Showing posts with label inuman. Show all posts
Showing posts with label inuman. Show all posts

Monday, May 17, 2010

I love you ipis ipis very much

kung sakaling hindi pa ninyo nababasa ang part 1 eto po ang link. basahin muna bago basahin ang kabanata 2
kabanata I: ako ang simula


kabanata II
INUMAN



Malungkot ako. Problemado. Hindi mapakali.Kaya pinasya ko na lumipad lipad sa buong bahay ni kuya.Sakto naman at may nakita akong bote ng redhorse mucho sa may aparador. Bukas na at haos kalahati pa ang laman. Solve solve. Kaya dali dali kong tinawagan ang aking mga kaibigan gamit ang dalawa kong mahahabang antena.


“Mga Repipis!! May nakita akong pagpipiyestahan natin dito! Nomu na Nomu!”

Unang dumating ay si Panot. Ang kaibigan kong mahilig magpatawa , Hindi naman kalbo.Sumunod ay si Kulot ang dakilang manunulot.Tapos si Singhot ang pinaka adik sa tropa.At ang pinakahuling dumating ay si Peklat.Ang ipis na laging sugatan ang puso.

Nakarating na ang lahat. Sinabi ko sa kanila na meron akong problema, Isang napakalaking problema, Dahil nagalit sa akin si Dalisay, Hindi ko naman sinasadyang matawa ng malakas sa harap ni Dalisay habang binabasa ko ang letter niya sa akin. Sino ba naman kasi ang hindi matatawa? Jejemon ang pagkakasulat.Pero hindi pa natapos ang storya dun. Lalo pang lumala nang sinampal niya ako gamit ang pakpak niya. Hindi pa rin ako matigil sa pagtawa. Tapos nun umiyak siya. Nakita kong tumulo ang luha sa mga mata niya.At dali daling lumipad palayo.

“ Matapos nun ,Binalak ko na habulan siya , Pero,Hindi na ako makakilos. Ano bang nagawa ko? Ang tanga tanga ko”

Matapos ko ikwento saa mga kaibgan ko ang mga pangyayari . Tumawa ako ng malakas sabay sabing tara simulan na natin ang inuman. Wooooohhh!!

Sinimulan na namin ang inuman. Iisa isa kaming pumasok sa bote ng redhorse mucho at dun sabay sabay na nagsilanguyan.Muli namin binuhay ang mga katagang Magpakalunod sa alak. At nang medyo lasing na kming lahat .Naging sensitibo na ang aming naging usapan.

PanOT: Mga repipis,Kilala ninyo ba si Pepeng ipis? Yung matandang panget na ipis? Na rape daw. Akalain nyo yun?

PekLat: Yung crush mo? Hahaha. Talaga? Sino naman ang nangrape?kadiri eiiwwww...

PaNot: Si Teteng ipis..wahahahaha.. madilim daw kasi nung mga panahong iyon. Hindi niya daw nakita. Tapos after 1 day namatay si teteng ipis

Singhot: oh? Ano naman ang ikinamatay?

Panot: kahihiyan

(tawanan ang lahat)

KulOt: Mga repipis, Kung nagkataong hindi kayo ipis. Ano kayo at bakit?

SingHot: Gusto ko maging icecream para maramdaman kong dinidilaan ako.

(tawanan ang lahat)

PekLat: Takte ka singhot! Adik ka talga! Ang laswa mo. Ako gusto ko maging isang octopus.Para mas marami akong mayakap ng sabay sabay.

PanoT: kaya ka iniiwan eh. Kung ako tatanungin nyo .gusto ko maging isang WIG  wahahahahahaha. para maging solusyon ako sa mga problema ng mga panot. Khit hindi ako panot

(walang tumawa. Tahimik ang paligid)

Kulot: Ikaw lufet ? ano gusto mo?

Gusto ko maging paa, kapalit ng naputol na paa ni Dalisay, Para kahit san man siya magpunta. Lagi niya ako kasama. At maging parte ng pagkaipis niya. Pangarap ko kasi marinig mula sa kanya na....

KUMPLETO NA SIYA KASI ANDITO NA AKO”

Kulot: wooohhh!! Ang cheesy!! Naglevel up ka na. Haha. Ako gusto ko maging Napkin . Alam niyo na kaung bakit..

(tawanan ang lahat)

Peklat: Panget yun pare! Pagkatapos ka nila gamitin itatapon ka na nila..

KuloT: oo nga noh? Sige pera na lang! Para Madami nagpapakamatay para sa akin. Hahah

“ Buti na lang may mga kaibigan akong tulad niyo. Salamat mga Repipis “

Peklat: oh lufet!! Magsmile ka naman! Alam mo ba ang pagsmile ay isang asset? It can touch Hearts and even change lives so keep on smilling you might inspire someone with it

(nagtingninan ang lahat kay peklat. Habang dumudugo ang ilong namin)

PanoT: nakanang putcha! May tinatago kang english!

Singhot: Halika pare! Para hindi ka malungkot sama ka sa amin ni Kulot. Mambababae tayo!

Panot: Bakit kayo lang? Paano naman kmi?

Singhot: Saka na lang kayo. Panira kayo ng Diskarte. Baka magtae mga chix na makita namin kapag nakita kayo.

Tapos lumipad na kaming tatlo ni Singhot at kulot sa isang parte ng bahay ni kuya. Hanggang sa makita namin ang isang magandang ipis.

Kulot: para ayun! Diskartihan na natin

Singhot: lufet swerto mo. Kami na didiskarte para sayo. watchenlearn

(pumunta sa magandang ipis)

Singhot: Hi miss, Naniniwala ka ba sa Love at first sight? O gusto mo bang dumaan ako ulit sa harap mo?

Magandang ipis: sorry malabo mata ko

Singhot: sakto! Love is blind..

Kulot: psssst singhot. Adik ka talaga! Luma na yan ! halika panuorin mo diskarte ko!

Singhot: sige sige

Kulot: hi

Magandang ipis:..........

Kulot: Hi im pauleen

Magndang ipis: pauleen?

Kulot: Nung nakita kita naging Pauleen na name ko. Im pauleen inlove with you

Magndang ipis..(napangite)

Kulot: Alam mo PAMPERS ka?

Magndang ipis: pampers?

Kulot: oo , sa lahat lahat ng magagandang ipis na kilala ko, ikaw ang PAMPERS sa puso ko.

Magndang babae: nakakakilig ka naman.

Kulot: meet my friend lufet.

“ mga repapis, Alis na ko. “

Kulot: oh saan ka pupunta?

kay Dalisay, Pupuntahan ko siya. Magsosorry ako. Ayoko na nagdagdagan ang kasalanan ko sa kanya. Salamat sa inyo nalaman ko kung gaano ko siya kamahal.”

Kulot: gaano?

“konti. Konti na lang lagpas langit na”

At dali dali akong lumipad para hanapin sa Dalisay ....

itutuloy


kabanata III
kabanata IV
kabanata V
kabanata VI
kabanta VII
kabanata VIII 
kabanata IX
kabanata X : ang pagtatapos