Thursday, October 13, 2016

Cake2Go Hershey's Reese's Tiramisu


It's my daughter's birthday and gusto namin mag try ng ibang cake other than the usual na Goldilocks and RedRibbon. Madalas namin madaan tong Cake2Go sa may Katipunan, maliit lang sya kaya nag aalangan ako i-try o mag COntis or Bannaple nalang kami. Sabi ni Fluffy try namin para matigil nadin curiosity naming dalawa.

Pagpasok namin wala silang masyadong display na cake, siguro dahil October at maraming my birthday kaya nagkakaubusan ng cakes...? Sinama namin si Lil one at sya pinapili namin ng gusto nyang cake. Pinili nya yung Hershey's Reese's Tiramisu Php720 yun lang naman kase ang chocolate cake na display nila. Yun nga lang iniisip namin coffee ang Tiramisu bawal pa sa kanya. We asked the cashier lady kung matapang ba yun taste ng coffee and she assured us na mas maraming peanut kesa coffee. Kinuha nya yung display without telling us na yun nalang ang last piece and yun ang ibibigay nya. Nung napansin ko, tinanong ko kung wala na bang ibang stock.. wala na daw. Tinanong ko si Fluffy, ano kunin na natin or punta tayo Contis. Dun nalang daw kami tutal andun na kunin nalang namin yun cake. I ask kung my free candle, 2 pesos daw isa. Napaisip tuloy ako sa RedRibbon, Goldilocks and Contis my free candle sa kanila 2piso isa. Kumuha nadin ako ng 3 kandila, ayoko na maghanap pa sobrang traffic sa labas. Naisip ko tuloy, naku dapat masarap ka kundi hindi kita babalikan.

Verdict: Buti nalang nagustuhan ng mga kasama ko. Hindi sya nakakasawa, tamang tama lang yun tamis. Yun cake nya lasang Black Forest ng RedRibbon. Yung peanut na sinasabi nun lady cashier, yun Reese's lang sa ibabaw yung lasang peanut. Kahit ganun pa man, simot yung lalagyan.. ubos!

Kung babalik ako... siguro.. baka.. kung marami na silang display na cake.


Thursday, January 28, 2016

La Lola Churros



Ang tao, nag iiba ang pananaw sa buhay habang tumatanda.. nagiging kuripot! (or ako lang yon). Hindi ako inggitera pero sino bang hindi macucurious kapag madalas ka makakita ng pagkain sa Facebook diba?! Unang papasok sa isipan mo, "Ano kaya lasa nito?!". So para matigil na, si Fluffy nilibre kami ng La Lola sa Eastwood.

We ordered 6pcs Churros Clasicos with Chocolate dip and 6 pcs ChocoChurros (Churros dipped with Dark Chocolate). Nakalimutan ko ang price parang nasa Php400+ ata.. mahal noh?! hahaha again, mahal na para sa isang kuripot na tulad ko ang ganyang halaga. Kung nung dalaga ko, kiber kiber lang sa price, ngayon kelangan ayusin ng mabuti ang pagba-budget. Una naming tinikman ang ChocoChurros, hindi ko nagustuhan, makunat at dugyot sa kamay. Try nyo nalang kung nacucurious din kayo baka magustuhan nyo, iba iba naman kase taste nating lahat. Ang Churros Classic naman, sobrang malinamnam, crunchy sa unang kagat then soft sa loob ng bibig. Hindi naman ako nag sisi na sana pala puro Classic nalang inorder namin kase baka hindi rin ako tumigil kakasabi kay Fluffy na "ano kaya lasa nung ChocoChurros" hahaha.

Sa mga hindi pa nakaka try kung meron man na late bloomer tulad ko, mas masarap yung Churros Classic, yung bagong hango sa lutuan.