--><--
Tunay na Dahilan
Tula ang aking kinahiligan
Wala kang dapat asahan
Hindi ko ginustong ika'y maapektuhan
Pero sana maiwasan ang kaepalan
Walang magawa sa aking buhay
Kaya siguro walang kabuhay-buhay
Mga tulang aking pinag-iisipan
Wala nga sigurong kahulugan
Hindi alam kung paano malilimbag
Walang salaping maiambag
Marapat na nga sigurong iwaksi
Para hindi na ako magsisisi
Ano nga kaya ang reaksyon mo
Pag nabasa ang walang kuwentang tula ko?
Ngunit ano pa man ang iyong sasabihin
Ito'y aking taus-pusong tatanggapin.
Nakaraang Bumabalik
Hindi ko alam kung bakit ikaw pa rin ang iniisip
Hindi ko rin alam kung ika'y hanngang panaginip
Sana'y maisakatuparan ang pangarap na ika'y makapiling
Maraming nais gawin, pero ito ito ang tanging hiling
Ako'y nagtataka kung bakit ikaw pa rin
Ang gusto ng puso na dapat daw mahalin
GAyong alam ko namang may iba kang sinusuyo
At ikaw ay masayang kasama ang kalaguyo
Wala akong karapatan para masaktan
At ang nadaramang lungkot ay pinagtatakpan
Sa likod ng aking ngiti ay di laging ligaya
Minsa'y para ang lungkot ay aking mapalaya.
Oh,___ aking pinapangarap
BAkit ika'y nakikita hanggang alapaap
KAligayahan ay walang hanggan
Kung pag-ibig mo'y aking makakamtan.
Malayo sa KAtotohanan
Ilang buwan din ang nakaraan
Nang maging daan
Ang naisulat na tula
Para maipahayag ang nadarama
Sa isang binatang nagngangalang ____.
Na aking hinahangaan o baka nama'y iniibig.
Hindi alam ng aking kawawang puso
Kung bakit ba patuloy na nagpapatukso
Sa isang lalaking may ibang sinusuyo
At ngayo'y sila na ng kanyang kalaguyo
Ako'y naghihintay na ikaw ay makasama
Gayong alam ko naman na ito'y walang pag-asa.
Siguro nga ito na ang panahon
Para aking tuluyang makalimutan
Ang pag-ibig na aking natutuhan.
Ngunit ba't ba parang may pumipigil
Sa aking kalooban na ito'y itigil
At dapat pa din daw ipagpatuloy ang pag-ibig.
SAna iyong ipagpatawad
Ang pagtatapat na inilahad
Pinapangakong ito'y panghabang-buhay
Ngunit wag mong ipagkait ang tunay
AT tapat na kaisipang iyong isinasaisip
Habang binabasa ang pagtatapat na nasa isip.
Rejection
SA bawat pagdaloy ng aking dugo,
Hindi ko maintindihan ang kirot sa aking puso
LAbis ang lungkot na aking nadarama
Sana ito'y hindi isang karma.
Bakit unti-unting nawala ang mga sinisinta
Tinalikuran nila ang aking pagsinta
Sana di dumating ang panahong ako'y pagod na
At ako'y handang sila'y talikuran na.
Siguro ako ay nagkulang
KAya walang nagtagal man lang
Kung meron man, hindi ganoong kasaya
At katotoo ang kanilang pagsinta
Aking naiisip na bawat pangyayari'y may dahilan
Kung bakit ako na lang ang naiwan
Sila rin kaya ay nasaktan?
Sana'y di sinasadya ang paglisan.
Trez
Isang lalaki ang aking iniibig
PAgmamahal ang hinihimig
Nang puso kong sawi
Kalungkutan ba'y iyong mapapawi?
Hindi alam kung ano ang dahilan
Kung bakit pag-ibig ko'y nakamtan
Ako'y bihag ng kalungkutang iniiyakan
Ikaw ba'y magpapalaya sa masaklap na bilangguan?
Oh aking mahal, wag mo akong lolokohin
Hindi alam kung paano muling bubuhayin
Kapag namatay muli ang sarili
Dahil ikaw ang aking pinili.
Sana'y pag-ibig mo'y tapat
Para pagsasamahan nati'y maluwat
Maniwala kang ikaw lang ang sinisinta
Ng isang babaeng may tunay na pagsinta.
Hungry Tummy
Tied_
3:48 AM
++++++++
--><--
Ang bawat tao ay may kanya-kanyang paraan ng pamumuhay sa mundong kanilang kinagagalawan.... ako ay isa sa mga taong may mga pangyayari sa buhay na maaaring mag-udyok sa akin na mamatay...
hindi ko sinasabing ako ay magpapakamatay, pero kung ang mga tao sa aking paligid ay ang mismong mag-uudyok, baka ganun na nga ang mangyari...
hindi ko alam kung ano ang dapat gawin para aking maipakita na ako ay masaya sa pagkakaroon ng buhay sa mundong ito... ito ay aking ipinost para sa aking sarili, hindi para sa iyo, aking mambabasa...
nais kong ilabas ang kirot na aking nararamdaman sa bawat pangyayari na nagaganap sa aking buhay...
Hungry Tummy
Tied_
5:28 AM
++++++++
--><--
HHHaaaaYYYY!!!! naku!!!ang sakit pla...hindi ko matanggapsana hindi na lng natutunan ng puso na umibig...sana sa mga araw na ako'y malngkotmay mga taong nais akong pasayahin..bad trip ako ngaun kasi may mga ala-alang pilitbumabalik sa aking isipan..lalong nagdurugo ang pusong nagdurusa...hhhaaayyyy!!!!Buhay!!!!
Hungry Tummy
Tied_
4:48 AM
++++++++
--><--
Ei!!kaasar naman tlaga... ndi koh alam kung bkit nlng plagi gnun...kainis!!!!bkit ba ang manhid mo??wala kang paki alam saken...ndi mo nga me makausap pag magkasama tayo o kaya nakita mo ako..ndi ko alam kung ano ang dapat gawin...mali ba ang ginawa ko???mali ba na mahalin ka??katangahan ba un??hindi naman di ba??bakit ayaw mo ko kausapin??ndi ko naman magawang magalit, di ko alm kung bkit...balewala na ba ako sayo??sana malaman mo na andito lang ako naghihintay na mapansin mo..
Hungry Tummy
Tied_
5:03 AM
++++++++
--><--
MASAMA BA????
tanong ko lang... masama ba magkaroon ng crush???
bat ganun.... nahihiya ako... waaaahhhhh.....!!!!!!!!!!! (T_T) Feeling ko mali yun....
anu gagawin ko???
Hungry Tummy
Tied_
3:27 AM
++++++++
--><--
PART I
Ano ba itong salitang 'to?
O baka naman dapat na itanong kung sino ito?
Pilit kong hinahanap sa diksyunaryo ang mahiwagang salita
Ngunit sa haba ng panahon di pa rin mahagilap.
Dapat na bang sumuko o dapat pa bang ipagpatuloy?
Ito ang nagbibigay buhay sa aking puso
Ito ang naglalagay ngiti sa aking mukha
Ito ang nagdadala ng lakas sa akin
Ito rin ang dahilan kung ba't di ako sumusuko
Ito ang nagbibigay inspirasyon sa lahat ng aking ginagawa
Ngunit ang lahat ng mga ito ay naglaho na parang bula.
Sana pagdating ng panahon mahanap ko ang din ang kasagutan
Sa mga tanong na pumupukaw sa isipan.
Sana malaman ko na ito o kaya,
Sana makilala ko na kung sino ito.
MAkakatulong kaya kung malaman ko na?
Makakatulong kaya kung makikilala ko na siya?
O baka naman madagdagan pa ang problema
Pag natuklasan ang misteryong bumabalot sa’yo.
Hindi ko alam kung paano tatapusin ang aking tula
Kaya ako’y maghihintay na lang na matagpuan ka.
Sana sa ating pagkikita,
Maging gabay ka sa paghubog ng aking tula.
PART II
Mahabang panahon na din ang nakalilipas
Inaasahang meron ng malalaman
MAtagal ko nang nais matagpuan
At dumating na nga ang inaasahan.
Ika'y natagpuan, di ka pala ano,
Ikakaw pala ay sino
Nais kang makilala
Sana ikaw ay magpakilala
Para matuloy na ang aking nais
Na ikaw ay makasama.
Ako nga pala ang iyong tagahanga
At ikaw ang aking inspirasyon sa buhay
Ikaw ang dahilan ng lahat
Ikaw ang dahilan kung bakit ako naging matiyaga
Naging matiyaga ako sa paghahanap sa'yo.
Wag mo sanang biguin ang aking mga pangarap
Wag mo sanang iligaw sa landas
Ang mga pangarap ko sa una kong tula
Sana ngayong nakita ka na matupad na ang mga inaasahan.
PART III
Sa haba ng panahong aking hinintay
Salamat at natagpuan ka
Tunay ngang ikaw ang dahilan ng lahat
Tunay ngang ikaw ay walang katulad.
Ako ay nagpapasalamat dahil di ka madaling hanapin sa diksyunaryo
Kung madali sana ay natagpuan ka na ng iba.
Mabuti na lang ako ay nagkaroon ng tiyaga na hanapin ka
Mabuti naman at nahintay ko ang panahon na makita ka.
Simula sa ating pagkikita
Nandito pa rin sa mukha ang ngiti na iyong dinala
Nabuhayan muli ang pusong namatay
Ikaw talaga ang inspirasyon sa aking buhay
NAkatulong ng malaki ang ating pagkikita
Ngunit di ko inaasahan na magkakaroon ng problema.
PART IV
Iyong napawi ang lumbay sa aking kawawang puso
Iyong nilagyan ng sigla ang malungkot na mukha
Iyong iminulat ang mga matang natutulog
LAbis na kaligayahan ang iyong dinala
At ako naman ay labis na natuwa at ito'y tinanggap.
Akala ko wala nang problema
Ngunit ako pala ay mali
May mga bagay na di pala talaga dapat sa atin
Dapat mo na ring bitiwan
At aking naisip na kailangan ko nang lumayo
Marahil isinulat ko ito hidi para sa'yo kundi para sa akin
Sana di nalang nadatnan ng aking mga mata ang iyong mga isinulat
Sana di na lang nakita ang kaligayahan mo sa piling ng iba
Sana di na lang sineryoso ang pag-ibig na nangibabaw
Sana, sana, sana...
Kung alam ko lang na ako'y masasaktan
At ikamamatay ng pusong nagdurusa.
Sa kabila nito, ako pa rin ay nagpapasalamat dahil natagpuan ka
Ako ay natauhan sa panaginip na nangyari
Hindi pala lahat ng inaakala mo ay manyayari
Ito rin pala'y maaaring mabawi.
Tama nga ang Eraserheads,
Maari kang mamatay sa maling akala
Inulit pa ng Brownman Revival para ipaalala sa akin.
Ngunit nandito pa rin ako at naghihintay sa tamang panahon.
Umaasang muling mabubuhay at tatayo sa aking huling hantungan
Hungry Tummy
Tied_
4:11 AM
++++++++
--><--
OUCH!!!
Marahil sinulat ko ito hindi para sa'yo kundi para sa aking sarili...Siguro hindi ko lang tanggap ang kirot sa puso na aking nadama sa aking nakikita... marahil dapat ko ng itigil ang ilusyong nasa isipan at ang nais na makasama ka... Sana di na lang nadatnan ng aking mga mata ang iyong isinulat... sana hindi na lang natanaw ang kaligayahan mo kasama ang iba... sana di na lang nasilayan ang kaguwapuhang iyong taglay... sana hindi nalang nangyari ang pag-ibig na aking nadarama... sana di ko pinansin ang aking pagtingin at paghanga sa'yo kung alam ko lang na ako'y magdudusa at ikamamatay ng kawawang puso... :''#
Hungry Tummy
Tied_
3:11 AM
++++++++