAKE!

10.etc, etc, etc.
Wow... Affected much sila???? Minsan ang haters ay mga mapagpanggap na fans din.... HATERS gonna HATE.

Hahha. ayan, yan lang talaga. Actually gusto ko lang na magkaroon ulit ng post ang bloghouse na itwu. lols.

Hanggang dito na lang muna! Take Care!

Sunday, August 2, 2015

Ramdomness sa AgosTwo


Agostwo na! Isang buwan na lungs at ber months nanaman. Umpisa na muli ng pagkakabit ng christmas decor anik-anik. Tapos ilang kembot na lang 2016 na tapos presidential election na tapos magpapasko ulit. lols.

Anyway, mag-rarandom wento lang ako ng anik-anik.

1. Office related... wala na akong mawents. hahaha. Nawawalan na ata ako ng spark. Its not them, its me. hahaah. ewan ko ba.

2. Marahil ang rason ay dahil pala nekmant ay ika-pitong anniv ko na sa kumpanya. Bechabaygaliwow! Hontondo ko na here.

3. Lagi na lang akong may late and halfday sa mga nagdaang months. gash.

4. Nagpakulay pala ulit ako ng buhoks. Dapat ay Ash Blonde daw (bagay daw sa akin sabi nung parlorista kaso nagmukha akong mais. So Violet sabi ko pero nagmukang red ang kulay)


5. Isa na din ako sa nahawa sa Aldub fever lols. Natatawa ako sa skit kahit mababaw. Hahahaha.

6. I gained weight again. Nyetakels. Yung konting-konting semi-formal attire ko, ayun walang kasya kaya napabili me agad dahil may event na aattendan.

7. Then poof, ang muhok ko at ang longsleeves ko ay tumerno naman sa mantel ng event. Hahahah. I belong.


8.  Nagka-first iphone na ako dahil minana ko ang old iphone 5 ng mudrakels ko kaso di ko magamit dahil sa nyetakels na nanosim. Di ko lam san magpapaputol ng sim card ko. hahaha

9. May mga pending orders ako ng laruan na hindi pa dumadating. Egzoited na me madagdagan ang koleksyones ko.


10. Nekwik na ang New Fantastic 4 na movie pero parang mixed feelings ako dito.

11. Antagal ng mga US series..... Amboring ng walang sinusubaybayan like survivor, amazing race etc.

12. No comment ako sa Iglesia ni Kristo thingy pero doon sa mga strong bones na announcers na sila Anthony Taberna at yung isa pa na lakas maka-criticize sa lahat ng issue pero sa sariling religion walang comment, juskelerd.

13. Magcoconcert daw si Madonna here sa pinas nekyir- K!.

14. Ayos na ang One Piece na Manga. Pinakita na ang isa sa 4 Yonkos na si Kaido.

15. Not sure pa pero baka this month mag-apply kami ng visa for Korea :D Waiting pa sa mga kasama ko.

At dito muna tatapusin ang random-randomans

Take Care!