Showing posts with label It's complicated. Show all posts
Showing posts with label It's complicated. Show all posts

Sino sa dalawa?

Sino nga bang nararapat piliin?



Yung bagong pag-ibig na dumating 


o


 yun nakaraang nagbabalik?


_____________________________________________________





NAKARAANG  NAGBABALIK kasi..

Why not? chances are, mahal mo pa. Nung sinabi mo months o years ago na nakamove on ka na at masaya ka ng wala na siya sa buhay mo, kasinungalingan lang pala na pilit mo pinapaniwala sa sarili mo. Dahil yun totoo, nung bumalik siya, nung makita mo siyang muli, kasabay nung bumalik lahat ng feelings mo para sa kanya na hindi mo maibaon sa limot. A part of yourself is still hoping na magiging kayo ulit o may chance na finally maging kayo, atleast. Umaasang maybe this time, masusuklian na yun pagmamahal na naibigay mo noon na nasayang lang, na this time may pag-asa na love wont end.


Pero isipin mo rin muna syempre, bakit nga ba in the first place eh nag-end yung kayo? Ikaw ba ang nagkulang o siya ang hindi lumaban? Ikaw ba ang bumitaw o siya yun hindi na kumapit? May pagmamahal pa nga ba o wala na lang pakialamanan? This reality na kailangan mo munang iconsider kung worth a second try pa nga ba o youre just bound to have a broken heart again. Sige, ikaw rin.


Sabi nga kasi, ang binabalikan lang e yung naiwan at hindi yun nang-iwan.. Tho pwede rin na walang nang-iwan sa kanilang dalawa kasi they both decided na maghiwalay ng landas. So what if nga magkita sila ulit? Siguro pwede nilang isipin na "destiny" yun. Or possibly just an excuse to be reasonable enough to push and try to make it work again. The tricky part is pag nagmamahal tayo ng sobra, we always choose to believe what we just wanted to believe, Ke totoo man yun o hindi.





BAGONG PAG-IBIG kasi..

Opkors! Yes to new start and fresh feeling. A chance to find love that will last forever.


Sinong tatanggi sa bagong pag-ibig na maaaring natagpuan mo o sadyang nakalaan para sayo? Yun mga panahon na akala mo wala ng magmamahal sayo, na lagi ka na lang naiiwan, o di kaya nababasted at inaayawan, Laging nafre-friendzone o sadyang ang natitipuhan mo eh yung hindi ka magugustuhan. Yun akala mo wala na talagang makakapansin sayo o magsusukli sa pagmamahal na ibinibigay mo.


At sa hindi inaasahang pagkakataon, biglang may dumating. Yun taong nagmamahal ng totoo at tanggap yung buong ikaw. Yun hindi mo kailangan manglimos ng love, time and attention dahil kusa niyang binibigay sayo para iparamdam na mahalaga ka at mahal na mahal ka niya. Yun naging dahilan para maghilom ang lahat ng sugat at sakit na nararamdaman mo dahil sa mga naunang pagkabigo. Yun naging dahilan para maniwala ka ulit sa love.



------------------------------


Oo na nga. There is always someone from our past na hindi natin nagagawang kalimutan, Say it they will always have the special place in our hearts but it doesn't mean na porke bumalik sila o nagparamdam bigla eh hilong-talilong ka ng magmamadali na makipagbalikan agad. Even with or without an invitation of reconciliation, there are certain people who dont belong in our life or even give them a major part of our present life.


Ang tanging alam ko magiging mahirap lang ang pagpili kung mahal mo pareho. Ayaw mong makasakit at masaktan. Natatakot kang mawala ang isa sa kanila. At yun ang malaking problema na dapat mong harapin para kahit may masaktan, atleast, hindi na umasa sa wala.


In the end, it's your choice that will matter.


Para sayo, sino?


Worth the WEiGH

Nakakatakot mapagtanto kung gaano kahalaga sayo ang isang tao. Magugulat ka na lang na inokupa na niya ang malaking bahagi ng buhay mo. Nasanay ka ng andiyan siya at pilit mo man itinanggi, hinihiling mo na sana huwag siyang mawala sayo. Hindi mo naman binalak na magpahalaga ng sobra pero kusa na lang itong nadama ng iyong puso. At pag nga dumating yung pagkakataon na tinamaan ka ng katotohanang yan, mamamangha ka na lang habang nakikita na isa-isang nasisiwalat ang mga sagot sa katanungan mo at damdaming pilit mong kinukubli.

 Mahalaga siya sa maraming dahilan na mahirap ipaliwanag.

Makadarama ka na lang tuloy bigla ng matinding kalungkutan habang nagbabalik-tanaw ka sa kung paano nagsimula ang lahat at kung kailan unti-unting nagbago ang mga bagay na inakala mong magtatagal. Sari-saring tanong na magpapaulit-ulit sa isip mo. Paano mo iiwasan ang mga bagay nakasanayan mo na? Paano mo mapapatigil ang isip mo sa pag-alala sa kanya? Paano mo sasawayin ang puso mo sa pangungulila sa kanya? Paano ka mabubuhay ng wala na ang taong yun? Higit sa lahat, paano ka magsisimulang muli ng mag- isa?

 Yung minsang isang estranghero sa buhay mo, ngayon isang taong hindi mo kakayaning mawala. Kung dati wala ka namang nararamdaman, ngayon lahat ng damdamin mo siya ang tanging dahilan. Kahit pa nga malayo kayo sa isa't-isa, sa kanya mo na binibigay halos lahat ng oras mo. Yung hindi mo akalaing mapapamahal sayo, ngayon, siya na yung nagmamay-ari ng buong puso mo. Siya yung taong kung noon ayos lang nandyan man o wala, ngayon hinihiling mo na sana hindi siya kailanman bumitaw sayo.


May mga bagay na nagsisimula ngunit natatapos din. Mayroon din namang hindi pa man nagsisimula, natapos na agad.


 If someone comes into your life and has a positive impact on you, be thankful that your paths crossed. And even if they get rid of you and won't stay for some reason, still be thankful that they somehow made you happy, even if it was just for a short while.

When the Heart Breaks..

Ang heartbreak daw hindi dapat ituring na kawalan kundi dapat tingnan ito bilang isang panibagong pagkakataon para makahanap ng taong mas higit na makakapagpasaya, kukumpletong muli at magtatama ng mga mali sa buhay mo.


Agree ka ba or Disagree kaya?


Agree kasi...

Sa bilyun-bilyong tao dito sa mundo imposibleng hindi ka makahanap ng taong magpapatibok muli ng puso mo. Oo alam ng puso mo sa kanya ka lang magiging masaya pero paano kung hindi na ikaw yung magpapasaya sa kanya? Paano kung kaya nga siya nakipaghiwalay sayo dahil wala na siyang nararamdamang pagmamahal at hindi na siya masaya sa piling mo? Mahirap ng pilitin ang umayaw na kaya mas makakabuting manahimik na lang sa isang tabi kung saan dapat hindi mo sila makitang masaya para iwas emote. Hindi porket iniwan ka at pinagpalit ka na sa iba eh sasayangin mo na ang buhay mo sa pagiging bitter. Hindi pa katapusan ng mundo kahit pa sa pakiramdam mo parang ganun. Masakit, oo bakit sino ba nagsabing hindi? Lalo na kung sobrang pagmamahal yun ibinigay mo.

Pero sa totoo lang,  kahit pa puno ng galit at sakit ang nanunuot sa puso mo ke aminin mo man o hindi - kailangan mo pa rin ng taong kakalinga at magpapahalaga sayo. Yung at that point in time magmumulat sayo na may buhay pa pagkatapos ng heartbreak na yan. Walang masama dahil isa yun sa purpose ng tao sa mundong ito, ang magmahal at  maramdam na may nagmamahal. Isa yang need sa buhay ng bawat tao. Pero depende rin dahil di naman porket kailangan mo ng magmamahal eh hahanap ka ng rebound at gagamitin mo lang na parang band aid na pantapal sa sakit at pain reliever para makaget-over sa ex mo. Siyempre isaalang-alang mo pa rin na kung papasok ka sa isang relasyon siguraduhin mong handa ka ng magmahal ulit. Yung handa ka na uli ibigay yung bahagi ng sarili mo sa taong yun. Yung alam mong this time kakapit ka na ng mahigpit at hindi na bibitaw muli. Be fair enough sa taong yun at lalo na sa sarili mo.


Conflict:
Yun nga lang kung gaano man kadaling humanap ng kapalit, ganun din kahirap umasa kung magtatagal ba yun o mang-iiwan lang din bandang huli. Kaya wag ka rin makampante dahil hindi porket may "love" may "forever", laging may hangganan yan. Believe me.

Kaya habang inlove na inlove pa kayo sa isat isa sulitin nyo lang, before the love-feeling expires. (hirit lang)


Disagree kasi..

May posibilidad na "siya" pa din yun tanging tinitibok ng puso mo. Hindi rin maikakaila yung katotohanan na minsan sa iilang pagkakataon may level ng pagmamahal na mahirap ng mapantayan. May mga taong hindi kayang mapalitan sa kung paano mo siya minahal.  May mga alaalang exclusive lang na kahit gayahin pa hindi matatapatan ninuman. Dahil minsan kahit wala na yung "kayo" naiwan pa rin sa puso mo yung bahaging inilaan mo para lang sa kanya.  So sa point na to, hindi mo gagamiting dahilan ang heartbreak para pumasok muli sa panibagong relasyon dahil alam mong hindi yun ang solusyon at hindi yun ang exactly na gusto mong mangyari sa buhay mo sa mga panahong to.

Okay kung mapilit ka, siguro darating din sa point na hindi mo maiiwasan na mahuhulog ka sa iba at eventually magmamahal ulit. Pero sa kabila nun hindi mo pa rin maitatanggi sa sarili mo na may kaliit-liitang space sa puso at isip mo na bantay-sarado pa rin ng nakaraan. Parang multo na patuloy na gagala sa isip mo once in a while. Para ding lumang painting na kahit puro alikabok na sa sobrang tagal eh nakadisplay pa din sa kisame ng puso mo kahit na marami ka ng ibang bagong painting. Isang matinding mantsa na panahon lang ang makakapagsabi kung kailan kukupas, kung kailan tuluyang mawawala.


Conflict:
Siguro ganun pag nagmahal ka talaga ng totoo at nahulog ka ng todo sa bangin ng pag-ibig. Hindi basta-basta nawawala, it takes a lot of time and effort para magheal ang sugat ng heartbreak na yan. At lalong mahirap mahanap yung pagkakataon na makita mo sa ibang tao yung kaligayahan at ikakakumpletong muli ng sarili mo dahil patuloy ka pa ring nakatanaw sa nakaraang hindi ka na babalikan.


Sabi mo lang yan Popoy pero sa puso mo si Basha pa rin talaga. Tsk.

_____________________________________________________



Kadalasan ang pagmamahal na ibinibigay natin sa isang tao ay may kanya-kanyang level. Hindi pantay-pantay. Merong sobrang mahal natin, merong sakto lang at meron din na kahit magkawalaan, wapakels lang. Kaya minsan sobra tayong nasasaktan dahil sobra din yun pagmamahal na naibigay natin. 

Give time. Wag magpakabitter pero wag mo din naman papaniwalain yun sarili mo na okay ka na kahit alam mong hindi pa. ayos lang umiyak paminsan-minsan, kung kinakailangan. 

Sa panahon na nararanasan mo ang heartbreak, hindi mo kailangang magmukmok na lang sa kawalan habambuhay. Hindi porket iniwan ka ng mahal mo eh iiwan mo na din ang sarili mo. The only love you shouldn't lose is the love you should always have for yourself. Gawin mo yung mga bagay na magpapasaya sayo. Don't hold back. Try something new na makakabuti at lalong magpapaimprove ng sarili mo.  Yung magbabalik ng dating ikaw na nawala o nasira ng dahil sa sobrang pagmamahal na yan. At higit sa lahat, wag mong isarado yung buhay mo sa lahat ng oportunidad na kakatok dahil lang nasaktan ka sa iisang tao. Tama na ang pag-iinarte, ang natapos lang ay yung eksena niya sa buhay mo at hindi yung istorya ng buhay mo. Marami pang sunod na magagandang bagay na maaaring mangyari. Kaya marapat lang na simulan mo na ang next chapter ng buhay mo..habang may panahon pa.


 Kung para sayo, para sayo. 
Kung hindi, bahala na si batman.
Tuloy pa rin ang buhay.



On Probation

Sa kabila ng agam-agam
Malugod na tinanggap
Sa unti-unting pagkakilala
At mga sandaling nagkausap
Labis na namangha't naging panatag

Tila may kakaibang nadarama
Parang lubid na naghihikit
Papalapit ng palapit
Hanggang sa nais ng kumapit
Dahil sa isip ay hindi na mawaglit

Sa bawat umaga'y masayang bumabati
Dahilan para gumising ng may ngiti sa labi
Hindi nakakalimot at nariyan palagi
Tanging naging sanhi upang mangarap muli
Anumang tanggi'y hindi maikukubli
Napalitan ng ligaya yaring pighati

Hindi inakalang may makakatagpo
Sa talaan ng hapis na pilit nagtatago
At lubos na makukuha yaong atensyong ginto
Tadhana nga ba ang naglapit
O isa lamang larong ipinipilit

Kayrami mang katanunga'y isinantabi na lang
Dahil gustong makinig sa pusong pasaway
Kung kaya't ang isip na pumipigil pilit sinaway
Ngunit ano nga bang napala kundi dagat ng luha
Pagkat kalauna'y nalantad ang kinatatakutan

Tiwala ay nabasag animo'y salamin
Pira-pirasong bubog na kumalat
Nayapakan at tuluyang sumugat sa kalooban
Nawasak pati yaring pausbong na ugnayan
Sadya ngang nakapanghihinayang

Dahil ang inakalang matapat na pakay
Isang matamis na bitag lang pala patungo sa
Mapait na Katapusan.

-----------------------------------


Stop, look and... Wait

Minsan sa buhay marerealize mong sobra sobra na yung nagawa mo para sa isang tao, na ang tanging magagawa mo na lang ay tumigil na. Hayaan siya sa gusto niya. Ipaubaya na lang sa tadhana ang kahihinatnan ng lahat. Hindi dahil napagod ka na o bumitaw ka na kundi dahil masyado ka ng desperado sa taong wala ng pakialam sayo.

Kung para sayo talaga kahit wala kang gawin, mapapasayo sa tamang panahon. Pero kung hindi nakalaan para sayo kahit anong gawin mo kahit anong pilit mo, useless. Para ka lang nagpupumilit itulak ang pader na obviously hindi gagalaw.

Sa mundo, may mga bagay na kailangang ipilit at may mga bagay na kailangang tanggapin na lang.

Matinding Tunay

Sinabing naiintindihan kahit hindi alam ang tunay na dahilan
Sinabing maghihintay kahit gaano pa katagal
Ngunit tinaboy na parang asong nakakasagabal
Pinalayas na parang pulubing ayaw palimusan
Tinapon na parang basurang umaalingasaw
Batid na maraming kakulangan
Hindi naging perpekto sa paningin
Ngunit puso'y tunay na umibig
Anupamang hirap kayang tiisin
Ilan mang unos kayang lagpasan
Kasama sa saya at lungkot
Karamay sa hirap at sakit
Nag-iisang sanggang dikit
Ngunit kahit anong pilit
Hindi na naging sapat
Lumitaw ang tunay na kulay
Naghahangad ng higit pa sa kayang ialay.


"THE-3-MONTH-RULE"

“Bash hindi mo ba alam yung three month rule. Lahat ng taong na inlove at naki pag break ay alam yun. Bash maghihintay ka muna, tatlong buwan. Di ba tatlong buwan bago ka makipag-boyfriend ulit. Hindi mo alam yun!… Bash may dalawang linggo pa ko. Dalawang linggo pa. 
Ba’t ba kating-kati kang palitan ako?!” -Popoy


Pahamak talaga tong "One More Chance", yung tipong kahit matagal na tong movie na to eh, usong uso pa din lalo na sa mga brokenhearted, hoping pa din at yung walang kamatayang "forever ikaw at ako din sa huli." Pamahak kasi pag pinanood mo to, kahit ayaw mong tamaan eh tatamaan ka pa din at tatagos sa puso yun bawat linya ni Popoy at Basha. May pinagdadaanan ka man o wala, hindi pwedeng hindi ka makaramdam ng kahit konting lungkot at may mangilid na luha sa iyong mga mata. Nakakainis diba? Yung tipong buo na yun loob mo para magmove on, tapos bigla na lang makakapanood ka ng mga pelikulang ganito o makakarinig ng mga love story tapos bigla ka na lang magbabalik-tanaw na parang pelikula ring nagpe-play sa isip mo yung mga memories niyo nung partner mo nuong time na masaya pa kayo at nagmamahalan na parang wala ng katapusan tapos yun ending eh magkakahiwalay din pala. Ansakit noh?

So dahil nga sa palabas na to, eto yung version ko sa 3-month-rule na sinasabi ni Popoy kay Basha.

Yung 3-month-rule na yan, ayon sa karamihan ay applicable lamang sa dalawang taong matagal ng magkarelasyon pero bandang huli sa hindi inaasahang pagkakataon at sa hindi malamang dahilan eh sa hiwalayan nauwi. Yung forever na naging "whatever" na lang at yung mga pangarap na parang yelong natunaw na lang. Wala daw itong scientific basis o reference. Sabi nga eh sa One More Chance lang daw to nauso dahil sa lahat naman ng nagkakahiwalay eh imposibleng walang kapalit agad o di kaya naman during the relationshit pa lang eh meron na palang iba at para to play it safe, makikipaghiwalay sa una para maging official sila nung pangalawa. So sa ganung mga senaryo eh hindi na nasusunod yung 3-month-rule na yan. Pero sabi nga, kung talagang minahal mo yung ex mo, rerespetuhin mo yung tagal ng pinagsamahan niyo. At eto nga yung purpose ng sinasabing 3-month-rule na yan.


Ano nga ba yun napapaloob sa "THE 3-MONTH-RULE"?
Uulitin ko, applicable lang to sa mga taong nagmahal talaga ng totoo pero kung fling lang or hindi mo namang talaga minahal yung tao eh hindi mo na kailangang gawin to.


  • "Me-Time" meaning mag-isa hindi yung makikipagflirt ka na agad agad. Please lang pwede namang magpahinga ka muna at hayaang totally makamove-on. Free yourself from stress, pait at sakit na dulot ng recent relationshit mo.

  • Dapat hanggang 3-months lang daw ang pinakasagad na palugit para iblock siya sa FB. After that, dapat kahit papaano nabawasan na yung bitterness mo. Pwede ding forever mo na siyang iblock kung ayaw mo na talaga siyang makausap o ni makita ever in your life. At kung ginawa mo yun dahil may tinatago ka then tama yan itago mo na lang. Dont be proud na iniwan mo siya dahil nakahanap ka ng mas better.

  • Kung inunfriend ka niya o blocked sa FB, ipublic ang post na gusto mong mabasa niya. Malay mo nag-iistalk siya.

  • Bawal magpost ng happy photos lalo na yung may kasama kang iba. Baka isipin pa niya eh nakaget over ka na agad agad. Okay lang yun selfie para makita niya kung gaano ka gumaganda/gumagwapo. Malay mo deep inside nagsisisi na yun na iniwan ka niya.

  • Huwag mo ng isauli yung mga gamit at regalong ibinigay niya. Huwag mo ring itatapon o sunugin. Pwede mo pang pakinabangan yan, Sabi nga ni OLX.ph, "ibenta na yan!" Or kung loveletters at random paper thingys naman yan, ipakilo mo sa junkshop hehe malay mo tanggapin dun.

  • Huwag idelete lahat ng pictures niyo together. Magtira ka nung pinakafavorite mong moments para kung sakali bigla mo siyang mamiss eh may titignan ka. Saka mo na idelete lahat pag yung tipong alam mong hindi mo na panghihinayangan after mo burahin. Minsan kasi sa sobrang bitter natin gusto natin takbuhan lahat thinking na yun yung tamang way para makamove on. 
         Second option, ilipat na lang sa private folder ng pc o di kaya isave sa isang usb/hard drive
         lahat ng happy pictures niyo tapos ibaon mo sa lupa. Hehe. Ang harsh!

  • Huwag nang balikan ang mga favorite places niyo. Lalo ka lang malulungkot at malay mo makita mo pa siya dun na may kasama ng iba.

  • Iwasang kumain ng mga favorite foods niyo, may tendency na mabilaukan ka at ikamatay mo pa ito. Sige ikaw rin, hehe.

  • Huwag mong ibroadcast sa buong universe na may "someone new" ka na, ang sakit nun pwede namang magpanggap na "friends" lang muna kayo habang hindi pa tapos yung 3 months. Tutal sa "friends" naman talaga nagsisimula lahat ng love love na yan eh.

  • Kung ikaw yung nang-iwan, bawal magselos o magduda kung makita mong parang may umaaligid sa ex mo. Iniwan mo tapos eemote emote ka jan, Gago lang? Wag ka mag-alala dahil lahat ng iniiwan hindi pa yan handang magmahal ulit dahil yun walang pakundangang nang-iwan pa din sa kanila yun laman ng puso nila.  
          Kung ikaw naman yun naiwan, okay lang yan, magselos ka pero in moderation lang ha.
          Dahil pinagmukha ka na nga niyang tanga, tapos papatunayan mo pa. Kaya hinay-hinay lang.

  • Kung lalabas ka, siguraduhin mong mga kaibigan mo talaga ang kasama mo. Hindi yung ang kaibigan na kasama mo sa mga gimik eh yung kaibigan na may "pagtingin" ka at gusto mong maging GF/BF.

  • Iwasang madevelop sa mga taong mahilig mag-advice sayo. Yun taong andyan para patawanin ka. Kadalasan sila yung mga bantay-salakay na sasamantalahin yun kahinaan mo. Wag maging marupok, bandang huli ikaw rin ang mapapahamak.

  • Bawal makipagchat o makipagkilala sa kahit sino mapaFB, twitter, IG o anupamang social networking sites.Magpigil ka muna, 3 months lang naman.

  • Huwag kang masyadong assuming. Alalahanin mo wala na kayo. Anuman ang gawin o sino man ang makasama ng ex mo, its none of your business. Still give a damn respect. Panghawakan mo na lang yung pagkakakilala mo sa ex mo. Kung siya yung tipo alam mong hindi papatol sa kung sino sino, swerte mo kasi matagal tagal bago ka mapalitan sa puso niya. Pero kung siya yung tipo na alam mong takot mapag-isa o sadyang hindi makuntento, asahan mo ng baka hindi pa natapos ang 3 months eh may kapalit ka na agad.

  • Higit sa lahat, huwag masyadong umasa sa second chance. Bihira ng mangyari yun. Dahil sa panahon ngayon, kakaunti na lang yung mga taong alam ang salitang "makuntento" at "manindigan".  Tingin mo anong naiwan niya sayo para bumalik pa siya ulit? At bakit pa siya babalik kung kaya ka niya iniwan eh dahil hindi na siya kuntento at hindi ka na niya kayang panindigan..diba? Oh sabi ko nga case to case basis din yan.


Pero minsan talaga, hindi sapat ang 3 months para tuluyan mawala ang lahat ng sakit na nararamdaman mo sa breakup niyo. Minsan kasi dun pa lang magsisink in sayo na mag-isa ka na lang pala talaga. Ang totoo, wala yan sa araw, buwan at taon para makalimot sa isang taong minahal mo ng lubusan. Hindi hawak ng kalendaryo ang feelings mo kaya hindi mo rin malalaman kung kelan ka talaga makakalimot at makakamove on. Ika nga, nasa deep intense yan ng pinagsamahan niyo. Yung tipong sa utak mo alam mong once-in-a-lifetime moments yung mga pinagdaananan niyo, it would even take you years para totally makalaya sa sakit at panghihinayang sa anumang nawala. Pero kung hindi mo naman talaga minahal yun ex mo o during the relationshit pa lang eh nafall out of love ka na sa kanya, baka 1 week lang eh paniguradong single and ready to mingle ka na agad.


Pero sana mawala man yung pagmamahal mo sa isang tao dapat andun pa rin yung respeto kahit hindi na kayo. Dapat rin hintayan mo munang fully recovered at nakamove on ka na bago ka pumasok ulit sa panibagong relationshit para hindi naman maging unfair sa bago mo. Baka isipin pa niya eh ginagamit mo pa siya para lang makatakas sa lungkot. Mahirap maging single pero mas mahirap kung paulit ulit ka na lang masasaktan.



Anong mapapala mo sa "THE 3-MONTH-RULE"?

  • Malalaman mo kung ano talaga yung naging ugat ng breakup niyo.
  • Maiisip mo yung mga mali at naging kakulangan ng bawat isa.
  • Marerealize mo yung mga bagay sa sarili mo na dapat mong i-improve o baguhin.
  • Magkakaroon ka ng sapat na panahon para mapag-isipan kung may pag-asa pa bang maaayos yung relasyon niyo o wala na talaga.
  • Matututo ka sa mga pagkakamali mo at mas magiging maingat sa susunod.
  • Maari ka pa ding masaktan sa parehas na dahilan pero mas maiintindihan mo na kung mangyari man ulit yun.

______________________________________________________________

Mahirap ba?

3 months na pahinga.
3 months na pagmomove on
3 months na bakante.
3 months para buuin ulit ang sarili.
3 months para matutunan mo ulit maging masaya nang wala na siya.



"Tandaan mo, ang 3 month rule ay hindi isang sakripisyo kundi ito ay 
isang respeto na binibigay sa taong minahal mo ng totoo."


Minsan din, hindi mo kailangan ng 3-month-rule na yan. 
Dahil pag mahal mo talaga yung taong nawala sayo, hindi mo gugustuhing makamove on. Magpapatuloy ka pa rin sa pagmamahal sa kanya kahit na hiwalay na kayo at kahit pa imposible ng maging kayo ulit.


till next emote :)
*may mga dinagdag at inedit as of kani-kanina lang.

One More Chance

"Mahal na mahal kita pero ang sakit sakit na..."

Minsan sa sobrang pagmamahal hindi natin namamalayan na nakakasakit at nakakasakal na pala.  Na buong akala natin okay lang ang lahat, na parehong gusto ng bawat isa yung mga bagay na nangyayari. Yung sari-saring demands, expectations at minsan rules na dapat sundin ng bawat isa.  Both agreeable sa simula, pero sa kalagitnaan yun na yung pinagsisimulan ng matinding away.  Okay sa kanya pero sayo hindi pala or okay sayo pero sa kanya hindi na pala.  Hindi lang pala siya umiimik dahil tinitiis niya hanggang sa makakaya niya dahil naniniwala siya na nagmamahalan kayo.  Mahal nga ba?  o mapapamura ka na sa sobrang pagtitimpi?  Paano kung nasa isip na lang pala at hindi na dama ng puso? O dama ng puso yung pagmamahal pero sa isip mo hindi na worth it?

Isip isip. Eto yung stage na....

Sabi ng isip:

"ang dami ko ng ginawa at sinakripisyo pero bakit ganito pa din kami? Parang hindi na worth it."

"Siya na nga ba talaga yung gusto ko o baka may iba pang mas better na nakalaan para sakin?"

"Nasasakal na ako! Masyado siyang demanding, ni hindi ako makagalaw sa gusto ko talagang gawin dahil natatakot ako na masaktan siya at panigurado pag ayaw niya wala ako magagawa, mag-aaway lang kami."

"Puro na lang away, wala na akong ginawang tama!"

Dito mo maiisip na baka nagkamali ka ng pinili, na baka hindi ka naman talaga inlove sa kanya.  Na natuwa ka lang sa existence niya na nakikita't nadadama mo yung pagpapahalaga niya sayo at nung mas makilala mo na siya at nakita mo yun "flaws" niya unti unti ng nalusaw yung "love feeling" mo sa kanya.  Kaya narealize mo na lang bigla na hindi na pala siya yung gusto mong makasama habang buhay.  Yung feeling mo nuon na "wala ng hahanapin pa coz you found the one" at this time hindi ka na kontento, na hindi ka na sigurado kung siya pa rin ba talaga..you just feel you deserve better than him/her.

 
Sabi na puso: x________x


This kind of realizations dadating sa point na mapapagod, magsasawa at makikipagbreak na lang.

1. Dahil sa gustong makawala at makahanap ng mas deserving.  Feeling mo kasi hindi na siya yung missing piece na makakapagpakumpleto sayo.

OR

2. Maaaring dahil gustong mapag-isa, makapag-isip, makapagpahinga muna para marefresh at mawala lahat ng galit at hinanakit na naipon.  Parang computer lang yan na nagkavirus, kailangang ireformat para maging maayos ulit.  Kaya nga siguro naimbento yung salitang "someday" para sa pag-asa na magkabalikan.  Malay mo, kung kayo, kayo talaga in the end.


If kaya pang ayusin pilitin. What if this is really what both of you need? 
Then just be strong. Magiging mahirap at masakit pero hopefully all the pain will be worth it.
------------------------------------------------------------

Kapag nakikipagrelasyon kasi, hindi pwedeng sarili lang yung iisipin. Andun lagi yung icoconsider mo yung kapakanan ng karelasyon mo.  Pag nagmahal ka (yung totoo talaga) you give a part of yourself sa taong mahal mo.  In that way it makes you feel complete.  Dapat handa kang tanggapin siya ng buo. As in buong buo.  Na kahit pa makita mo yun bad side niya, yung flaws niya hindi ka matuturn off.  Sa halip iintindihin mo at unti-unti mo ipaparealize sa kanya yung mga bagay na dapat iimprove niya para sa sarili niya at para sa betterment ng relasyon niyo.  Lahat ng bagay mahirap at komplikado pero magiging madali lahat ng yun kung andun yung "buong pagtanggap" na anumang manyari alam mo sa sarili mo hindi ka kailanman bibitaw kahit pa anong mangyari.

Pero lahat nga yata dito sa mundo, may expiry.

Sa totoo lang, madaling mainlove at magmahal.  Ang mahirap dun is kung paano ka maninindigan sa pagmamahal na yan at kung hanggang kailan mo kakayaning tuparin yung mga pangako lalo na yung "kahit anupaman, walang bibitaw"

Sana lahat ng couple na dumadanas ng saya at lungkot, hirap at sakit maging katulad ng best movie ever na One More Chance - na nagmahalan, nagkasakitan, napagod at nagkahiwalay man ng mahabang panahon bandang huli Popoy at Basha pa din talaga in the end ang meant to be.

Ang pag-ibig ay isang pagpili, hindi emosyon lang. Dahil kung ibabase lang sa emosyon, hindi talaga magtatagal gaya ng pabago-bagong nararamdaman ng isang tao. Pero kung yun ay choice, magbago man ang lahat hindi mababago kailanman yung pagmamahal na nararamdaman.

Siya o Ikaw?

May mga bagay na gusto mong alamin pero ayaw mong malaman dahil alam mong ikaw din ang masasaktan.  Tulad ng dahilan kung bakit nagbabago ang isang tao.  Kung bakit dati ubod ng sweet sayo yun bf/gf mo pero ngayon sinlamig ng klima sa Antartica ang pakikitungo sayo. Mapapatanung ka tuloy sa sarili mo.. Bakit ganun? Anong nangyari?

Siya ba yun nagkulang o ikaw lang yung hindi makuntento?
Siya ba yun naglihim sayo o ikaw yun may itinatago?
Siya ba yun nagkamali o ikaw yung hindi mapakali sa sobrang pag-aasume? 
Siya ba yun lumayo o ikaw lang yung dumistansya sa kanya?
Siya ba yun bumitaw o ikaw yung hindi na kumapit?

Minsan dahil sa sakit na naidudulot ng katotohanan, minamabuti natin magkubli sa katahimikan. Kung saan pwede nating isantabi ang mga katanungang ayaw nating sagutin. Kung saan gusto nating papaniwalain ang ating mga sarili na magiging okay pa din ang lahat. Ngunit hindi sapat na sabihing walang magbabago, lalo na kung ang pag-ibig nyo para sa isa't-isa ang unti-unting naglalaho.

Sometimes we refuse to know the truth because 
we are so scared to drown into too much pain. 

Bakit nga ba kailangan pa na may magbago? Bakit pa kailangang maging kayo kung hahantong lang din pala ang lahat ng sinimulan sa isang napakalamig na wakas...

Yun akala mo forever na, well hindi pala.

Relationship Status: M.U

Minsan meron, minsan wala. 
Minsan KAYO, minsan hindi. 
M.U kasi.
  • Magkarelasyon Unofficially
Parang kayo pero hindi naman kayo.  May tawagan kayo, sweet endearments pero hanggang dun lang. Nagseselos kayo pag may ibang pumapagitna sa inyo pero pareho niyo ding alam na wala kayong karapatan sa isa't isa. Wala kang magagawa kung dumating man yun time na makipagdate siya sa iba.  It shows na gusto niyo pareho ang isa't isa but something's holding you back maybe fear of rejection na baka nag-aassume ka lang na same yung feelings niyo or more likely ayaw or hindi kayo ready sa commitment.

  • Mahirap Umasa
Kelan nga ba naging madali? Lalo na kung umaasa ka sa wala. Yung papaniwalain ka tapos hindi naman pala tototohanin. Yung naghintay ka ng matagal tapos hindi ka sisiputin. Yung akala mo dahil pinaghirapan mo ng sobra, you assumed to hear good news pero palpak pa din pala dahil hindi mo nameet yung standards na kailangan. Mahirap talagang umasa dahil hindi mo hawak ang mga susunod na mangyayari.

  • Malabong Ugnayan
 Masarap sa umpisa pero mahirap umasa na darating pa yung time na magkakaron ng linaw kung ano nga ba talaga kayo. Kung may papatunguhan ba yung love story niyo o hanggang fling thing na lang. Tipong ineenjoy niyo na lang pareho yung kilig moments at hihintaying mawear off na lang.  Malabo pa sa maduming tubig. Wala kayong bragging rights para sa isa’t isa.  Nagagawa niyong sabihing mahal niyo ang isa't isa pero hindi niyo din alam kung totohanan na ba o joke lang.   Ang gulo na nga ng mundo, ang gulo pa ng status ninyo.. How sad!

  • Matampuhing Unggoy
 Pwede ka magtampo pero wag mo aasahang lalambingin ka niya. Yung mga taong konting kibot lang, nagtatampo na agad. Pero kahit pa siguro napakaunpredictable ng ugali niya ar asar na asar ka na, mahal na mahal mo pa din. Aminin,

And lastly,
  •  Mag-isang Umiibig
  Darating yung time na magkakaalaman kayo kung pareho ba kayo ng nararamdaman. Sa larangan ng M.U, unang mainlove ng totohanan, talo.  Hindi ka pwedeng mag-feeling na kayo kasi baka magulat ka at sabihin niyang,Tayo ba? Hindi naman diba”  Kaya don't ever get too attached with someone lalo na kung walang kasiguraduhan dahil maiiwan ka lang na mag-isang umiibig.


Mas okay nang parang kayo kahit hindi naman...
kesa sa kayo nga pero parang hindi naman!

Certified Hindi Makamoveon

Paano mo nga ba masasabing hindi ka pa nakakamoveon? Madaling papaniwalain ang lahat at sabihin na "nakamoveon na ako" pero deep inside hindi pa talaga. Yung pag mag-isa ka umiiyak ka pa din at hindi mo pa din matanggap ang lahat, hindi mo maisip kung bakit ka niya iniwan o ipinagpalit sa iba. You can't seem to find the right answers sa mga tanong sa isip mo at tanging ending ng pag-eemote mo eh gusto mong balikan ka niya.

Ikaw ba yung iniwan?
O ikaw yung nang-iwan?

Either way, yung mga signs para dun halos magkapareho lang.

--> MEMORIESzation
Wala na siya at tanging natira na lang sayo ay yung mga memories niya na halos kabisado mo na dahil paulit ulit at walang katapusang nagpa-flashback sa isip mo or sinasadya mo talagang alalahanin ang lahat dahil namimiss mo siya.  Yung mapait na katotohanan na yung mga bagay at pagkakataong hindi na mangyayari pang muli.

--> BITTER OCAMPO ang peg
So lahat na ng negative emotions ikaw na ang sumalo. Hindi mo matanggap na iniwan ka ng taong pinakamamahal mo. Obviously you cant move on, self inflicted yung pain at feel mo laging magdrama, nagrereminisce na punong puno ng sadness and regrets, worse every little thing sa mga naaalala mo sobrang apektado ka pa din kahit halos mag-iisang taon na kayong wala.


--> VIRTUAL STALKER
Binlock at inunfriend mo sa fb dahil sa sobrang sakit at galit mo sa kanya pero may mga times naman na nakikisilip ka sa fb wall niya gamit ang fb ng ibang kamutual friends niyo.  Nakafollow ka din sa twitter at instagram niya anonymously. Updated ka sa lahat ultimo blog niya kun meron man. Walang kaalam-alam yung ex mo na ikaw pala yun.


--> AYAW MAGPALIT NG NUMBER
Umaasa ka pa din na isang araw itetext o tatawagin ka niya para mangamusta (seriously?!) at yun deep inside hoping ka pa din na marinig mo sa kanya "miss na kita".  Hayan pa yun binura mo nga yun number niya pero kabisado mo naman.


--> MONTHSARY FEVER
Kung dati kaabang-abang ang araw na yan, nung naghiwalay na kayo halos ayaw mo ng dumating ang mismong petsa na tanda ng inyong "pag-iibigang nauwi lahat sa wala" Feeling mo lalagnatin ka sa sobrang lungkot at sama ng loob.


--> AFFECTED MUCH SA NEW LOVE NIYA
Yes, you heard it right! May bago na siya.  Yan kasi, wala ka kasing katigil-tigil ng kakatingin sa fb, twitter, instagram niya kahit pa ng inunfriend + block niyo na ang isa't isa eh nakakagawa ka pa din ng paraan para makasight seeing sa mga personal account niya. Yan tuloy. Masakit ba? Yung di mo namamalayan na tumutulo na yung luha mo at naninikip yung dibdib mo.  Halo-halong emosyon - pilit mong kinukumbinsi ang sarili mo na ayos ka lang kahit na kulang na lang himatayin ka na sa sobrang sakit.


--> ANTI-AMNESIA
May mga bagay na ayaw mo ng maalala pero hindi mo magawang kalimutan. Only time will tell. Kung makakalimutan mo siya o masasanay ka na lang na wala na siya.


--> WAITING IN VAIN
Ikaw na ang madaming time! Nag-uumapaw para aksayahin mo sa paghihintay sa isang taong nakaraan na.  Sabi nga, kung kayo, kayo talaga. Kung hindi, e di wag diba? Kung dati lovers kayo, ngayon remove L from Lover - its now Over.


--> READY TO FORGIVE
Hindi ka pa nakakamove-on kung sakaling magsorry siya at makipagbalikan (kahit na anong bigat ng kasalanan niya sayo at sakit na idinulot niya) eh tatanggapin mo pa din siya ng open arms at papatawarin agad agad. Dalawang bagay din yun - pwedeng napatawad mo na siya dahil nakamove-on ka na or napatawad mo siya dahil gusto mo "kayo ulit". Okay lang kung totoo yung "love is sweeter the second time around" pero paano kung hindi? So goodluck na lang ha.


Nakamove-on ka na nga ba?

Unfair

Anong pakiramdam nung...

Yung binigay mo na lahat ng pagmamahal pero in the end, mag-isa ka pa din.

Yung naging totoo ka naman sa bawat relasyon pero lagi ka na lang naloloko - mga mabubulaklak na salita at mga pangakong napako.

Yung pinili mo siya pero may pinili na pala siyang iba.

Yung hindi mo naman hinihingi pero nangako siya sayong hindi ka niya iiwanan but then later on, iniwan ka din.

Yung siya nakamoveon na, samantalang ikaw standing on the same ground ang peg.

Yung pilit mo lumilimot pero still attached to the past, hindi na makaforward.

At yung may darating sayo pero hindi mo na magawang ientertain dahil..
 qouta ka na sa lahat ng sakit na naramdaman mo.

Unfair diba?

Pangarap o Pag-ibig

Naranasan mo na ba malagay sa sitwasyon na wala kang magawa? Yung wala kang mapili kasi parehong mahalaga sayo?  Pangarap nga ba o pag-ibig? Yun matagal mo ng pinangarap na makamit para sa sarili mo o yun pag-ibig na alam mong hindi mo makikita at mararamdaman sa iba?  Nag-iisa lang siya pero magagawa mo bang baguhin ang sariling pangarap mo para sa pagmamahal? O hahayaan mo na lang mawala yung mahal mo kapalit ng pangarap na inaasam-asam? Pikit-mata mong iiwan ang mahal mo dahil nais mong matupad yung pangarap mo para sa sarili mo. Kaya kung umiwas na lang siya sayo hahayaan mo na lang dahil para sayo yun yung makakabuti.

Mahirap intindihin ngunit di hamak mas mahirap tanggapin.

Popoy to Basha

 Kung gusto/mahal mo ko, sabihin mo naman kaagad. Hindi yung ginagawa mo akong manghuhula sa lahat ng bagay na pinapakita at pinaparamdam mo sa’kin, kasi sobrang hirap. 
Alam mo yung feeling na binigyan mo ko ng lugar sa buhay mo pero hindi ko alam kung saan ako pupwesto.

Bitaw

Loving is not owning we can let it go...

Minsan sa buhay makakakilala ka ng taong magpapabago ng buhay mo at mamahalin mo siya ng sobra-sobra.  Ang masakit lang dun hindi mo malalaman kung hanggang kailan siya magtatagal sa buhay mo. Nothing is permanent, kung may permanent man eh yun yung pagbabago. Ang magagawa mo lang ay mahalin siya habang na sayo siya. Angkinin mo hanggang gusto mo pero pag dumating na yung time na binawi na siya sayo, matuto kang bumitaw.

Yun bang kahit gaano mo ipaglaban yun pagmamahalan niyo parang wala pa ding tamang nangyayari. Puro problema na lang at pati kayo nagkakasakitan na.  Naisip mo ba? Tadhana man ang naglapit sa inyo, maaaring tadhana din ang makapagtatakda ng paghihiwalay niyo.

Ipaglaban mo man ang taong mahal mo kung ayaw na sayo at kung magiging komplikado lang ang lahat, hindi masamang mag-give up.

OO, mahirap. Wala namang nagsabing madali. Pero diba mas mahirap kung ipagpipilitan mo pa yung hindi na pwede?

Pwede ka pa din naman magmahal.

Yung pagmamahal na kahit hindi na kayo pwede, masaya pa din kayo para sa isa't isa.

The Confusion

Sino ba ang mas mahalaga,
ang taong mahal mo
o ang taong gusto mong mahalin?

ang taong kasama mo buong araw
o ang taong iniicip mo bago matapos ang araw?

siya bang kasakasama mo sa lhat ng ginagawa mo
o siyang dahilan ng lahat ng galaw at ginagawa mo?

sino ba ang mas mahalaga..
ung taong nais mong makasama habang buhay
o ung taong hindi mo makita ang habang buhay kapag wala siya?
sino ang mas matimbang..
yung taong pag kasama mo'y parang kay bilis ng oras
o ung taong tuwing iniicp mo'y parang kay bagal ng oras?

ano ang susundin mo..
ang dinidikta mo sa puso mo
o ang dinidikta ng puso mo sayo?

siya ba un laging pumapasok sa isip mo
o siya un laging laman ng panaginip mo?
sino nga ba..
ang taong nagpaluha sayo,
o ang taong nagpunas sa minsang pagluha mo?
sino sa kanila...
ang taong nagpapatawa sayo
o ang taong dahilan ng lahat ng iyong emosyon?

sino nga bang pipiliin mo???

ANG TAONG MULING NAGBUKAS NG PUSO MO..
O ANG TAONG MATAGAL NG NANDOON?

nakadesisyon ka na ba???

Pili na!
Baka masaktan pa ang isa sa kanila
o ikaw pa mismo.