Friday, April 30, 2010

idaan sa tamang pagiisip ang lahat ng mga bagay

pwede mo ba akong tulungan sa bago kong project....
pwede mo bang gamitin ang imagination mo para sa akin?



ok magsimula tayo dito

isipin mo ang itsura mo..

nakasmile....

tapos...

biglang dumilim..

napunta ka sa lugar...


sa isang madilim na lugar...........






so sobrang madilim na lugar..





may naaninag ka na isang magandang babae....






kumikinang sa kagandahan..





sya ang natatanging liwanag sa kadiliman..





napakagandang babae.....





kitang kita mo ang mala anghel niyang itsura.....





ang sarap sarap niyang tignan.....





ang ganda ganda niya ngumiti....





yung mga mata niya....sobrang ganda..





yung kutis nya..sobrang kinis..sobrang puti





yung tawa nya kapag narinig mo parang hindi na nauso ang kasamaan sa mundo





nakakagaan ng loob




napasmile ka ulit...





yung hubog ng katawan niya parang modelo




seksi




wow sabi mo...









ang bait bait niya....




iisipin mo ang swerte ng bf niya...








tapos makakita ka ng isang cute na lalaki na padating








bf niya ata.....



simpleng kyut pero marami ang nahuhumali






niyayakap siya bigla ng napakagandang babae





ang saya saya nila





walang makakapantay sa kasiyahang nararamdaman nila





nagkukulitan at nagmamahalan sila ng sobra sobra




magkahawak ang kamay nila




walang pwedeng makapaghiwalay sa kanila








sila na ang pinaka masayang lalaki at babae sa balat ng lupa....





nakikita mo ang ngiti nila na walang katapusan











tapos titigan mong mabuti yung lalaki





dahan dahan izoom ang itsura ng lalaki




at makikita mo si kikilabotz pala ....





tama nga kyut nga!! simple lang pero madami ang nahuhumali..







(law of attraction applied...bwahahahaha. salamat mga friend)


hinde mo naintindihan ? ulitin mo ulit...tapos ulit ulitin mo ulit...


tandaan mo ano man ang nakikita mo sa isip mo daratng ang araw makikita mo itong hawak hawak mo..

kaya wag kng bastos! hehe

Wednesday, April 28, 2010

karma sutra

kung tatanungin ninyo ako kung naniniwala ako sa karma, Ang isasagot ko sa inyo ay isang malaking OOo. Walang pagdududa totoo po ang karma.

ang balik sa atin ay mabilis at mas grabe...

"Do not do unto others as you would that they should do unto you. Their tastes may not be the same. "



— George Bernard Shaw  
 
ang totoo. hindi ko  rin naiintindihan yang pinagsasabi nyang geroge na yan!! HInayupak ka george ! pinapadugo mo ilong ko! bwahahahwaaahhh..

Eto yung totoo
 
Do unto others as you would have others do unto you. [Matthew 7:12]
 
kahit bible po, Nagpapatunay na ang karma ay totoo .
 
may ikwekwento ako sa inyo,
isang araw nakita kong may pigsa ang kapatid ko sa kilikili
 
ako:pssstt  anu yan?
kapatid: pigsa, may angal?
ako: ang laki naman nyan!
kapatid ko: gusto mo hati tayo?
ako: bwahahaha, may tinatago ka palang sense of humor eh nasa kilikili nga lang. bwhahaha
 
after 2 weeks
ako naman ang pinigsa sa both armpit
 
kapatid: psssst ano yan?
ako: pigsa, dalawa may angal?
kapatid: ang lalaki naman nyan!
ako: wag kang magulo!
kapatid: may tinatago ka palang talent eh, ang sumayaw ng itik itik sa manila zoo.
 
haaayyy but the good thing is, Karma is not always bad.  Sometimes,Pwede rin itong maging good.

promised ko sa sarili ko na i will share my happiness  sa mga taong nakapalibot sa akin.
 
 Kaya nga Alam ko, ikaw na nagbabasa nito! ay isa sa mga good karma ng buhay ko..:D

ako yung Nurse

Hanap mo ba ay trabahong malupet? Matagal ka na bang humihiling na sana magkaroon ka na ng trabahong walang kasing lupet? well well. ako ang kasagutan sa wish mo. Sa pagkakataong ito your wish is my command! Halika!Lumapit ka sa akin. At tiyak pagttrabahuhin kita ng sobrang lupet.. wala nga lang sweldo. Diba trabaho naman ang hinahanap mo?


 Sa buhay na tinahak ko, Bilang isang Nars, Bilang tagapangalaga,Bilang kapuwang ng doktor, Bilang kapamilya ng may mga karamdaman, Bilang tao,Bilang ako ng bilang wala naman akong binibilang.  marami akong natutunan at nauunawaan.


Marami na akong nasaksihan simula pa lang nung studyante ako hanggang ngayon. Ibat ibang tao, Ibat ibang karamdaman.. Ibat ibang kwento ng pakikipaglaban at pkikipagsapalaran sa buhay. 

Yung iba ayaw nang gumaling, Mas mabuti na raw na tapusin ang paghihirap nila, mawalan na ng problema, at higit sa lahat  makapagpahinga na at  maging masaya

para sa kanila:

Kung magiging masaya ka rin naman, Bakit ka pa magpapakahirap.


Yung iba naman gusto na gumaling agad, Na dapat wala pang five minutes makauwi na sila sa knilang tahanan,makabalik sa trabaho, makagawa ng paraan para tapusin ang paghihirap nila,  mawalan na  ng problema at higit sa lahat makapagpahinga na  at  maging masaya.


para sa kanila:

Unang mawalan ng pag-asa, malamang siya ang talo....


 Magkaiba man ang paraan,Napansin ko halos pareho lang naman sila ng mga gustong mangyari. Yung makawala sa problema at maging masaya.

kung tatanungin nyo ako kung sino ako sa knila? Uhmm ang sagot ko jan.....basahin mo yung title ko!! grrrrrr