Wednesday, December 19, 2012

Mr. Choi Kitchen


Maraming beses akong nagcelebrate ng birthday dito sa Mr. Choi Kitchen dahil malaki yung puwesto nila sa Robinson's Manila. Eto lagi kong napipili dahil maraming kumakain so ibig sabihin marasap ang pagkain. Last na punta ko sa Mr. Choi Kitchen sa Manila, lumiit na yung puwesto and iilan nalang ang kumakain.


This time hindi to birthday celebration, date date-an lang namin ni Fluffy, nakakalungkot lunch time pero walang kumakain. Not sure kung hindi lang talaga sila mabenta sa Robinson's Galeria unlike sa Manila maraming tao kapag lunch time.

Tipikal lang inorder namin, Beef with Brocolli, Fish Fillet with sweet and sour sauce and Yangchow fried Rice. Medyo disappointed lang ako sa Yangchow pero the rest ng order namin as usual masarap. Yung Yangchow na naaalala ko eh good for 2 - 3 person pero yun sinerve samin ewan ko pero for me ang onti lang nya. Pero hindi na kami nagtanong kung bakit konti lang dahil ayoko masira date namin.





Hindi ko nakuhanan ng picture yung resibo nagmamadali na kaming umuwi ni Fluffy.

Wednesday, December 12, 2012

Renovation: Tiles

Nagsisimula na kaming lumibot libot sa mga stores and Depot para mag canvass ng mga gagamitin sa renovation ng condo. Malapit na kaseng iturn-over samin ang nabili naming unit sa Escalades Cubao. Maraming nakabasa at maraming nagcomment sa blog entry kong yun. Karamihan mga magiging kapitbahay ko na nakabili rin ng unit sa Escalades.

Hindi ito ang unang beses na magpaparenovate ako. Unang renovation ay yung bahay namin sa Manila. Karamihan ng mga ginamit sa bahay, binili sa Soler at Alonzo sa Recto. Tiles na binili namin para sa banyo at labahan ay Eurotiles na Estelle Beige. Cute din sana yun Estelle Pink yun nga lang ang theme na napili namin ng mom ko eh Beige and Cream.


Karamihan ng dealer ng Eurotiles ay nasa Soler kaya bihira lang makakita nito sa ibang lugar tulad sa mga Depot at lalo na sa mga Floor and Tile Center. Kadalasang nakikita sa Depot ay Mariwasa and Lepanto. Floor and Tile Center naman ay puro mga China and Malaysia made. Gusto ko din ang Mariwasa and Lepanto na Philippine made yun nga lang bihira ang Beige sa kanila. Matibay kase ang Philippine made at syempre tangkilikin ang sariling atin. Eurotiles and sabi is Philippine made din daw at ang plantation ay sa Cavite. Pero not sure kung totoo kase kapag nagtatanong ako sa mga Depot paiba iba sinasabi nila unlike Mariwasa and Lepanto, sure na sure na isa lang ang binabanggit nila.

This time naghahanap pa kami ng magugustuhan naming design kaya hindi pa sure kung anong tiles ang kukuhanin namin. Maraming nagsasuggest ng Lepanto, we'll see kung dun kami mag end up. Balitaan ko nalang kayo sa susunod na entry ko.

Friday, December 7, 2012

Zark's JAWBREAKER Burger




Matagal ng nababalita tong sikat na sikat na Zark's Burger. Matagal ko naring naririnig Jawbreaker. Wala lang pagkakataong makapasyal sa Taft, malayo layo sa opisina. Si Fluffy idol si Adam Richman ng Man VS. Food. Sabi ko sa kanya, don't you dare na gayahin si Adam, wala kaming excercise at ayokong mabyuda.

Biglang napag usapan ang TombStone, ang two pound cheeseburger at ang Jawbreaker. Yung mga ka opisina ko gustong sumali sa Jawbreaker challenge. Kung ako kakain sa Zark's hindi ako sasali sa kahit na anong challenge, kahit si Fluffy hindi ko pasasalihin.
Iba padin syempre yung na-nanamnam mo yung kinakain diba hindi yung lunok lang ng lunok. Sabi ko tutal may extra naman kaming pera, kaya pa ng budget na kumain at dumayo sa Zark's.

Kung mang gagaling kami sa bahay, malapit lang ang La Salle Taft mga 30 - 45 mins lang kasama na ang traffic. Dahil galing opisina, dadayuhin at gugugol ng mahigit isang oras na byahe.

Sobrang mausok sa Taft, parang sinagap ko ata lahat ng usok ng tambutso ng mga sasakyan. Pagdating sa La Salle, biglang sumama ang pakiramdam. Walang humpay na ubo, as in malutong na ubo na parang luluwa ang lalamunan ko. Pero syempre hindi ako papayag na sirain ng ubo ang planong makakain ng Jawbreaker.


Inorder namin isang Onion Dawg at dalawang Jawbreaker Burger, yung isan dine in yung isa to go.

Onion Dawg -  Deep fried hotdog with caramelized onion on top P70

Jawbreaker - Triple cheeseburger with spam, bacon and overflowing cheese sauce on top. If you finish this in 5 minutes, it's free P250.

Meron silang wall of fame sa harap at sa gilid. Maraming sumasali sa Jawbreaker challenge at maraming nagwagi. Pero sa Tombstone, iilan palang ang sumasali at nananalo. Eh pano ba naman ang sabi nila It Might Kill You on the spot!



Si Fluffy kumain ng Onion Dawg na may kasamang fries. Jawbreaker ang akin, pero wala pa sa kalahati super duper busog na ko.

Ayan pinagtulungan pa namin ni Fluffy ang Jawbreaker pero food won the battle. Hindi na kinaya ng powers na ubusin lahat. Sobrang bigat sa tyan promise. Saludo ko sa mga sumasali sa challenge na kaya nilang ubusin yan within 5 minutes.


Dalawang Jawbreaker inorder namin, take out yun isa jan



Sunday, December 2, 2012

Blog Deletion Warning!

Hindi ko na maalala kung kelan ako huling nagpost. Nakareceive ng Blog Deletion Warning!

The blog is already


suspended for inactivity and is running the quarantine period, after which

it will be deleted. After deletion, it will not be possible to retrieve

their information. You may prevent this by writing a new post on your blog.

Kaya eto create kagad ng entry para hindi madelete ang pinaka mamahal kong blog. Tagal ko na palang hiatus. Babalik ako promise! Wag nyong idedelete blog ko.. :( huhuhu