We visited the Hundred Islands in Pangasinan and saw how one island became the natural habitat of bats.
The boatmen encouraged us to make a little noise to see how many bats are there. You could see them flying about.
Isang paboritong litrato ko ay ang pagkukunwari ng mga anak ko ;) Kunyari e marunong na sila magbasa. Seryus na seryus kamo. Pansinin kung anong libro ang hawak nila. Paborito nilang libro talaga ang mga yan. Paulit ulit. Saulo na nga nila kaya kunyari marunong na silang magbasa talaga.
I love this photo of the kids. As if they really know how to read those Tagalog books; but since those books are their favorities, they could tell the stories by memory.
Kapag hindi na masyadong malamig dito sa Alemanya, ang paboritong gawin ng mga bata ay tumambay sa aming balkon at dun pagalawin ang kanilang imahinasyon sa pamamagitan ng pagpipinta.
At para maiwasan na madumihan ang kanilang mga damit, gamit nila ang lumang polo ng kanilang tatay. Binaligtad namin ang polo na ito para hindi sila madumihan at para makagalaw silang mabuti.
The girls love to paint and to avoid their clothes being soiled, I gave them their papa's old polo shirts; they wore them with the wrong front side to give them more freedom of movement.
Eto ang aking bulaklak na pinaghalong orchids at rosas na yakap yakap ko nung ikinasal ako dito sa Alemanya nuong 2001. Ngayon ay 2009 na. Pero kita nyo naman, parang fresh na fresh pa rin sya. Wala akong ginawa dyan. Basta nilagay ko lang sya dyan sa paso na iyan at ginawang dekorasyon.
This is my wedding bouquet which is a mixture of roses and orchids. It's been almost eight years since but the flowers still look so fresh.
Ito ang aking mahal na Levi's Blue Jeans. Nag-ipon ako ng aking allowance sa kolehiyo para lang mabili ko sya sa SM North EDSA nung 1988. Sa tumataginting na 888 pesos na presyo niya ay pikit mata ko syang binili. Kasi luho talaga sya sa aking paningin.
I love this Levi's Blue Jeans. I saved my allowance in college so I could buy this pair which costed 888 pesos. A lot of money during those time, thus, this jeans is a luxury for me.
Matagal na rin kaming magkasama, kahit na saang sulok ng mundo na ako nakalakwatsa. Halata naman sa itsura nya di ba? Huling nagkasya sya sa akin nung 2007 pa. Kahit na may dalawang anak na ako :D Nitong nakaraang araw e sinubukan ko ulit sya isuot. Alam nyo kung ano ang sabi nya? Oras na daw para ako mag-diet at mag exercise :D
The jeans and I have a long history. The last time I wore it was in 2007, and I already gave birth to my girls at that time. The jeans is telling me to diet last week, it simply wont zip anymore :D