Wednesday, January 26, 2011

kulay ng panty kulay ng buhay (repost from friendster blog)

Nabasa ko sa isang lumang dyaryo na may pagkalukot- lukot at amoy tinapa ang isang artikulo . Sinasabi na malalaman daw ang ugali at pagkatao ng isang babae sa kulay ng paborito nyang suotin na panty.

Since medyo ipinagbabawal ang nasabing kaalaman at itinuturing na isa sa pinakaka tinatagong sikreto ng ating lahi. Kakaunti lng ang pinalad na makaalam nito. Pero sa kabutihang palad isang mabait na writter ang naglathala nito sa isang mumurahing dyaryo na nagkakahalaga ng 4.50 php lamang. Makaraan lamang ng ilang araw ang nasabing writter ay BIGLA NA LANG NAGLAHO.

Eto na ang maga katumbas na kulay,

WHITE : symbolized the pureness pero hindi yun ang nakalagay eh.. Sa pagiging mabait nito ready siyang makipagsapalaran all the way no matter what it takes pa

BLUE : very outgoing person. hindi siyaa madaling mawalan ng pag-asa when it comes to trial

YELLOW : always keep on shinining. gusto niya lagi siyang pinapansin.

GREEN : clean minded person. Mahilig lumunok ng kanyang sariling plema. haha. joke clean minded nga clean. yun na yun

RED : hot. strong personality. Pero siguraduhin mo muna baka regla lang yun nakita mo.

BLACK : wahaha. baka naman walang suot. jokes. Sensitive daw siya lalo na pag love ang pinag-uusapan

VIOLET : True friend. hind niya hahayaang mag isa ang isang kaibigan niya.

PINK : Updated. hindi siya nahuhuli sa anumang uso.Pinaniniwalaang sila ang nagiging leader.

with designs- they never asks for more. they are very contented on what they are today but keeps on moving forward, it is said that they also have the capability to make things more exciting than it is used to be.

Yung mga common lng. ang totoo meron pa yung mga aquatic blue saka patassium gold gold pa yun eh.So eto na lang mga common nilagay q. Hirap kaya magtype. hehe

wahahahahah. alam mo na ba kung nasan ang personality mo? O niya?

Sabi nga nila, Para daw maging mabuting mamamayan, Kilalaning mabuti ang mga tao sa paligid at tanggapin kng ano sila. Kaya ang payo ko.

MANILIP ARAW ARAW

Isa pang waaahahahahah. joke joke lang ang lahat ng mga ito. Basta ang totoo walang bagay o sinuman na maaring makakapagsabi sa pagkatao ng isang tao. Ang buhay ng tao ay merong isang pagkakapareho ,Na lahat tayo ay ibat-iba sa ibat ibang paraan.

Sunday, January 23, 2011

Tagalog pick up lines ni kikilabotz

Dahil sa napakataas ng mga demands. Gumawa ako ng video na naglalaman ng mga simpleng banat, tagalog, korny, at nakakatawang mga banat. Inaamin ko hindi original ang iba  pero natutuwa pa rin ako. kaya eto ang aking video



kung may suggestion kayong mga banat na gusto ipaalam. feel free to comment.

Want more Pick up lines? try these sites

Wednesday, January 19, 2011

hampas hampas

bago magbasa huwag po masyadong seryosohin ang mga impormasyon sa baba. nakakabaliw.

Guys, Naranasan niyo na ba yung tipong dahil sa sobrang seksi ng gelfren mo eh nanggigil ka? yung tipong gigil na gigil ka? Na parang hindi mo na mapigil?  Na yung si little birdie ay naging si king kupa (kalaban ni super mario) ? Normal lang yun kapag gelfren o kaya asawa mo. papaano ang kung hindi? papaano kung iba? pano kung sa taong na nakasalubong mo lang tapos nagkatitigan kayo ng 5 minutes  at accidentally nakindatan mo with matching labas dila lang? papaano?


kaya mo ba makaresist sa ganito?

Napaka ironic ng buhay. Na kapag kung kailan bawal na at umiiwas ka saka naman sadyang dumadami ang mga tukso. Alam ko naranasan niyo rin itong sinasabi ko. Normal lang yun kasi lahing pikutin tayo. hahaha. Kaya nga nagisip ako ng maasahang ideya.

Para makaiwas sa..uhmmm alam mo na.Paghindi mo na talaga kayang mapigil. kapag nadala ka na sa kwarto at dalawa na lang kayong natira na wala ng saplot. Ihampas hampas mo na lang. Ihampas hampas mo na lang all over her body. I know you know what i mean. hehe. makakaraos ka na nun. makakaiwas disgrasya ka pa.   











eto po yung panghahampas mo. sigurado lalayo siya.

Monday, January 17, 2011

After mabigo

Matagal tagal na rin po itong nangyari. Matapos ko po dumaan sa isang pagsubok sa pag-ibig. Nabigo po ako. Warak na warak ang puso ko. Yurak na yurak ang aking pagkatao.



 Hanggang sa nakita ko na lang ang aking sarili sa isang sulok ng madilim na kwarto. Nanunuuod ng bold sa cellphone. Tulala at tumitirik pa ang dalawang mga mata. haha. joke lang. Isang mata lang yung tirik. Yung isa alert, alive, awake enthusiastic na nagmamasid na baka ma dumaan at makahuli sa akin.  haha. joke lang ulit.

Hanggang sa mapansin ko ang aking sarili. Binabanggit ang mga katagang..She loves me, She loves me not. Habang binubunot ko ang mga buhok sa ilong. ( nature lover ako kaya ayoko manira ng mga bulaklak). Bawat mabunot. Ramdam ko ang hapdi, kirot at sakit kasabay nito ang pagtulo ng aking luha. Hanggang sa maubos ko ang buhok sa kanang butas ng ilong ko. Bagamat she loves me not ang naging resulta. Nakahinga ako ng maluwag. Sobrang luwag. Pakiramdam ko nga kasya na ipasok yung 3 hinlalaking fingers sa paa sa butas ng ilong ko. I know hindi matatapos buhay ko dun.

Meron pa namang kabilang butas. Baka dun She loves me na ang lumabas. pag ayaw pa rin burnik naman. 

Saturday, January 15, 2011

Happiness

Dumating sa point na ginusto ko maging masaya. Kaya nga naghanap ako ng mga bagay na pwedeng makapagpasaya sa akin.May nalaman akong ibat ibang opinions. At sabi nga ng iba

There is no key to happiness because the door is always open.

tapos meron din  namang nagsabi na

 Love is the key to happiness and God is love. Therefore God is  happiness. Tama nga naman diba? Pareho silang tama. God never created a door para tayo maging masaya. Kagaya ng mga palad niya laging bukas para sa atin.

At one thing pa. God said, Give and you will recieve. Ibig sabihin kung gsto mo talaga maging masaya. Magbigay ka ng kasiyahan para sa iba. And youll see. Babalik sayo ang kasiyahan ng siksik, liglig at naguumapaw.

Always SMILE, kasi hindi natin alam kung sino sino ang pwede mong mapasaya kapag nakikita ang ngiti mo.

 parang nagbago isip ko ah? Layo layo . chupi chupi. baka mahampas ko ng dos por dos gilagid nito. Wisdom tooth lang walang latay.

Thursday, January 13, 2011

isang daan

Dahil ito ang ika-isang daan post ko. At para  narin sa 212 na followers ng aking blog, Napagpasiyahan ko na gawing espesyal ang post ko na ito. Espesyal gaya ng bukopie ni sabel. Hindi mo pa tinitikman busog ka na.

Isa sa mga achievemnt ko sa blogging ang pagkakaroon ng maraming tagasubaybay dito sa aking blog. Kaya nga nagpapasalamat ako sa mga walang sawang pagsuporta ninyo sa akin. Pero alam niyo ba? Ayon sa kasabihan, Bago ka magkaroon ng 200 na followers, Kailangang magtaglay ka muna  ng isa sa dalawang katangiang ito. Its either daw na dapat magaling ka magsulat o kaya naman daw eh sadyang CUTE ka lang. Kaya nga po ay humihingi ako ng kapatawaran kasi kahit anong gawin ko. Marami ang nagsasabi na hindi ako magaling magsulat. Buti na lang........

Dahil gusto ko magkaroon naman ng sense ang post kong ito. Magseseryoso ako ng konti. Narinig mo na ba ang kasabihang where theres a will theres a way ? Kung oo. Anung pakialam ko? haha. joke. Kasi para sa akin. Isa ito sa mga best quotation  ever created. Sunod sa ang taong tanga kung matinik malalim. haha. Bakit?  Kasi nga wala naman talagang Impossible. Kung gugustuhin mo, Kung maniniwala ka na kakayanin mo. Then everything will be possible. Gaya nga ng Wright brothers, Sa  panahon nila. Walang naniniwala na kayang makalipad ng isang tao . Sila lang. Pero hindi ito naging sagabal para sa kanila. Instead, ginawa nila itong motivation para magpatuloy at patunayang tama sila. And after a while, The Wright brother proved them wrong. Dahil naniwala  sila na makakaya nila. Sumulpot ang isang idea.Idea na magsisilbing isang daan para mapatunayan ang kanilang pinaniniwalaan.  And after that....Naimbento ang isang ....... chismis...hindi daw magkapatid ang wright brothers kundi ......


magsyota. ^_^



oo nga pala kung gusto niyo ng chance manalo ng ibat ibang prizes daily magregister kayo dito

Saturday, January 1, 2011

I love you ipis ipis very much

happy new year ! Im back.. Muli rin pong nagbabalik ang kwento ng isang ipis na umiibig. Para po sa mga hindi alm ang kwentong ito. Ito po ang mga link


kabanata 1 AKO ANG SIMULA
kabanta II INUMAN
kabanata iii HAPDI, KIROT at SAKIT
kabanata 4 LAMAY
kabanata 5 Pagbabago
kabanata 6

KABANATA VII

PANLILIGAW



Laking tuwa ko ng maging magclose kami ni intsikticide. Kaya kada araw na dumaan, Wala akong pinalagpas. Araw araw binibisita ko siya. Sinisuguradong ang bawat araw na lilipas ay makikita ko siyang ngumingiti. Hanggang sa mapagpasiyahan kong ligawan siya.

Sa kadahilanang matinik sa chikas ang repipis ko na si kulot. Pinuntahan ko siya at sa kanya nagpatulong

Ako : repipis, may problema ako. May gusto akong ligawan?

Kulot: ligaw? Kelan pa naging problema yan?

Ako: meron ka bang alam na mga banat diyan? Para mabilis ko siya mapasagot?

Kulot: hahaha yun lang ba? Okay sabihin mo to sa kanya

Maglaro tayo ng Plant vs Zombies. Ikaw yung zombiez at ako naman yung plant. Para habang kinakain mo ako. Titirahin kita.

Ako: Sablay yan repipis!!

Kulot: haha. Nagbibiro lang ako. Ano ka ba? Mas effective sa mga babae kung sasabihin mo sa kanila yung totoong nararamdaman mo.

Ako: tama k nga repipis!

Kaya pinasya ko na sa sariling diskarte ko na lang liligawan si intsikticide.

Day 1

Ako: Alam mo intsikticide? Dito sa loob ng aparador, ikaw ang pangalawa sa pinakamaganda.

Intsikticide : pangalawa? Naaning ka ba? Ako lang kaya mag isa dito? Sino yung pang una? Ikaw?

Ako: hahaha. Baliw! Hinde! Yung pang una? Ikaw pa rin kapag nakangiti ka..

Day 2

Ako: oh kunin mo to!

Intsikticide : ano to? Kutsara? Aanuhin ko to?

Ako: haha. Ipagpalagay na lang natin na pala yan. Panghukay mo

Intsikticide : Panghukay saan?

Ako: i just want to show you how deep my love is.



Day 3

Ako : pwede magtanong?

Intsikticide: nagtatanong ka na!

Ako: sungit mo ah? Hehe. Meron ka?haha

Intsikticide: tao ako? Tao ako? Paano ako magkakaroon. Lintik ka! Oh anu ba itatanong mo?

Ako: Kung sakaling mahanap mo na yung lalaking magmamahal sayo. Anong petsa mo gusto ikasal?

Intsikticide: Ang hirap naman ng tanong mo? Haha.

Ako: just give a date magkakatatoo daw kasi yun kapag ganun.

Intsikticide: sige sige, uhmmm February 14 2013. Eh ikaw kelan mo gusto magpakasal?

AKo : edi February 14 2013 din. Sayo.

Day 4

Ako: alam mo para kang nanay at tatay ko

Intsikticide: hanoooh????

Ako: oo kasi isa ka sa dahilan bakit nabubuhay ako sa mundo ..



Day 5

Ako: pssssssstttt. Pakibasa naman to oh..

Intsikticide: ano ba naman yan!? Ang tanda tanda na hindi pa rin marunong magbasa.

Ako: dali na basahin mo na

Intsikticide: uhmmm teka......M_ND_K_. Eh ano naman to?


Ako. Uhmm ang mundo ko. Pero kulang pa. Its U at ang OO mo



DAY 6

Ako: kunyari sasali ka daw sa beauty contest tapos ako yung judge.

Intsikticide: tapos?

Ako: edi magtatanong na ko sa question answer portion

Intsikticide : sige sige mukhang Masaya yan. Game

Ako: Kung ako ay isang tanong? Kelan mo ako sasagutin?

DAY 7

..................

DAY 8

Intsikticide: Bakit wala ka kahapon?

Ako: namatay kasi ako

Intsikticide : namatay?

Ako: oo alam mo naman diba? Matagal na akong patay na patay sayo?

Intsikticide: hehe ikaw talaga! Namiss tuloy kita. Namiss mo ba ako?

Ako: Hinde?

Intsikticide: ay ganun?

Ako: oo kasi kahit kailan hindi ka naman nawala sa pusot isip ko eh.



DAY 9



Ako: oh kunin mo to!

Intsikticide : Kutsara? Nanaman? Paulit ulit?

Ako: hehe oo kasi paulit ulit kong ipaparamdam sayo how deep my love for you is



Sa ika sampung araw. Dinalhan ko siya ng isang dosenang ibat ibang bulaklak. Hehe. Joke lang. Ibat ibang kulay na santan lang. 11 dun ay tunay at yung isa gawa sa plastic. Inaabot ko k okay intsikticide tapos sabing

“intsikticide ang pagmamahal ko sayo ay magpapatuloy at magpapatuloy hanggang sa malanta ang lahat ng bulaklak na ito. Pwede ba kitang maging gelfren”

Kinilig si intsikticide. Sa sobrang kilig ramdam ko muntik pa nga siyang maihi. Napigilan lang niya. Tapos sabi niya.

“OO lufet, OO Tayo na”

Tuwang tuwa ako. Hindi ko maipaliwanag ang sayang nararamdaman ko. Pero meron isang katanungan pa rin ang naglalaro sa aking isipan . Kaya muli ko siyang tinanong.

“ uhmm intsikticide my honeybunch..may tatanong ako..ok lang? Paano tayo magsesex? sabay ngiti...



Itutuloy

kabanata VIII 
kabanata IX
kabanata X : ang pagtatapos