Siguro naman naaalala nyo si pachuchay, ang aking pinakamamahal na D40. Nag 2 years na nga pala sya nung March. Wala akong gift kay pachuchay pero si fluffy meron. Bumili sya ng tripod na pinangalanan naming trayton. Ang sabi nga ni Chyng, tripod is a couple's bestfriend kapag dalawa lang kyong naglalakwatsa at para hindi na kung saan saan pinapatong ang camera.
Nung my trayton na kami, parang meron padin kulang. After namin ma-set up si trayton at si pachuchay, kelangan pa namin magtimer, tumakbo at pumose.. medyo nakakapagod at halata sa mga pictures na nagkukumahog ang nagset ng timer. Naisipan namin ang remote para hindi na kami takbo ng takbo.
Kanina isang text lang kay brotherdear, after 2 hours hinatid sa bahay ang remote ni pachuchay. Hanggang tenga ang ngiti ni fluffy, ansarap pagmasdan. Yun nga lang pinuyat nya ko kakasample nya ng picture, kahit nakapikit nako, sige padin sa kaka try sa remote. But nwei, okay lang kahit puyat basta masaya kami dahil hindi na nagiisa si pachuchay. Meron na syang trayton at meron na syang remote pero hindi ko alam kung ano ipapangalan ko kay remote. hayz.. bahala na..
sa susunod ang plano naman ni fluffy, bumili ng prime lense. naaadik na ata si fluffy kay pachuchay. buti naman at nagkakasundo sila at nagkagaangan ng loob.