Showing posts with label Oh pag-ibig nga naman. Show all posts
Showing posts with label Oh pag-ibig nga naman. Show all posts

Dear No One

Magkikita at magkikita parin tayo. 
Kahit anong mangyari..
Kahit anong takas natin sa isa’t isa sa bawat pagkakataon.

Dahil kung tayo talaga ang nakalaan,
tayo talaga. 
Nabuhay ako para sa'yo.
Nabuhay ka para sa sakin. 
Tapos.

I will love you to the stars and back

Falling and feeling.
Faith and fate.
Love and loss..


Major tanong: Kung imposible rin naman, magmamahal ka pa ba? 



Ako? Oo. Kasi pag mahal ko, mahal ko. Kahit pa hindi niya ko mahal o kayang mahalin. Hindi naman kasi napipigilan ang magmahal. Pero sa totoo lang nkkpagod na rin. Yun maghintay na matagpuan ako ng tunay na magmmahal, yun pipiliin magstay kahit anong mangyari at yun hindi ako biglang iiwan sa ere at hahanap ng iba. E bakit ba umaasa talaga ako sa pagmamahal na ke magkasama o magkalayo, hindi nawawala, nababawasan at kailanman hindi mapapalitan ninuman yun pag-ibig na yun. Kasi totoo. Genuine. Hindi peke. Hindi pretentious. Naisip ko tuloy kailangan ko rin bang hanapin ang dulo ng mundo at magpa-abduct sa aliens para maging posible na makahanap ng makakasama? Ng magmamahal?


Bottomline, ang tanging pag-asa na binigay ng movie na to is, oo walang sigurado, pero minsan kailangan mo lang maniwala, na ang minsang imposible ay magiging posible sa takdang panahon. May magmamahal din sayo. May makakaappreciate. May magpapahalaga. At higit sa lahat, that person will truly love you to the stars and back.


Tiwala lang.

Till My Heartaches End

May mga pagkakataong dumarating
Hindi maiwasan mangilid ang luha
Sumasagi sa isip ang nakaraang lumipas
Kinukurot ang sugat ng pusong hindi pa rin naghihilom
Hindi malimutan kung paano ipinagtabuyan
Hindi matanggap kung bakit tinapon ang lahat
Ni wala man lamang katiting na panghihinayang

Saan nagkamali?
Saan nagkulang?
Anong nagawa para tuluyang magbago
Anong hindi naibigay para tuluyang lumisan
Ang pangakong walang hanggan
Unti unting nalusaw

Bakit iniwan?
Bakit pinagpalit?
Mga katanungang naghahanap ng kasagutan
Mga kasagutang mas mabuting huwag na lamang matuklasan
Ang pag-iibigang wagas
Dagling nagwakas

Kung may pagkakataon rin lang na darating
Nais humukay ng malalim sa dakong kalayuan
Upang tuluyang maibaon sa limot
Ang pagmamahal na tanging inilaan
Ang mga pangarap na muntik ng makamtan


Ang mga masasayang alaala na lubhang
nasayang lang.



also shared HeSaidSheSaidPH



Does Mr. Stick-To-One really exist?

"Ako: Ate pabili po nang kape.
Tindera: Yung 3 in 1?
Ako: Hindi po, yung stick to one."


Meron pa kaya?


Sobrang gasgas na yung peymus qoute na “Once a cheater, always a cheater.” dahil sa dami ng nagkalat na manloloko sa mundo. Pero sa kabila ng pagkamuhi ko sa walang pakundangang kataksilan nila, naniniwala pa rin ako sa kabutihan ng bawat tao.


Nagkataon lang siguro na naging hobby na nila ang maging selfish at umastang gwapo na pinag-aagawan at iniiyakan ng mga babae. Siguro ang nasa isip nila lahat madaling palitan kaya madali sa kanila ang mang-iwan.  Maaari ring takot silang mag-isa kaya kahit walang love, ayos lang basta may benefit sa isa't isa. Tapos papalitan na lang pag nagsawa na. Yung ilan sa kanila, siguro hindi pa lang talaga nila nahahanap yung katapat nila, yung bang magtuturo sa kanila na makuntento sa isa. At yung iba naman, marahil gago lang talaga.


Lahat naman kasi may kakayahan magbago. Kung gugustuhin nila talaga na magseryoso. Kung matututo talaga sila sa mga pagkakamali nila at sisikaping magtino na for good. Lahat ng manloloko darating sa puntong mapapagod na magpapalit-palit ng karelasyon, magsasawa na sa labis na pagiging makasarili at hahanap rin ng pag-ibig na totoo at magtatagal.
Pana-panahon lang siguro. Pero sana wag din naman nilang hintayin na dumating yung time na wala ng kayang maniwala at magtiwala sa kanila.


Yun totoo, akala ko natagpuan ko na yung Mr. Stick-to-One ko pero nalinlang lang pala ako. Alam kong hindi madali ang umiwas sa temptasyon kaya sobrang hanga ako sa mga lalaking nananatiling faithful at mapagmahal sa partner nila.  Swerte yung mga babaeng natagpuan na yung Mr. Stick-to-One nila, kaya para sating hindi pa nakakatagpo ng ganoon at patuloy na naghihintay at umaasa sa true love, konting patence pa. Darating din yung para satin lang talaga, Yung hindi maaagaw ng iba at hindi kailanman magpapaagaw kahit kanino.


Kasi sa bilyun-bilyong tao sa mundo, paniguradong mayroong isa dun na mamahalin ka ng totoo, tatanggapin ka ng buo at hindi kailanman mang-iiwan. 


Yung magiging kabiyak ng puso mo. Yung iingatan at papahalagahan ka ng buo. Yung magiging kasangga mo sa lahat - sa hirap at ginhawa, sa lungkot man o saya. Yung hinding hindi ka bibitawan. Yung magpapatunay sayo na may true love at forever talaga. Yung hindi ka sasaktan, lolokohin at ipagpapalit sa iba. At kunsakali man mapatingin siya sa iba, yung ay para lang makita niya na wala kang ibang katulad, na hindi ka kapalit-palit, na you are more than enough para makuntento siya at ikaw at ikaw lang ang pipiliin niyang mahalin at gugustuhin niyang makasama habambuhay.


"Every woman deserves a man 
who will love her with all his heart."


EOP Inspired

Natawa. Nakarelate. Nainspire. #EOPMovie

Wala naman akong mataas na expectation nung pinanood ko to. Basta eto lang yung napiling panuorin. At hindi ko inakala na sa isang simpleng palabas na to, marami akong marerealize (mahuhugot) at dahilan para matauhan sa ilang mga bagay.

 Minsan kasi sa sobrang higpit ng pagkakahawak natin sa isang tao o bagay, hindi na natin nakikita na may iba pang mas dapat pagtuunan ng pansin. Ayaw natin bumitaw dahil sa takot na mawalan, sa takot na mag-isa, sa pagod na magpaulit-ulit umasa at mabigo. Pero tama nga bang maghold on pa sa mga bagay na hindi na dapat kapitan? Sa totoo lang, hindi natin namamalayan na nakukulong na pala tayo sa isang garapon at dun na lang paulit-ulit na umiikot yung buhay natin. Dahil sa bulag na paniniwala na dun lang tayo magiging masaya kahit na deep inside alam mong parang hindi na, parang mali na.

Masaklap yun sobrang ma-attach tayo sa taong detached na o balak na pala tayong i-detach sa buhay nila. Eh ano pa nga ba? Madalas kung minsan talaga sa sobrang pagmamahal nauuwi sa sobrang katangahan at nagreresulta sa matinding pagkabigo. #ENHugot101


__________________________________________________________


 #EOP Vocabulary

  •  Love: a thing that makes a person tanga.
  •  Kita-kits: Short for "I want to see you again."
  •  Beh: Gusto mo sanang tawaging "Babe" kaso nahiya ka sa balat mo.
  •  Kita-kits Beh: I want to see you again BABE! (muhaha!)
  •  Bakla ka: expression na ang ibig sabihin "you're awesome!"
  •  Traffic sa Edsa: viral expression pag na-late (kahit na hindi ka naman dumadaan dun)

 (Marami pang iba kaso nakalimutan ko na haha. Eto lang yun nasave sa memory ko.)

__________________________________________________________


#EOP Hugot Lines + #EN Hugot Thoughts


"It’s not you, It’s Me."
ENThoughts: Sobrang napakaunreasonable ng linyang to. Oo inamin nga niya yun pagkakamali niya subalit kasabay nun etong pampalubag loob na linyang to para papaniwalain ka na hindi ikaw yung dahilan o nagkulang pero kailangang kailangan ka pa rin niyang hiwalayan. Kasi posibleng it's not you na talaga kasi may iba na. 


"Itodo mo na…HOY!"
ENThoughts: More angrier..Sobrang todo na po ng hugot. Hoy! (muhaha!)


"Mahal mo nga, e mahal ka ba?"
ENThoughts: Mag-isang umiibig. Gaano nga ba kahirap magmahal ng taong hindi ka mahal o hindi ka kayang mahalin? Minsan kahit anong pilit mong tumigil na, hindi mo pa rin magawa. Lahat gagawin mo, mapansin ka lang at maging deserving para mahalin din niya. Na umaasa kang makikita niya na yung pagmamahal mo ang kailangan niya. Hindi mo masaway yung puso mo kahit na sobrang balewala ka naman sa taong yun. 


"Pinapatawad na kita kahit di ka humihingi ng tawad sa akin."
ENThoughts: Ang pagmamahal hindi tumitingin sa pagkakamali, kundi sa kung paano mo ito maitatama. To love a person is to forgive them always and accept them over and over again. Bakit? Kasi ganun talaga pag nagmahal ka, nakakatanga. Minsan mas pipiliin mong akuin ang kasalanan at ikaw yun maunang magpatawad kahit hindi pa nagsosorry kesa mawala sayo yung taong dahilan ng pagiging tanga mo este pinakamamahal mo. #peace


"Kumokota ka na sa pagkatanga sa pag-ibig."
ENThoughts: Kung gaano kahirap pigilan ang magmahal, ganuon din kahirap kung paano tumigil sa pagpapakatanga. Dahil kadalasan, mas dun ka nagiging masaya. Wala namang masama dun, sabi nga sometimes love is being foolish together. Siguro, wag lang sobra.


"Mahal kita. Okay. Pero slight lang. Yata."
ENThoughts: Madaling sabihing "Mahal Kita" pero minsan napakamahirap patunayan. Minsan kasi mahal mo lang kasi kailangan mo siya. Basta alam ko kung mahal mo talaga yun tao, hindi mo siya bibitawan. Hindi mo ipaparamdam sa kanya na hindi siya sapat dahil kuntento ka kung sino at ano siya.


"Ngayon lang ako nagmahal ng ganito, ngayon lang ako nasaktan ng ganito, ngayon lang.."
ENThoughts: Iba-iba ang level ng pagmamahal. May hindi masyadong mahal, saktong pagmamahal at sobrang mahal na mahal. Pag dun ka sa level ng sobrang mahal, paniguradong sobrang sakit din ang kapalit.


"Okay lang magpakatanga sa tamang tao."
ENThoughts: Paano mo nga ba kung siya na yung right one? Siguro pag pareho kayong nag-eeffort na magwork out yung relationship niyo. Yung kahit anong problema kinakaya niyo. Yung kayo pa din, kayo lang palagi hanggang sa huli. Yung hindi sasayangin ang pagmamahal mo. Yung hindi itatapon ang puso mo. Okay ng magpakatanga kung tingin mo siya na yun.


"Wala namang magbibilang kung ilang beses ka nagpakatanga di ba?"
ENThoughts: Hindi mahalaga kung ilang beses ka nagpakatanga sa pagmamahal, mas mahalaga yung kung may natutunan ka sa pagpapakatangang yun. Para sa susunod, ibang level naman ng pagkatanga yung gagawin mo. Haha joke. Seriously, okay lang naman yun as long as totoong love yung binibigay mo, wala kang dapat pagsisihan. Ang pag-ibig hindi yan eleksyon, hindi yan countdown, hindi rin testpapers - siguradong walang MAGBIBILANG.


"Darating din yung tao na di ka iiwan. Di ka ipagpapalit. Yung sayo pa rin babalik. Siyempre magkakamali ka at mag-aaway kayo pero nandiyan lang siya para sayo."
ENThoughts: Sinong nagsabing mahirap maging single? Bakit, lahat ba ng taken, mayayaman? Minsan mas okay pa ngang maging single, walang complications. Hindi mo kailangang pumasok sa isang relasyong walang kasiguraduhan o dahil lang sa malungkot ka o dahil gusto mong makalimot agad sa past mo. Lalo mo lang ipapahamak yung sarili mo. Wala namang mawawala kung maghihintay ka ng para sayo. Yung taong tatanggapin ka ng buong buo. Yung taong hindi mapapagod na mahalin ka. 
Yung taong papatunayan sayo yung salitang "forever."


At last but not the least, ang pinakafavorite ko ^_^
"OO NA! AKO NA! AKO NA ANG MAG-ISA!"
ENThoughts: Pag iniwan ka ng taong mahal na mahal mo, feeling mo katapusan na ng mundo. Sobrang depressed at hindi mo na nakikita yung iba pang dahilan para maging masaya. Feeling mo wala ka ng dahilan para mabuhay. May pagkaharsh pero totoo. 
Okay lang naman mag-isa, maging single kahit pa matagal, kesa naman paulit-ulit kang magmamahal at masasaktan dahil paulit-ulit ka rin iiwan. Alalahanin mo hindi ka vendo machine na pwedeng irefill anytime pag naubos na yung laman. Darating at darating yung time mauubusan ka ng stock at walang matitira sayo. Don't waste your love sa taong ni hindi ka na-a-appreciate. Save the best para sa deserving.. Sayang!

__________________________________________________________



#EOP Love Lessons

Ang tunay na pag-ibig hindi hinahanap, malimit dumarating ito sa panahong hindi mo inaasahan. Bago mo pa mapigilan, nakapasok na ito sa puso mo ng hindi mo nalalaman. Masarap naman magmahal yun lang masakit din kalaunan. Pero hindi mo kasi malalaman na nagmamahal ka kung hindi ka affected, kung hindi ka masasaktan. Lalo na kung yung taong mahal mo eh hindi ka masyadong mahal, totally walang pagmamahal sayo o di kaya naman yun taong minamahal mo ay yung parte na ng nakaraan mo. Tangang tanga lang diba? Minsan kasi sa sobrang paniniwala na SIYA na yung right one, sobrang pinipilit mo na magwork out pa, na maghold on pa. Halos lahat ginagawa mo para lang wag ka niyang iwanan. Wala kang tigil sa kakahabol sa kanya. At kahit nga alam mo ng nagmumukha ka ng awesome tanga, wala kang pakialam mas pinapatunayan mo pa. Well siguro ganun talaga. Yung tipong pag nagmahal ka ng sobra at naniwala ka na SIYA na yun, kahit pa dumating yun time na iwan ka niya, mananatili pa rin siya sa puso mo at umaasa sa someday na baka may one more chance pa.

Going back sa movie, malinaw na pinaparating sa lahat ng bitter sa mundo, na wala ng saysay ang patuloy na mabuhay sa nakaraan. Wag ng mag-aksaya ng panahon sa kakaisip kung bakit ka niya iniwan, kung bakit ka niya ipinagpalit o kung bakit hindi ka na niya gustong mahalin pa. Hindi mo na mababago ang NAGBAGO NA. May mga ex na worth hintayin, worth balikan pero mayroon din namang worthless na. Just forgive them and try harder to forget. At minsan, all it takes is a second chance para finally matapos na ang lahat at totally maisarado ang puso mo sa nakaraan at eventually, muling maibukas para sa taong mas karapat-dapat sa pagmamahal na yun.


 So para sa mga hindi pa makamove-on, siguradong - Traffic sa Edsa!

 At para sa mga naghihintay ng right one - KITAKITS BEH!


__________________________________________________________

Dahil English Only Please, may translation din in English..hihi! >>click beh<<

Goodbye > Letting Go = Starting Over Again

Ano nga bang pinagkaiba ng Goodbye at Letting Go?  
...eh pareho lang naman itong nagdudulot ng matinding heartbreak 
at laging nauuwi sa pag-i-Start Over Again...


Maaaring halos pareho nga ngunit kung iisiping mabuti, malaki pa rin ang pagkakaiba nito.



Goodbye
Sa positive side ng goodbye, ito ay sinasambit na may kalakip na pag-asa na someday maaari ulit madugtugan ang naputol niyong pag-iibigan. Na sadyang kinakailangan niyo lang talaga munang maghiwalay para sa mas ikakabuti ng bawat isa sa hinaharap. Maaaring dahil sa sobrang pagmamahal kung kaya't nagiging masama na ang epekto dahil hindi niyo na makontrol ang mga bagay na nangyayari (sobrang selos, possessiveness, misunderstandings atbp) o di kaya iba pang mga personal na dahilan  (pangarap, estado sa buhay atbp) na kinakailangan munang bigyan ng mas kaukulang atensyon at sapat na panahon upang masolusyunan o makamit yung mga bagay na yun.

Isang matamis na pangakong nagsasabi: 
"Magkita tayong muli kapag handa na akong hawakan ulit ang kamay mo at ganun ka rin sa akin at sa pagkakataong yun hindi na tayo bibitaw sa isa't-isa." 

Masarap sa pandinig kung yan ang ibig sabihin ng goodbye na yun. Pero hindi maitatanggi na may mga goodbye na walang nakakubli ni munti mang pag-asa na magkabalikan pa kayo ng taong mahal mo. Eto yung medyo malapit na sa letting go. Basta natapos na lang ang lahat ng namagitan sa inyo at yung mag-goodbye na lang ang alam niyong makakabuti kahit mahirap. Kaya rin siguro tinawag na "good" ang "bye" dahil kahit ano pa mang sakit nito, may mabuti pa ring naidudulot kahit papaano. Yun lang hindi pa natin agad makikita yung kabutihang dulot nito dahil sa sobrang nasasaktan pa.
"You know it's love when you've been saying goodbye for so many times but you don't wanna leave..yet you have to."


Letting Go
Negative to positive, ang letting go ay yung katotohanan na wala ng patutunguhan yun relasyon niyo. Wala ng pag-asa na magkabalikan pa dahil wala ng feelings or kung anu pa mang dahilan para magkaganun. Either ikaw o siya ang nakarealize na kahit anong pilit hindi na talaga magwowork yung relasyon niyo or sadyang hindi na lang talaga worth it na subukan pang ayusin. Ayaw na niya dahil iba na pala ang gusto niya. Wala ng chance dahil wala na siyang balak na ipagpatuloy pa ang relasyon niyo.
Isang mapait na katotohanang nagsasabi: 
"Mamimiss kita, pero hindi pala tayo yung nakalaan para sa isa't-isa kaya tuluyan na akong bibitaw sa pagkakahawak sa kamay mo. Bumitaw ka na din. Patawad.. Salamat na lang sa mga alaala.." 

Ito yung pinakamasakit at pinakamahirap na gawin na kailangan mong gawin araw araw hanggang sa tuluyan ka ng makalimot at makawala sa pasakit na hatid ng mapaglarong tadhana. Ganun talaga, may mga taong dumating lang para dumaan sa ating buhay, na kahit gustuhin mo pang magstay sila, hindi na talaga. Dahil sila na yung bumitaw at maaaring paraan ito ng tadhana para ilayo tayo sa maling tao na akala natin tama para satin.  May mga bagay lang talaga dito sa mundo na gustong gusto mo pero dapat ng bitawan. May mga taong mahal mo pero dapat mo ng kalimutan. May mga desisyong dapat mong gawin kahit labag sa loob mo. Dahil kung tuluyan mong ipagpipilitan ang lahat, ikaw lang rin ang masasaktan sa huli. Kalimutan mo ang nakaraan ngunit huwag mong kalimutan ang aral na natutunan mo rito para sa susunod maging tama na ang lahat pag dumating yung talagang nakalaan para sayo. 
"You have to let go. Everyone who's in your life are meant to be in your journey, but not all of them are meant to stay till the end."



Starting Over Again
Kadugtong ng bawat goodbye at letting go ang pagbangon mula sa pagkakasadlak sa kabiguan at pagsisimulang muli. Kahit na yung goodbye na may pag-asa, hindi naman kasi pwedeng tumunganga ka na lang habang buhay sa paghihintay sa pangakong magkakabalikan kayo ulit someday. (Eh paano kung hindi?) Dahil sa paglipas ng panahon, maaari pa rin yung magbago. Pwede ka pa rin naman magtabi ng konting pag-asa basta tandaan mo na ang "meant to be ay meant to be at ang hindi, hindi na talaga." At kung lettting go naman, huwag ng magpatumpik-tumpik, magmove on ka na agad at simulang ayusin ang buhay mo na hindi nakadepende sa nakaraang nang-iwan sayo. 
Isang bittersweet na panawagan ng kapalaran: 
 "Kailangan mo ng tanggapin na wala ng babalik sayo dahil maaaring may nahanap na itong iba at hindi na ikaw yung forever na pinapangarap niya. Condolence na lang sa puso mong umasa. Please lang..wag karirin ang pagiging tanga." 

Kailangan mo ng kalimutan ang hindi na dapat pang alalahanin at magsimulang buuin ang pira-pirasong bahagi ng sarili mo na nawasak dahil sa sobrang pagmamahal mo sa taong hindi naman pala para sayo. Isantabi mo na ang mga alaala ng nakaraan. Hindi lubos na makakatulong kung patuloy kang mabubuhay sa nakaraang lumipas na. Hayaan mong kusa mo na lang siyang makalimutan. Malalaman mo na lang na nakamove on ka na pala kapag dumating yung time na maaalala mo siya at ang lahat lahat ng memories niyo pero hindi ka na nasasaktan dahil wala ka ng nararamdaman pa.
"No matter how much you may be broken, you can always build yourself back up and start over again."

_____________________________________________________________


Magkaganunman, hindi sapat na dahilan ang matinding heartbreak para ibaon mo ang sarili mo sa sobrang kalungkutan at depresyon. Kahit gaano pa kasakit ang nararamdaman mo, kahit gaano pa kahirap ang dinaranas mo, kung hahayaan mo lang ang panahon na burahin ang mga masasakit na alaala at paghilumin ang sugat ng nakaraan, pasa saan ba't makakamove on ka din at makakapagsimulang muli sa taong mas higit na karapat-dapat sa pagmamahal mo.


"Sometimes we have to forget some people in our past.
Because they don't belong in our future anymore."




Break and Leave


Kailan ba naging masarap sa pakiramdam ang maiwanan?

Depende siguro.




Sa iba't-ibang pagkakataon, mas nakakahigit ang sakit na maiwan. Gaya ng maiwan ng namayapang mahal sa buhay. Maiwanan ng biyaheng kailangan sakyan para makarating sa patutunguhang lugar. Mapag-iwan ng panahon. At syempre, yung pinakasimple pero harsh sa larangan ng pag-ibig - yung iwanan ng taong labis nating minamahal.


Bakit kasi dadating pa kung mang-iiwan rin lang naman diba?


Yung normal cycle na nang-iwan ka ng iba para sa kanya, tapos siya iiwan ka naman para sa iba o mas masaklap eh yung sa lahat ng pagkakataon ikaw na lang palagi yung naiiwanan. Kainis diba? Hindi ka naman siguro mukhang napakabigat na bagahe para iwan sa baggage counter pero bakit nga ba ganun? Laging ikaw yung naghihintay na sana balikan ka o may magclaim sayo..kahit alam mong mukhang wala na kasi iniwan ka na nga. Wala ka ng magagawa kundi tanggapin na para kang alahas na isinangla tapos hindi na tinubos at hinayaan na lang maremata. 


Sa totoo lang may kanya-kanyang choice lang talaga ang mga tao. Nagkataon lang siguro na yung karamihan mas pinipili yung mang-iwan na lang at magsimula ng panibago kaysa pilitin pa na maging maayos ang lahat. Minsan naman kasi talaga, wala ng nararamdaman. Kaya minamabuti na makipaghiwalay na lang kesa magpatuloy sa wala na ring patutunguhan. At kadalasan kasi yun ang pinakamadaling mahirap na solusyon para tuldukan ang isang relasyong gusto ng takasan.


Parang sirang gamit, kung alam mong mas malaki pa ang magagastos mo sa pagpapaayos nun bakit ka pa nga ba mangangahas na ipaayos pa? Syempre mas pipiliin mo na lang na bumili ng bago. Parang isang gusot na papel na maaari mo pa rin namang mapakinabangan pero kahit anong pilit mo na bumalik yung dating anyo nito, hindi na pwede kasi lukot na.


Bottomline:
Wag mong ikalungkot na iniwanan ka. Sa totoo lang, hindi ikaw yung nawalan kundi siya. Dahil iniwan niya yung taong kailanman hindi siya magagawang iwan. Ganun lang talaga ang buhay. May mga taong hindi alam ang salitang "kuntento". At kahit pa nga siya yung taong nagpapasaya sayo minsan kailangan mong hayaan na lang siya sa kung ano at sinong magpapasaya sa kanya. Dahil malinaw naman na kung ikaw yun, hindi ka niya iiwanan.


Hindi mo kailangang magalit sa taong kinailangan o sinadya kang iwan. Sapat man o hindi ang dahilan, mas mainam ng maiwan kesa makipagsiksikan.





Up next:
Goodbye > Letting Go = Starting Over Again

Dapat SMP! (Pasko Edition)



Malamig na ang simoy ng hangin, kumikislap ang mga makukulay na dekorasyon sa paligid. Sari-saring mga disenyo ng krismas tree sa bawat lugar at mga tahanan. Malapit na't paparating.. PASKO na!



Pasko na naman. Tila kaybilis ng panahon. Parang kailan lang yung nakaraang pasko heto na namang muli ang pagdiriwang na pinakahihintay ng lahat.Nariyan ang pangangaroling o pagkanta ng mga himig-pamasko sa mga kalapit-bahay tuwing sasapit ang gabi. Marahil rin na (sa mga naniniwala pa) inaabangan na ang pagdating ni Santa Claus. (Pero para sakin ang totoong Santa Claus talaga eh ang mga ninong at ninang o sila mommy, daddy, tito, tita, ate o kuia na patagong naglalagay ng mga regalo sa ilalim ng krismas tree..hihi!) Excited na rin ang lahat sa nalalapit na Simbang Gabi bilang siyam na araw na paghahanda bago sumapit ang araw ng Pasko.


Uso na naman ang kabi-kabilang pagpaplano para sa christmas party, family reunion at kung anu anu pang get-togethers. Marami ng mga christmas sale sa lahat ng malls na ilan sa mga yun ay bukas magpahanggang hating gabi. Syempre, bentang benta rin ang mga paninda sa mga tiangge at bazaars na lubhang nakakaengganyo dahil bukod sa marami ka ng mabibili, nandun din yung enjoyment at malamig na simoy ng hangin na nagsasabing Pasko na nga! Kagulo ang mga tao sa bawat panig ng mundo, labis na abala sa pamimili at pagbabalot ng mga regalo para sa kanya-kanyang mga minamahal na pamilya't kaibigan.


Malinaw na ang tradisyong ito ay pagpapalitan ng regalo at pag-eenjoy dahil bakasyon. Para naman sa mga kabataan, ito ang panahon para mamasko sa ating mga ninong at ninang.


Ngunit ano nga ba ang tunay na diwa ng Pasko?

Ang tunay na diwa ng Pasko ay ang pag-alala sa tunay na bida ng araw na to, walang iba kundi si Hesus. Siya ang pinakamahalagang regalo para sa ating lahat. Siya ang nagbigay ng dahilan para sa pagdiriwang na ito, sa masasayang sandali at sa mga biyayang ating natatanggap. Siya na kasama natin sa bawat sandali ng ating buhay. Sa lahat ng mga pagsubok na ating pinagdadaanan at tagumpay na natatamo. Siya yung nariyan sa lungkot man at saya at sa mga panahong akala natin ay wala ng sumusuporta sa atin.


Paano nga ba natin maisasabuhay ang tunay na diwa ng Pasko? 

 Para sakin, Dapat SMP!


Sana May Pag-ibig
Ang pagsasama-sama ng buong pamilya ay isang napakagandang larawan ng pag-ibig. Time at atensyon - yang ang pinamahalagang regalong hindi natin dapat kaligtaan na ipamahagi sa ating mga mahal sa buhay at gayundin sa ating kapwa. Sa pamamagitan nito ay higit na maipapakita at maipapadama natin ang ating labis na pagmamahal. Sabi nga sa kanta, "Give Love on Christmas Day" ngunit siyempre hindi lamang sa araw ng Pasko kundi sa bawat sandali ng ating buhay.


Sana May Pagkakaisa
Batid sa lahat na maraming hindi magagandang mga nangyayari, mga alitan at kabi-kabilang hidwaan sa bawat panig ng mundo. Gayundin, ang mga hindi nagkakasundo dahil sa iba't ibang pananaw.  Eto na siguro yung tamang panahon para buksan ang ating puso para magpatawad sa mga taong nakasakit sa atin. Siguro may ibang hindi kumbinsido sa pagpapatawad na yan. Marahil hindi pa panahon o masyado pang sariwa ang sugat at sakit. Hindi naman sapilitan pero atleast kahit paunti-unti magbawas tayo ng galit sa puso natin. Iwas bad vibes lalo't magbabagong taon na. Tama na ang paghihimagsik ng ating mga damdamin. Halina't magkaisa na.


Sana May Pagtutulungan
Maging mapagbigay at matulungin lalo na sa mga nangangailangan ngayong darating na Pasko at maging sa araw-araw. Ang pagbabahagi ng ating mga biyayang natatanggap ay lubhang magpapaligaya sa ating Maykapal. Sabi nga nila, pag tumulong ka daw lalo na sa mga nangangailangan na bukal sa iyong kalooban, hindi lang yun taong yun ang natulungan mo kundi pati na rin ang iyong sarili.


Sana May Pag-asa
Nawa sa bawat pagsubok na dumarating sa ating buhay ay hindi tayo mawalan ng pag-asa. Hindi dumating sa puntong sumuko tayo ng dahil sa hindi na natin kayang lumaban pa. Bagkus patuloy na manalig sa Kanya sa kabila ng hirap at problema ay may munting pag-asa na ipagkakaloob Niya ang ating minimithi. Ngunit minsan kung hindi man ito sumakto sa anumang ating hinihingi, alalahanin pa rin nating marahil ito ang higit na makakabuti para sa atin.


_____________________________________________________

Iba't iba man ang ating paraan ng pagdiriwang ng Pasko, 
isa lang ang tiyak ko - Lahat tayo... MASAYA.



Ang pasko ay kay saya kung ika’y kapiling na
Sana pagsapit ng pasko, ika’y naririto
Kahit pa malayo ka, kahit nasaan ka pa
Maligayang bati para sa iyo sa araw ng Pasko...


Photo Credits


Nasaan ka, Pag-ibig?

Ang pag-ibig kumakatok
Minsan pa'y nangangahas pumasok
Dumadating ng hindi inaasahan
Umaalis ng biglaan
Bumabalik naman kung minsan
Isang tiyak na damdamin
Ngunit walang kasiguraduhan
Kung hanggang kailan magtatagal

Kapag iyong naramdaman
Labis ang kaligayahang madarama
Mga ngiti sa labi'y hindi mapapawi
Sa diwa laging namumutawi
Ngunit kapag ito'y mawala na
Isang bahagi ng buhay mo'y tila guguho
Masisilo sa kalumbayan at kawalan
Dagling maliligaw sa landas ng kasawian

Kung kaya't ang pag-ibig marapat lang na ingatan
Tulad ng rosas sa isang hardin na hindi dapat pabayaan 
Diligin ng pang-unawa at ibayong pagkalinga
Marami mang iba sa paligid ay huwag pansinin
At higit pang magmamahal ng lubos
Sa kabila man ng ilang tinik na nasa tangkay
Buong tatanggapin at yayakapin ng walang pag-aalinlangan
Maninindigan sa bawat pangakong binibitawan
Makukuntento sa sinumpaang pagmamahalan
Anuman ang mangyari'y hindi dapat mang-iiwan
Hindi ipagpapalit kanino pa man

Yaon ang dakilang pag-ibig
Isang tapat na damdamin
Subalit bakit nga kaya...
Mahirap ng makamtan.

Hello Pag-ibig!

Ano nga ba ang pag-ibig?
Paano mo malalamang pag-ibig o love na pala ito?

Minsan may mga bagay na mahirap ipaliwanag at higit na mas mahirap intindihin pero kapag naramdaman mo na ito, saka mo malalaman kung ano nga ba ito.

So...ano nga ba ito?

Ang pag-ibig, isang salitang mahirap bigyan ng tamang kahulugan. Gaano man karami ang depinisyon napapaloob sa dictionary ukol dito, subukan mo mang i-search sa google at kahit pa i-translate sa iba't ibang lengguwahe, wala ni isa sa mga yun ang makakapagbigay ng naaayong kahulugan. Dahil ang pag-ibig, hindi isang salitang binibigyan ng kahulugan, kundi isa itong napakahiwagang damdamin na mararamdaman mo ng biglaan, sa pagkakataong hindi mo lubos na inaasahan, sa taong hindi mo inaakalang mamahalin mo pala.

Hindi ito nasusukat sa tagal ng pagkakakilala, o maging sa dalas ng pagkikita. Hindi ito natitimbang sa lalim ng pagsasama o sa dami ng mga pagsubok na nalampasan. Kusang titibok ang 'yong puso sa isang taong maaaring sana ay nakalaan para sayo. Kahit anong pag-iwas pa'y hindi mo magagawang takasan at pigilan. Wala ka ng ibang magagawa kundi hayaan itong pumasok sa iyong buhay.


"The Heart Sees What is Invisible to the Eyes.."

Once tinamaan ka ng pana ni Kupido, sa ayaw mo man at sa gusto, magagawa mong isantabi ang minsang mga "standards" mo sa pagpili ng ideal partner. Swerte kung overqualified siya sa kung ano lang ang inaasahan mo. eh paano kung medyo bagsak? Tatanggapin mo pa kaya? Oo may choice ka pa rin piliin yun gusto mo sa ayaw mo, pero kapag puso na ang nagdikta, tiyak mahihirapan kang pigilan. It's either, oo ngayon maaaring nagtagumpay ka sa pagsalungat mo sa iyong damdamin, ngunit sigurado kalaunan manghihinayang ka sa pinakawalan mo. Kadalasan, mahuhulog ka sa isang taong hindi mo inaakalang mamahalin mo. Andun yun kakaibang magnetic force na naglalapit sa inyo, yung butterfly feeling na kung pwede lang literal na buhay na butterflies yun e makakapagtayo ka na ng butterfly farm at yung unlimited na spark na kung pwede nga lang iconvert as electricity eh hindi mo na kailangan pang magsubscribe sa Meralco. Ni hindi mo alam kung saan nagmumula, pero for the first time in your life masasabi mong ngayon mo lang naramdaman yun. As in iba sa noon yung ngayon.

At dahil nga hindi laging nakakapili ng mamahalin, hindi ka lubos makakasigurado kung "pasado" siya sa expectations mo lalo na sa physical looks. Sabihin mo ng hindi siya kagandahan o kagwapuhan gaya ng mga nakaraan mo at obviously not your type. Yung hitsurang sakto lang. Para siyang isang ordinaryong sunflower kasama ng iba pang mga sunflower sa isang sunflower garden.  (Favorite ko yun sunflower..pagbigyan haha) Hindi pansinin, lalong hindi sikat at maaaring hindi rin kasing yaman, pero Siya yung taong gusto mo laging makasama at makausap. Siya yung bumubuo ng araw mo. Siya ang dahilan kung bakit may ngiti sa labi mo na tumatagos hangggang sa puso mo. Siya yung dahilan kung bakit ka masaya. I guess, yan ang simula ng pag-ibig. Ganun kasimple.

Unti-unti makikilala mo siya at mapagtatanto mo hindi na siya isang ordinaryong sunflower lang, kundi isang napaka-espesyal at napakagandang biyaya ng langit. Mapagmamasdan ng iyong pusong nahuhumaling ang mga bagay sa kanya na hindi minsan nasilayan ng mapanuri mong mata. Tuluyan kang mabibighani sa mga katangiang sa kanya mo lang nakita. Yung pakiramdam na, wala ka namang hinahanap sa buhay mo pero heto't may natagpuan kang lubhang napakahalaga. Mamahalin mo siya hindi lang dahil may hitsura pala siya, kundi dahil alam mong nag-iisa lang Siya sa bilyun-bilyong tao dito sa mundo na nagpapabilis ng tibok ng puso mo. Yung katotohanang dati okay sayo kahit mag-isa ka lang pero ngayon hindi mo na alam kung anong gagawin mo kapag nawala siya.  At kahit pa alam mong maaaring marami ang makahigit sa kanya, ramdam mo yun kasiguraduhan na Siya lang at wala ng iba pa ang kukumpleto at kailangan mo sa buhay mo. Dahil ang pag-ibig, nakakabulag yan.. sa paraang wala ka ng ibang makikita kundi, Siya lang.


"Outer Beauty attracts the Eyes, Inner Beauty captivates the Heart.."


Alam mong maaaring in-love ka na nga pero kahit ikaw tinatanong mo pa din yun sarili mo "Totoo ba ito?" May kung anong kakaibang pakiramdam na hindi mo maipaliwanag at kahit ikaw mismo hindi mo mapaniwalaan kung totoong nangyayari ito sayo. Baka kasi hallucinations lang dahil sa sobrang tagal mong naging single. O di kaya baka humahanap ka lang ng replacement para sa pag-ibig na recently nawala sayo. Ano nga ba? Walang katapusang mga katanungan ng puso na di masagot-sagot ng isip mo. Ang pag-ibig, masaya naman kaso nakakatakot.  Dahil hindi mo alam kung saan ka dadalhin ng emosyong ito at kung hanggang kailan ito magtatagal.

Minsan sadyang mahirap pa din talagang paniwalaan kung paano nabubuo ang pag-ibig sa damdamin ng isang tao. Kung saan ito nagmumula. Kung kailan ito darating. Kung paano ito tumitindi kahit na sa taong ni hindi mo pa nakikita o bihira mo lang makasama. Kung bakit nararamdaman pa ito kung mawawala rin lang sa bandang huli. Bakit pa nga ba..diba?

Sa larangan ng pag-ibig isa lang ang tiyak na sigurado, huwag mong subukang bigyan ng kahulugan ang pag-ibig, hayaan mo lamang ito ang magbigay ng kahulugan sayo at sa buhay mo.



"Ang totoong pag-ibig, 
hindi mo alam ang dahilan kung bakit 
nahulog ang loob mo sa kanya."



Talimuwang

Pangarap sa bawat sandali
Mga matang nangungusap
Ngiting walang kasing tamis
Lamyos ng iyong tinig
Labis nakapagbigay ng pansin

Tila nabihag itong puso
Isip ay nagkabuhol-buhol
Kailan kaya muling lilingunin
Upang masilayan iyong kariktan
At tuluyang malunod sa pagkahumaling

Sana'y may pagkakataon pa
Maamin itong lihim na pagtingin
Ibubulong na lang sa hangin
Aasa't maghihintay na ang mensaheng ito 
Agad sayo ay makarating.



Migraine

Lumitaw sa kawalan
Anong pakay at dahilan

Tadhana ba ang nagtakda
Sa pagtatagpong biglaan

Panlabas na kaanyua'y estranghero
Ngunit sa kalooba'y tila pamilyar

Sino ang nagsasabi ng totoo
Ang isip na pumipigil sa paglapit

O ang pusong nais kumaway
Sa nagbabadyang pasakit?

-------------------------

Part 2 - ON PROBATION

The Unloved

Sa isang sandali
napagtanto na
Hindi na babalik pa
Tinamaan ng labis na sakit
Na tila walang katapusan

Hindi na halos mabilang
Ang patak ng luha
Sa namumugtong mata
Lahat ng pangarap
Naglaho ng parang bula
Sapagkat mula ng makilala
Ang tanging pag-ibig na hinangad
Hinding hindi makakalimutan
Hinding hindi titigil sa pagmamahal
Sa puso'y mananatili hanggang kamatayan
Itong buhay na tigib ng hapis
Umaasa pa ring magbabalik
Ang dating saya at sigla
Tanging natira't pinanghahawakan
Alaalang binabalik-balikan
Sana'y hindi mawala ng tuluyan
Ngunit nagmasid sa paligid
Ano pa't tila nakatagpo na
Ng bagong pag-ibig
Anong tindi ng hinagpis
Hapdi na animo'y patalim na bumuntal
Sa pusong walang kalaban-laban

Ang ngiting noon ay nakalaan
Sa nag-iisang nakaraan
Ninakaw na ng kasalukuyan
Wala ng natira..
Alaala na lamang.

One More Chance

"Mahal na mahal kita pero ang sakit sakit na..."

Minsan sa sobrang pagmamahal hindi natin namamalayan na nakakasakit at nakakasakal na pala.  Na buong akala natin okay lang ang lahat, na parehong gusto ng bawat isa yung mga bagay na nangyayari. Yung sari-saring demands, expectations at minsan rules na dapat sundin ng bawat isa.  Both agreeable sa simula, pero sa kalagitnaan yun na yung pinagsisimulan ng matinding away.  Okay sa kanya pero sayo hindi pala or okay sayo pero sa kanya hindi na pala.  Hindi lang pala siya umiimik dahil tinitiis niya hanggang sa makakaya niya dahil naniniwala siya na nagmamahalan kayo.  Mahal nga ba?  o mapapamura ka na sa sobrang pagtitimpi?  Paano kung nasa isip na lang pala at hindi na dama ng puso? O dama ng puso yung pagmamahal pero sa isip mo hindi na worth it?

Isip isip. Eto yung stage na....

Sabi ng isip:

"ang dami ko ng ginawa at sinakripisyo pero bakit ganito pa din kami? Parang hindi na worth it."

"Siya na nga ba talaga yung gusto ko o baka may iba pang mas better na nakalaan para sakin?"

"Nasasakal na ako! Masyado siyang demanding, ni hindi ako makagalaw sa gusto ko talagang gawin dahil natatakot ako na masaktan siya at panigurado pag ayaw niya wala ako magagawa, mag-aaway lang kami."

"Puro na lang away, wala na akong ginawang tama!"

Dito mo maiisip na baka nagkamali ka ng pinili, na baka hindi ka naman talaga inlove sa kanya.  Na natuwa ka lang sa existence niya na nakikita't nadadama mo yung pagpapahalaga niya sayo at nung mas makilala mo na siya at nakita mo yun "flaws" niya unti unti ng nalusaw yung "love feeling" mo sa kanya.  Kaya narealize mo na lang bigla na hindi na pala siya yung gusto mong makasama habang buhay.  Yung feeling mo nuon na "wala ng hahanapin pa coz you found the one" at this time hindi ka na kontento, na hindi ka na sigurado kung siya pa rin ba talaga..you just feel you deserve better than him/her.

 
Sabi na puso: x________x


This kind of realizations dadating sa point na mapapagod, magsasawa at makikipagbreak na lang.

1. Dahil sa gustong makawala at makahanap ng mas deserving.  Feeling mo kasi hindi na siya yung missing piece na makakapagpakumpleto sayo.

OR

2. Maaaring dahil gustong mapag-isa, makapag-isip, makapagpahinga muna para marefresh at mawala lahat ng galit at hinanakit na naipon.  Parang computer lang yan na nagkavirus, kailangang ireformat para maging maayos ulit.  Kaya nga siguro naimbento yung salitang "someday" para sa pag-asa na magkabalikan.  Malay mo, kung kayo, kayo talaga in the end.


If kaya pang ayusin pilitin. What if this is really what both of you need? 
Then just be strong. Magiging mahirap at masakit pero hopefully all the pain will be worth it.
------------------------------------------------------------

Kapag nakikipagrelasyon kasi, hindi pwedeng sarili lang yung iisipin. Andun lagi yung icoconsider mo yung kapakanan ng karelasyon mo.  Pag nagmahal ka (yung totoo talaga) you give a part of yourself sa taong mahal mo.  In that way it makes you feel complete.  Dapat handa kang tanggapin siya ng buo. As in buong buo.  Na kahit pa makita mo yun bad side niya, yung flaws niya hindi ka matuturn off.  Sa halip iintindihin mo at unti-unti mo ipaparealize sa kanya yung mga bagay na dapat iimprove niya para sa sarili niya at para sa betterment ng relasyon niyo.  Lahat ng bagay mahirap at komplikado pero magiging madali lahat ng yun kung andun yung "buong pagtanggap" na anumang manyari alam mo sa sarili mo hindi ka kailanman bibitaw kahit pa anong mangyari.

Pero lahat nga yata dito sa mundo, may expiry.

Sa totoo lang, madaling mainlove at magmahal.  Ang mahirap dun is kung paano ka maninindigan sa pagmamahal na yan at kung hanggang kailan mo kakayaning tuparin yung mga pangako lalo na yung "kahit anupaman, walang bibitaw"

Sana lahat ng couple na dumadanas ng saya at lungkot, hirap at sakit maging katulad ng best movie ever na One More Chance - na nagmahalan, nagkasakitan, napagod at nagkahiwalay man ng mahabang panahon bandang huli Popoy at Basha pa din talaga in the end ang meant to be.

Ang pag-ibig ay isang pagpili, hindi emosyon lang. Dahil kung ibabase lang sa emosyon, hindi talaga magtatagal gaya ng pabago-bagong nararamdaman ng isang tao. Pero kung yun ay choice, magbago man ang lahat hindi mababago kailanman yung pagmamahal na nararamdaman.

Hirap + Pagod = SAKIT MUCH

"Pagod na ko sayo..."

"Nahihirapan na ko..." 

Ang salitang "pagod na ako sayo" is another term for saying na ayaw ko na niya sayo.  Ang salitang "nahihirapan na ko" is another term for saying na gusto na niyang makipagbreak sayo. Read between the lines. Lalo na kung paulit ulit na niyang sinasabi yan sayo, mag-isip ka dahil baka ikaw na lang pala yung nagmamahal sa kanya, na ikaw na lang pala yung nagpupumilit sa sarili mo samantalang siya napipilitan na lang sayo. No choice siya dahil masyado siyang duwag magpakatotoo sa kung anong totoo. Andun yung ayaw ka niyang masaktan pero hindi niya alam sa ginagawa niya sa pagtrato niya sayo, dun ka mas higit na nasasaktan dahil daig mo pa yung pinaibig lang, pinaglaruan, iniwan sa ere at pinaasa sa wala. 

Gaano nga ba kasakit ang paulit ulit sabihin ng taong pinakamamahal mo na pagod na siya sayo? na nahihirapan na siya sayo? Kung noon, okay ngayon para sa kanya hindi na. Yun dati, tanggap niya yung flaws mo - pero ngayon halos lahat ng yun issue na para sa kanya. Maririnig mo na lang sa kanya na - "sobra kang ganito, masyado kang ganyan nakakapagod ka na talaga etc etc.." Speechless ka na lang dahil nashock ka na yun taong dating nakakaintindi sa pagiging topakin mo, sa pagiging sensitive mo, sa pagiging insecure mo minsan, sa pagiging selosa/seloso mo, sa pagiging matampuhin - ngayon malaking threat na yun lahat sa relasyon niyo. Dahil ayaw niyang ganun ka ngayon samantalang noon tanggap niya lahat at nagagawa ka niyang pakisamahan ng walang reklamo. Nagagawa ka pa niyang lambi-lambingin pag alam niyang nagtatampo ka o inaabot ka na ng topak/ mood swings mo.

Kung ikukumpara mo yung noon sa ngayon, hindi maikakailang ang laki ng agwat ng pagkakaiba. Siguro nga totoo yung kasabihan na nagbabago ang isang tao sa paglipas ng panahon. Lalo na kung hindi ka naman niya ganun kamahal, mababawasan at mawawala talaga yung mabuting samahan na buong akala mo magtatagal. Yun akala mong solid eh natutunaw na pala. Dahil may hangganan na yung pag-intindi at pagpapasensya niya sayo samantalang dati unlimited.

Dalawang bagay lang naman kung bakit napapagod ang isang tao, Una - it's either nagsawa na siya sayo - pakiramdam niya hindi na worth it yung mga ginagawa niyang effort para sayo, na para sa kanya wala ng patutunguhan kasi parang paulit ulit na lang. Na wala na siyang napapala sayo kasi ang tingin niya siya lang yun nag-eefort kahit ang totoo todo effort ka din naman or pangalawa - may nakita na siyang iba na mas higit sayo almost perfect para sa kanya. Na nakita niya dun sa taong yun yung hindi na niya nakikita sayo. Kumbaga nahanap niya sa ibang tao yung kakulangan mo, yung kaligayahang hindi mo na kayang ibigay sa kanya.

Ang totoong pagmamahal kahit kailan hindi nagagawang makaramdam ng pagod at hirap. Lagi itong humahanap ng dahilan para hindi maramdaman ito dahil laging mas nakakahigit yung pagmamahal kesa sa anumang pagod o hirap.  Ang totoong nagmamahal hindi magagawang ibaling sa iba yung atensyon na dapat nakalaan lang sa taong pinakamamahal. Hindi magagawang hanapin sa iba yung kakulangan ng karelasyon. Pero minsan ganun talaga darating at darating yung time na mapapalitan ka, hindi dahil binigyan mo siya ng dahilan para gawin yun, kundi dahil yun talaga ang gusto niyang gawin. Hahanapan ka ng butas para tuluyan siyang makawala sayo ng walang hassle at guilt feeling. Selfish diba? Matapos mo mahalin ng totoo, matapos ka magparaya at palagpasin ang lahat ng pananakit na ginawa niya sayo eto pa yung igaganti niya...

"A clear rejection is always better than fake promises."

She's the one

Yung babaeng minahal ka ng sobra....
                         nagtiwala sa kabila ng lahat ng kasinungalingan
                         naniwala na ikaw yung forever niya
                         naging faithful sayo na kahit pa nawalan ka na ng time sa kanya,
                                       hindi nagawang maghanap ng iba
                         binalewala mo pero patuloy pa din nagmahal sayo at umasa na
                                      magiging ok pa din kayo
                         laging nagpaparaya para sa sariling kaligayahan mo
                         sinuportahan ka all through out
                         nagsilbing lakas mo sa mga panahong pinanghinaan ka ng loob
                         umalalay sayo nung mga panahong halos nawalan ka na ng pag-asa
                         paulit-ulit mong sinasaktan at pinapaasa sa wala
                         walang awa mong tinaboy at binalewala....

Yung babaeng yun na kahit ilang ulit mong subukang palitan, libutin mo man ang buong mundo, wala ka ng makikitang eksaktong katulad niya na magpapakatanga para lang sayo.

Her presence was nothing to you until you realize the incompleteness it made you feel with her absence.

Certified Manloloko

Minsan sa buhay nakakatanga ang magmahal lalo na sa taong hindi naman pala tayo lubusang minahal.  Yung mga taong ang pakay lang ay manggamit, mangolekta at yes, manloko.  Saklap diba?  Nakakabulag ang sobrang pagmamahal na dahil nga sobra na hindi natin namamalayan na wala ng natira sa atin kundi sakit at pighati dahil masyado tayong umasa na yun na yung right one for us.

 "Di kita iiwan" - Yan ang pinakagasgas na kasinungalingan.

Paano mo nga ba malalaman naniloloko ka na pala? Eto yung common types ng manloloko:]

  • Two-timer
Ang pinakacommon at pinakapraktikal na gawain ng mga manloloko.  Bakit nga ba nagto-twotime? Simple lang.. dahil hinahanap nila sa iba yung hindi nila makita sa currently ka-on nila at takot silang makaranas ng sakit kunsakali mang mabigo sa #1 andyan si #2, #3, #4, #5 na open arms na sasalo at tatanggap sa kanila. Ika nga laging may nakareserba.  Para bang pila sa lotto na hindi nauubusan at ang masaklap pa lahat ng nakapila buong pagkakaalam nila sila yung one and only. Well, think again!

  • Collector
Sila yung mga single na naniniwala sa kasabihang "collect and collect but never select".  Nagpapakita ng motibo kunwari type ka din masyadong sweet-sweetan pero take note as a collector, may expiry period yun.  Masyado silang paasa  pati magandang future iapapangako sayo dahil may napapala at napapakinabangan ka niya at their own expense.  Yun tipong nagmumukha ka ng provider ng lahat ng needs and wants niya,, Sigurado pag nagsawa yan or naubos ang laman ng atm mo, bigla na lang mawawala, magic!

  • Player
Mga taong game expert na ultimo damdamin ng mga taong nanahimik, paglalaruan nila. Wala silang pakialam kahit pa makasakit sila as long as they enjoy the game.

  • Tripper
Gaano nga ba kasakit malaman na pinagtripan ka lang pala? Na kaya ka niligawan dahil sa pustahan? Na kaya ka sinagot dahil dinaig mo pa ang SM mall sa pagsusupply mo ng kailangan niya - you got it all, the tripper takes it all.Paiibigin ka ng bongga at iiwan pag naisagawa na niya ang misyon niya sayo at kumbaga hindi na siya nachachallenge sa pantitrip niya sayo.

  • Magician
Iba naman ang istilo ng mga ganitong tipo, parang tripper din sila.  Mga pa-fall type,sobrang papabilibin ka sa mga the moves at surprises nila gang sa mahulog ka sa bitag nila and you will just find yourself fallen in love.  Sa kalagitnaan ng lahat habang naiinlababo ka na, ipapakita niya ang pinakahighlight ng palabas niya - ang disappearing act.  Bongga diba? Daig pa niya ang bula na nagpop out sa kawalan..Fantabulous.. you've been tricked!

  • Rebounder
Sounds familiar? Yeah.  May mga taong sadyang ubod ng pagkaselfish. Ayaw mamkaramdam ng lungkot o anu pa mang negative emotions kaya humahanap sila ng sasalo sa kanila. Yun bang matapos ka nilang landi-landiin, na halos madevelop ka na sa kanya na feeling mo same din yung feelings niya sayo eh bigla na lang silang magdidisappear kapag ok na sila,  nagkaayos na sila ngbf/gf nila or nagkabalikan na with the ex.

  • Heart Breaker
 Galing mong mang-iwan ah? Yung totoo, nag training ka?


Ang mga manloloko parang LAMOK. 
Kung kani-kanino dumadapo. 
Masakit na nga, nag-iiwan pa ng marka.


Fuschiang Pag-ibig

Walang taong kayang magmahal ng totoo.  Walang taong kayang magtagal.  Lahat nauuwi sa wala.  Lahat nang-iiwan. Mangangako ng walang hanggan pero walang kasiguraduhan.  Katangahang maniwala sa mga mabubulaklak na salita.  Kahangalang mabulag sa pag-ibig sa taong hindi karapat-dapat.

Ang pag-ibig masarap pakinggan at madaling paniwalaan, 
pero kung hindi kayang panindigan huwag na lang umpisahan 
para walang masaktan.

Relationship Status: M.U

Minsan meron, minsan wala. 
Minsan KAYO, minsan hindi. 
M.U kasi.
  • Magkarelasyon Unofficially
Parang kayo pero hindi naman kayo.  May tawagan kayo, sweet endearments pero hanggang dun lang. Nagseselos kayo pag may ibang pumapagitna sa inyo pero pareho niyo ding alam na wala kayong karapatan sa isa't isa. Wala kang magagawa kung dumating man yun time na makipagdate siya sa iba.  It shows na gusto niyo pareho ang isa't isa but something's holding you back maybe fear of rejection na baka nag-aassume ka lang na same yung feelings niyo or more likely ayaw or hindi kayo ready sa commitment.

  • Mahirap Umasa
Kelan nga ba naging madali? Lalo na kung umaasa ka sa wala. Yung papaniwalain ka tapos hindi naman pala tototohanin. Yung naghintay ka ng matagal tapos hindi ka sisiputin. Yung akala mo dahil pinaghirapan mo ng sobra, you assumed to hear good news pero palpak pa din pala dahil hindi mo nameet yung standards na kailangan. Mahirap talagang umasa dahil hindi mo hawak ang mga susunod na mangyayari.

  • Malabong Ugnayan
 Masarap sa umpisa pero mahirap umasa na darating pa yung time na magkakaron ng linaw kung ano nga ba talaga kayo. Kung may papatunguhan ba yung love story niyo o hanggang fling thing na lang. Tipong ineenjoy niyo na lang pareho yung kilig moments at hihintaying mawear off na lang.  Malabo pa sa maduming tubig. Wala kayong bragging rights para sa isa’t isa.  Nagagawa niyong sabihing mahal niyo ang isa't isa pero hindi niyo din alam kung totohanan na ba o joke lang.   Ang gulo na nga ng mundo, ang gulo pa ng status ninyo.. How sad!

  • Matampuhing Unggoy
 Pwede ka magtampo pero wag mo aasahang lalambingin ka niya. Yung mga taong konting kibot lang, nagtatampo na agad. Pero kahit pa siguro napakaunpredictable ng ugali niya ar asar na asar ka na, mahal na mahal mo pa din. Aminin,

And lastly,
  •  Mag-isang Umiibig
  Darating yung time na magkakaalaman kayo kung pareho ba kayo ng nararamdaman. Sa larangan ng M.U, unang mainlove ng totohanan, talo.  Hindi ka pwedeng mag-feeling na kayo kasi baka magulat ka at sabihin niyang,Tayo ba? Hindi naman diba”  Kaya don't ever get too attached with someone lalo na kung walang kasiguraduhan dahil maiiwan ka lang na mag-isang umiibig.


Mas okay nang parang kayo kahit hindi naman...
kesa sa kayo nga pero parang hindi naman!

Relationship in Trouble

It's not the same as before. Kung dati, halos langgamin kayo sa ka-sweetan, ngayon daig niyo pa ang aso't pusa kung mag-away. Hindi natatapos ang isang araw na hindi kayo nagtatalo kahit pa napakasimple at maliit na bagay lang nagiging issue ng pag-aaway niyo. Halos lahat ng relasyon dumadaan sa stage na ganito, lalo na yung mga long distance relationships - mas prone to arguments na posibleng lumala.  Maraming factors. Pwedeng may nagbago sayo o sa partner mo. Pwedeng may family o personal problem siya kaya madalas mabilis uminit ang ulo niya at yung patience niya napakaiksi na lang. Marami pang ibang dahilan na pwedeng iconsider especially if you are on the side of wanting to save your relationship. Syempre, more understanding dapat diba?

  •  You give all, the other take all 
 Wala ng effort - magtext, tumawag, mag-email, makipagchat katulad ng dati, magsend ng sweet messages. Wala ng time - makipagdate or kahit yung tulad dati na nagkikita kayo after work o during weekends. Nasaan ba siya? Kayo pa nga ba? Halos hindi na kayo kumikilos for the benefit ng kapartner. Laging for the benefit ng sarili na lang. Nagiging selfish na kayo pareho, tipong ikaw binibilang mo na yung good deeds niya na halos wala na nga eh, kaya hindi mo maiwasan magduda kung bakit nagkaganito na kayo.

  • Taken for Granted
Yes, ibalewala ang isa't isa. Ginagawang maging busy at wala ng gana sa kung anumang bagay tungkol sa "relasyon". Naisip mo man lang ba kung bakit? Or did you even care to know kung ano yung nagiging dahilan sa namumuong gap sa pagitan ninyo?

  • Doesn't even Care much
So what kung nasan man lumapalop ka ng mundo? He/she doesnt care at all kung asan ka at anuman ang ginagawa mo. Halos bihira mo na nga marinig na sabihin niya "anu gawa mo" samantalang dati e maya't maya ang monitor niya sayo kung nasaan at kun ano ang ginagawa mo. Weird?

  • Jealous much?
Madalas nagseselos sa maling dahilan and worse gumagawa pa ng dahilan para lang may pagselosan para ang ending mapilitan na maghiwalay na lang.

  • The Cold One
Ginagawang reason ang pagseselos para hindi magpansinan at mag-usap pero ang totoo mas okay sa kanya un ganun kasi feeling cold na nga sa dating mainit na pagmamahalan. Sasabihin din niya na "marami lang akong problema at iniisip ngayon" Yun naman pala ikaw na yun problema niya dahil naguguluhan na siya sa nararamdaman niya sayo. Dont you think?

  • Walk On Eggshells
"Regardless of the reason for you to keep secrets or details, this always weakens trust of each other"
Yun bang hindi mo magawang magsabi ng totoo dahil natatakot ka sa magiging reaction niya. na baka lalo lang maging magulo, na baka lalo lang kayo mag-away. I guess mas nakakatakot yun realidad na hindi ka na kayang pagtiwalaan ng mahal mo dahil din sa kagagawan mo.

  •  Acting like Single
Kun pumorma kala mo lagi may date. At daig na mas maganda at mabuti ang pakikisama sa iba kesa sa bf/gf. Eto pa't mas madalas pa makipagkita/makipagchat sa iba kesa sa partner. Eh kasi busy siya. Dahil busy si partner, sa iba mo na hahanapin yung time na kulang niya sayo? 100% wrong. Hindi man nga sinasabing single pero deep inside the moves, yun na din yun dahil inilalaan mo na sa iba yung atensyon mo.

  • No Future plans
So? Kelan pa nga nga un last time na nag-usap about sa future? matagal tagal na din. Naisip mo ba na baka hindi na ikaw un gusto niyang makasama sa future niya?
 

Ano sa tingin mo? Is it worth saving or not? 
Do you think he/she still loves you the same way as before or feelings had changed already? Oh well.