HELLO
Hi, Welcome.
Welcome sa blog ko! Kahit medyo boring itong blog ko, sana maenjoy nyo pa rin basahin mga post ko :]Be an angel and not devil. Kung ayaw nyo naman magpakatao, click nyo na lang toh: X
what the... ilang days na ako di nakakapagpost T^T aaminin ko na tinatamad ako magpost at isa pa, may game akong pinagkakaabalahan. kayo jan kung di nyo pa alam yung tinierme; laro yun interactive online lang sya di na kailangan idownload. magcrecreate ka ng character mo tapos pwede ka makipagchat and makipag friends. pwede ka din makipag trade and etc. masaya yung laro na yun kaya nga parang naaadik ako. eto click nyo yung link; Tinierme.com .At tsaka paki add nga pala ako, Kyoumi yung username nung isa kong account tapos yung pangalawa PRiNCESS AYONO. yun lang sana iadd nyo ako. :) just dropped by para kamustahin kayong lahat. fortunately, madami akong friends sa tinierme kaya nga sobrang nag eenjoy ako dun eh. join na din kayo, makikita nyo ako palaging online kung saan saang chat room ng pinoy. lol. :D heheheh. yun lang muna sa ngayon. next time i'll give you a snapshot ng character ko sa tinierme and some happy moments ko sa tm. awkei.
mgandang hapon. :) puyat ako ngayon hahaha. kagabi, ay mali, kaninang madaling araw pala, nakikipagchat ako sa classmate ko si ArKelly tsaka sa best friend kong si Vienne. grabe ang tagal kong naka-OL sa fb, kung hindi lang talaga naghang itong epalugz na laptop, edi sana di pa ako natulog. xD hahaha. natulog ako mga bandang 3:00am or 4:00am[tulog pa ba yung ng teenager?] ..haii naku, ang tigas nga ng ulo ko grabe, pinapatulog na ako ni mama pero di pa rin talaga ako natulog tsaka pag papasok sya sa kwarto, clinoclose ko lang yung laptop tapos yuyuko ako[para kunyari akala nya tulog na ako x] ang sama ko. hmm kaya siguro minsan parang nahihilo ako tapos nagdidilim pa sight ko. :( minsan nga di ko na lang sinasabi kay mama kasi pag sinabi ko, papagalitan nya lang ako, sasabihin nya lang na matulog ako tuwing tanghali, eh yun ang pinaka ayaw kong gawain, feeling ko kasi nauubos yung oras ko at parang bumibilis ang araw pag natutulog ako, isa pa, pag natutulog ako ng tanghali, gabi na ako nagigising. badtrip. xD .
[tarush.!] sorii po late na nakapag post heheh. i tried my best para makapagpost :] imbis na manuod na lang ako ng diva, eto ngayon nagpopost ako.. tsaka eto nga pala, i've brought some good news, may router na kami xD ayyiee.. sa wakas masosolo ko na din itong laptop. [nyahaha] tsaka may ishe-share lang pala akong mga pics pics, kaetchozan lang. proof lang yun para makita nyo naman yung mga dahilan kung bakit kahapon konti lang yung post ko at kung bakit ngayon ay late na ako nagpost :D
Yesterday
umalis kami ni Mama sa bahay ng 1:00pm tapos bumiyahe kami ng pagkatagal-tagal, bumaba kami sa unahan ng Coastal Mall tapos pumunta kami sa Plaza Fair, kumain kami sa KFC, may pics pa nga ako eh :]
oh diba... ayan yung balot nung kfc rice tsaka umepal lang yung lipgloss ko ;]
ito naman wala lang kaetchozan lang, lumabas kasi si mama sa kfc sandali, ayun wala akong magawa, nagpicture picture konti.. feeling ko ang cute ng nails ko pag mahaba
Favorite pic of yesterday! :) i luv it. lipgloss and maxx candy, ininvert ko lang sya sa editor. ankyut talaga!! =3 hihi..
nag ikot-ikot konti, binilhan pa nga ako ni mama ng maliit na grey blazer x3 hihi ang cute, P100.00 lang. then dumiretso na kami sa Going Straight salon, nagpa-hot oil kami ni mama tapos dumating sa salon si Ate Nadia[friend ni mama]. Nagchikahan sila ng ilang minuto kasi basa pa yung nail polish ni mama, nung natuyo na, umalis na kami, pumunta kami sa J.Victor tpus nakipagkita sa mama kila Ate Lani tsaka Ate Angel[friends nya ulet] tapos naglwentuhan ng matagal-tagal. Ako naman, sinuswerte buti may unlicall pa ako kaya nakipagchikahan din kila Rosanne, Regine at Denise[mga ka-etchozera ko] tapos nun nagpasundo na si mama sa driver namin, hinatid kami sa Naia Airport,, naghintay kami ng matagal dun, yun pala dumating na yung susunduin namin, wala pala sya dun sa airport na yun, nasa terminal 2 pala sya xD ahhahaah. edi nagpasundo kami kay manong, ayun nahagilap na namin yung isa dun sa terminal 2, bumiyahe na pauwi, nagdrive-thru sa mcdo para umorder ng 2 big-mac at 5 cheese burger. [yung isang big mac sa akin yun ha. pero gutom pa rin ako pagdating sa bahay.] tapos pagdating naman sa bahay kumain pa ako ng Mango float, ayun lastly natulog ;] datz ol!
Today:
today is da day. nyahaha. ayun, ang daming ring nangyari. pagkagising na pagkagising ko, binabaha ako ng pawis ko. grabe ang init sa kwarto ko,, di ko na natiis edi bumaba na ako. ayun, nag-agahan, nuod tv, naligo, kumain ng lunch tapos nagready na kasi pupunta kami ng SM Dasma. pagdating sa sm, nag-quantum kami ni bb[lil sis]. P100.00 sakin, P50.00 kay bb xD hahaha. ayun, di naman masyadong enjoy, boring actually.. wala naman mga dabarkads dun. hmphh. tapos maglaro, nakita na namin sila mama then nag grocery na, bumili na ako ng sabon at ng cream ko sa fez. ayun, nag antay kami kay manong dun sa may taxi lane tapos diretso umuwi na. pagkauwi, nagluto kami ng Lemon Chicken tsaka Chopsuey[ako nagluto nyan. ang sarap sayang di nyo natikman! special chopsuey w/ quail eggs, kikyam at squidball. nummy!] pagkatapos lumaphung, pahinga konti taz ayun inassemble yung router tapos etoh na nagpopost na sa blog. kabam. ang daming nangyari nohh? etohh nga pala may pic ako ng mga pinagbibili namin sa supermarket;
ang bigat kaya nyan. ang dami kainis, ako pa pinagtulak ng cart, pang ilang buwan na kaya yan?
yan lang ;]
how are you na guys? sorry kung di ako nakakapagpost, busy lang talaga sa panunuod ng anime.. na naman sa panibagong anime: Kaze no Stigma eheheh.. panuorin nyo, ang ganda nakaka inlove :D hahaha. bagay na bagay sila Ayono at Kazuma. great anime. please watch, action romance.
inabot ako ng 2 years sa paghahanap ng bagong layout! at 10 years sa pag aayos ng 'More About me' ko xD bago na sya in fairness i like it na! tsaka about sa bagong layout, im in luv with it. kung di nyo type bahala kayo. basta ako gusto ko yung bagong layout kasi adik ako ngayon sa retro.
para naman sa mga
minamahal kong kalink exchange;
kamusta naman kayo? di na yata kayo nagpaparamdam huh..well good luck sa ating mga blog.
arr.. may mga bisita kami ngayon.. at ang dami nila, siguro mga 5 sila [oo madami na yun para sakin!]. .. tatlong babae, dalawang lalaki. lol. ano ba yang bahay namin dinagsa na ng tao. pero okei rin naman paminsan minsan pag may bisita kasi may benefits din naman. una sa lahat; busy si mama sa pag eentertain ng mga bisita kaya di nya kami pinapansin kung ano mang kabulastugan ang gawin namin, pangalawa; pag may hiningi kami kay mama, halos ibibigay nya yun ebrithing basta meron sya nun, kagay nang kapag gusto ko magpaload, bibigyan nya ako ng pera pampaload. hahah. pangatlo; nagkakaroon ako ng madaming time at walang palya sa pagcocomp kasi di nya ako inuutusan ng inuutusan[tamad ako oo sobra!], pang-apat; di ako naboboring sa bahay at hindi ako nabibingi sa katahimikan ng aming lugar. lol. at last but not the least, pang-lima; ang sasarap ng ulam namin x3 kasi, tuwing may bisita kami, para kami diutong may birthday party, nagluluto sila ng machacharap na pagkain. yummeh! ang takaw ko nga sa mangga eh, nagdala kasi sila visitors ng isang malaking supot ng manggang kalabaw. aw asim!
Hanep! 2 days akong hindi nagpost! grabe na ang katamaran ko... nitong mga nakaraang araw, naiisip ko na wala namang gaanong interesadong magagawa sa net.. halos lahat ng gusto kong matutunan, natutunan ko naman na, lahat ng gusto kong magawa sa web nagawa ko na.. ano pa bang pwede kong gawin na sa tingin nyo ay di ko pa nagagawa? eto yung mga bagay na nagawa ko na sa tagal ko nang nagnenet surfing: friendster, facebook, games, webdesign, blogging, pic editing, download ng songs and pics, search for something na hindi naman mahalaga, chat chat with friends, watch animes.....