Thursday, December 30, 2010

bago matapos ang taon

Dahil malapit na ang bagong taon. Usong uso nanaman ang Paputok ngayon. Kagaya ni manong na nakatabi ko sa jeep. Grabe. Ang lakas ng putok. Ang tindi ng impact sa ilong ko. Hindi siya bawang kasi amoy sibuyas. Maluha luha nga ako eh. Ang masama nakasando pa,Kaya nga payo ko lang sa mga magpapaputok , maligo muna. Ang pugel.

 Bago matapos ang taon, Gusto ko lang sana magpasalamat sa mga taong naging bahagi ng masayang 2010 ko. Siguro kung hindi dahil sa inyo. Malamang Nageemo pa  rin ako ngayon  kagaya last year. Itong post ko na ito ay inaalay ko sa inyo. Kahit na walang kwenta. Taos naman sa puso ko.

Sige na nga update ko lang kayo sa buhay ko.

Kaya medyo busy ako ngayon kasi  naghanap ako ng mga pwede kong salihan na reality show. Tulad na lang ng survivor teen edition  na gaganapin dito sa Pilipinas. Na tatawaging Survivor Trinoma Teen edition. O kaya naman yung AMAZING FACE ASIA. ehem ehem. no comment. hahahaha. basta ganun. Pero bigo ako. Sawi at umuwing luhaan. walang nageexist na ganyan. Kung meron man over qualified ako. huhu

Meron pang isa. Eto pinagmamalaki ko. Kaya ko na umihi ng no hands. uulitin ko NO HANDS. Muscle control lang pala ang sikreto jan.hahah. Ang problema sumasabay yung butas ng pwet ko. kumoclose-open ang hinayupak eh.

Hanggang dito na lang muna. See you next yr

Magbago man ang taon, Magbago man ang mga tao sa paligid, Magbago man ang mga pangyayari. May dalawang hindi magbabago. Yung una, Yung walang kapantay na pagmamahal sa atin ni Lord. Tapos yung pangalawa , Yung katohanan na kyut DAW ako. bwahahaha

HAppy NEw Year Everyone

  

Friday, December 17, 2010

PEBA ng isang inosente

"ano bang nangyayari sayo?"

" wala kang pakialam!"

"hindi kita maintindihan eh!"

"Kailan mo ba ko inintindi!?"

"Diretsuhin mo nga ako! Dahil hindi ko kayang basahin kung anong nandyan sa utak mo. Kung galit ka sabihin mo sa akin, sabihin mo sa akin kung bakit! Kung nasasaktan kita sampalin mo ako! Sige, gantihan mo ako! Matatanggap ko lahat dahil kaibigan mo ko eh …"

"Yes kaibigan mo ko … kaibigan mo LANG ako … And that’s all I ever was to you Ned – you’re best friend. Takbuhan mo kapag may problema ka … Taga-sunod … Taga-bigay ng advice … Taga-enroll … Taga-gawa ng assignment … Taga-pagpatawa sa iyo kapag nalulungkot ka … Taga-tanggap ng kahit na ano … And I’m so stupid for making the biggest mistake of falling in love with my best friend … Dahil kahit kailan hindi mo naman ako makikita eh … Kahit kailan hindi mo ako kayang mahalin na higit pa sa isang kaibigan "


Yan ang eksena sa pelikula  nina Marvin at jolina  habang pinapanuod ko sila sa bus na sinasakyan ko papuntang PEBA sa may Greenhills.

Actually bago ang lahat, Nahirapan akong maghanap ng susuutin. Sa sobrang hirap muntik na kong pumitas ng dahon ng halaman na kagaya ng personality ko. " MAKAHIYA". shy type kasi ako. hehe. Now you know.

Maaga akong nakarating sa Greenhills. Wala pa rin yung mga makakasabay ko na sina kumagcow, pusangkalye, unnie at hartleschiq. Kaya tumambay muna ako sa mall. Ang daming Seksi! Angpupu!Yung mga legs nila parang may nakakabit na ilaw. Nakakasilaw.  Hindi pa ako kumakain pero busog  na busog na ako. Parang gusto ko ngang tumambay na duon habang buhay. Pero dahil maabait ako at  hindi ako magpapadala sa tukso. Ipinikit ko ang mata ko. at ibinulong sa sarili ang mga katagang .. .

"Oh tukso!  oh tukso layuan mo ako please......... para maghabulan tayo. hehe"


Sa wakas at nakarating narin ako sa teatrino promenade. Dun na kami nagkita kita nila mads, unnie at anton. Syempre picture picture muna. Aanuhin pa ang camera kung hindi naman gagamitin. Tapos na meet ko si johna. Nagusap kami. English. Buti na lang may lagi akong  may baon na english sa sicret pocket ng brief ko. Kaya sa kada usap namin sinasagot ko siya ng  "how about you?" . Naalala ko nga nung sinabi niya.

" were friend at facebook right?"
sinagot ko naman ng " how bout you"?

 hehe. anyway nice meeting you johna. Next time hindi na ko mauubusan. promise.

Pumasok na kami sa loob. Habang hindi pa nagsisimula ang program. Naguusap usap muna kami. Nagulat ako kasi biglang iniabot ni mads ang 500 pesos. gawin ko daw siyang hottest blogger of the year. Tinignan ko siya sa mata at umiling. Binalik ko sa kanya ang inabot na pera. at sinabing

'' Kulang pa ng 7 pesos pamasahe. Dagdagan mo pa please" hehe. (joke)


Sinimulan na ang awarding. Isa -isa tinawag ang mga nagwagi.  Sa kada pangalang nabanggit hindi ko nakalimutan pumalakpak. Isang karangalan ang mabigyan ng pagkakataon na mapanood ang isang grupo ng mga tao na may iisang layunin ang makatulungan sa mga kapamilya nating ofw. Lalo na at isa lang akong simple at hamak na kamukha ni Coco Martin. Mula simula hanggang matapos naging masaya ang programa. Napaka successfull ng event. Sa sandaling oras na nanduon ako. Ang dami kong natutunan.


Pagdating ko sa bahay maluha luha ako. Siyempre talo eh. Sayang pamasahe. Dapat pala tinanggap ko na yung pera na inaabot ni mads. hahaha. joke. Ang sarap pala  sa pakiramdam. Hindi man ako nanalo, panalo na rin ako sa sobrang saya ng experience no ito. Anyway sumali naman ako para mapakita ko ang suporta ko sa mga kapamilyang OFW. At kinagagalak kong sabihin na nagtagumpay ako. Pero sayang talga yung cellphone. hahaha.

ito nga pala ang list ng mga Nanalo click here
congrats sa lahat ng nanalo.

Siyempre kelangan magpapicture sa nanalo. Look oh? We have something in common ni father. pareho kaming mabait. ^_^ yebaaaaaahh



eto po yung mga pics. Tignan niyo po ang talent ko sa photography





ate unnie bkit ka humarang yung nasa likod mo yung kinukunan ko. wootwoowww.


ate ro anne esmileeee. hehehe.

hahaha . Kahit sa picture lang, Kahit sa picture lang maramdaman ko ang mahiwagang plato. kunyari panalo

may nagiiyakan! pero meron ding nakikisilip. hehe. sali daw siya

Fliptop battle
Midnight driver vs pusangkalye. 


kumagcow. pasensiya naman.  Hindi mo kasi ako tinuruan magfocus sa camera eh. sayang ang wacky mo

now i know kung bakit M(.)(.)D swings






yung ibang picture po pkihintay na lang sa fb. hehe.