Wednesday, December 26, 2012

Tears.

This.




Sunday, November 11, 2012

Letting Go.

(Caveat: My post is as unorganized as my thoughts, it seems.)

Break-ups need not be messy... But they can never be painless. I think.

As I rode the jeepney from our last date, I shed my first tears. My first because I think ngayon lang nagsink- in sa akin na wala na tayo. Wala na tayo; not because this is what we want, but because this is what we need.

Tama ka: You were my best friend. You were my much-needed attractive distraction. You kept me sane. Sa 'yo uminog ang social life ko when I isolated myself during the review. Kailanman ay hindi ko pagsisisihan that I took the risk of loving again.

Napasaya mo 'ko; masayang-masaya. Kahit di mo halata sa akin. And I'll forever be thankful for everything you've done for me. Kahit na sa tingin ko wala akong ibang naidulot sa 'yo kundi sakit ng kalooban.

Pakshet, naiiyak na naman ako.Kung malungkot ka dahil di na natuloy ang plano mo na ikaw ang unang magdadala sa akin sa EK, mas nalulungkot ako dahil di man lang kita nabigyan ng kahit anong alaala... Nagbirthday ka pa naman...

(Pasensya na kung hindi ako nakapagpost ng mga masasayang ala-ala natin. 'Wag mo sanang isipin na walang halaga sa akin ang mga 'yon. I think mas gusto ko lang talaga solohin ang masasayang ala-ala.)

Sorry talaga sa lahat. Ako lang talaga magulo ang isip. Wala kang ginawang masama.... Kaya 'wag mo sana sisihin ang sarili mo...

I do wish that you'll be happy. Nawa'y matagpuan mo ang kaligayahang magtatagal na hindi ko maibigay sa 'yo...

As for me, I'll always think kindly of you and remember the happy memories...

This is not goodbye. Bagong simula lang. We'll get through this. As friends.


-------------------------

Take Care of Yourself


Wednesday, November 7, 2012

Withdrawal Symptoms.

My head is saying "fool, forget him",
My heart is saying "don't let go"

Hold on to the end, that's what I [wanted] to do I'm hopelessly devoted to you. 

- Hopelessly Devoted to You, Olivia Newton-John


I really feel like I'm losing my best friend,
I can't believe this could be
The end.


- Don't Speak, No Doubt


Nobody said it was easy
It's such a shame for us to part
Nobody said it was easy
No one ever said it would be this hard
Oh take me back to the start.


- The Scientist, Coldplay


Wednesday, September 14, 2011

Loser Like Me

First of all, NO, hindi ako nagpapaka-emo, Erik. Apparently, nagustuhan ko na rin na punuin ng rainbows at unicorns ang sangkamunduhan a la Rainbow Brite (Wait, hindi pala unicorn 'yung sinasakyan nya. But you get the idea). Kaya, I'll try my best to keep the Thestrals and the Peruvian Instant Darkness Powder away.


=======================

Anyways, ngayong na-experience ko na kung paano maging independent at mamuhay mag-isa (bunga ng walang habas na pag-aabandona sa akin ng mga kasama ko sa bahay, LOL), I've realized na kaya ko naman pala gumawa ng karamihan sa mga household chores. Maglaba, mamalantsa, magluto at maghugas ng pinggan, maghanda ng isang piging noong birthday ko. (Pinaka-ayoko lang talaga maglinis ng bahay.)

Isa pang na-realize ko sa aking napadalas na pagmu-muni (Read: bumming around) ay 'yung mga bagay na di ko pa nagagawa at natututunang gawin at ang mga lugar na di ko pa napuntahan na karamihan ay nandito lang sa Pilipinas. At sa tingin ko, I need to take action para naman mabawasan ang pagiging loser ko dahil dito:


1. Mag-bike. Sa maniwala kayo at sa hindi, may mga taong hindi talaga marunong mag-bisikleta. 'Yung single ba.

2. Mag-drive. Hindi din ako marunong mag-drive kahit na may sasakyan naman kami. Medyo nakakatamad naman kasi pag-aralan i-maneho ang isang sasakyan na ang kambyo ay nasa gilid ng manibela.

3. Makipag-usap sa Foreigner. As much as I know that I can speak English quite well, (umm, more of write in English) takot na takot talaga ako na makipag-usap sa mga non-Filipinos na nakita ko during my really-not-so-eventful trips abroad. 'Yun din siguro dahilan kung bakit hindi din talaga ako maka-gala 'pag andun ako.

4. Makapunta ng Enchanted Kingdom. Eto talaga pinakamalaking disappointment ko sa buhay. Nuff said.

5. Makapag-nature trip. Excited pa man din ako nung naimbitahan ako dun sa Anawangin. Unfortunately, di naman natuloy.

6. Really learn Japanese. I'm really fascinated by the Japanese language. I've downloaded some apps. May "Learn Japanese" game pa nga ako sa DS. Di ko lang talaga mapag-tyagaan.

7. Find a job. Kahit ilang beses ko ipinangako sa sarili ko na maghahanap ako ng trabaho over the time that I'll be alone, hindi ko nagawa. (Katamad kasi 'pag pinapadala na lang ang pera na kelangan mo, wahahahaha.) Pero dahil babalik na sila dito, mapipilitan akong humanap ng trabaho na na-rereview na rin ako for my exams next year. Tumataggap kaya sa RTC ng hindi pa nagba-Bar?

8. Makapag-Boracay. Or anywhere na puti ang sands sa beach. Hmmm, alam ko talaga di ko pa na-eexperience 'to.

9. Makapagluto ng Pasta, nang walang daya. Without using the ready-made powder mixes from McCormick, that is. Hmmm, as of now, 'yung Pinoy Spaghetti at Charlie Chan pa lang kaya ko gawin without that.

====================

Well, 'yan lang maalala ko sa ngayon. Ang loser di ba? :P

Wait, parang bucket list na 'to ah. LOL. 'Wag naman.

POSTSCRIPT:

Napaka-walang kwenta ng CV ko. Paano ako hahanap ng trabaho nito... T_T

Friday, July 8, 2011

Friends.

It's been a long time since I've posted. Matagal-tagal na rin kasi nang huli akong mabiyayaan ng karanasan (sexual or otherwise) na ka-post-post. And after this night's experience, I think mayro'n na naman akong dapat i-tala sa aking Notebook para maalala. (Un)Fortunately, it's not the sexual kind.

==========================

First of all, if it gets approved by the end of this month, at matapos ang roller coaster ride of emotions na dinana ko n'ung summer, magiging official na rin ang pag-graduate ko. Finally.

And since I've decided not to take The Exams this year, and just take next year's, I've got a lot of free time now: TV, Anime and Movie Marathon (salamat sa Torrent downloads). Working Out (bumili ako ng dumbells at nagdownload ng HipHop Abs, bwahahahahaha). At syempre netsurfing. Wikipedia. YouTube. Occassional Porn.

One time, out of the blue, bigla kong naalala si Dean Cain. He was one of my crushes nung ako'y bata pa (read: dalaginding).



Syempre type agad sa YouTube search: "dean cain gay". Voila! May gay-kissing scene daw s'ya sa isang pelikula, "The Broken Hearts Club: A Romantic Comedy".


Syempre wikipedia muna ako:

The film follows the lives of a group of gay friends in West Hollywood. Among the group is Dennis (Timothy Olyphant), a photographer who often holds the group together; Cole (Dean Cain) a handsome, charismatic actor who — often unwittingly — ends up with other people's boyfriends; Benji (Zach Braff), the youngest member of the group, with a penchant for gym-bodied men, who finds himself going through some bad times; Howie (Matt McGrath), a psychology student who is known for overthinking every situation; Patrick (Ben Weber), the cynic of the group; and Taylor (Billy Porter), who has long boasted about his long-term relationship, which has just come crashing to an end. Guiding them is restaurant owner Jack (John Mahoney) who provides them with advice. But when tragedy strikes, and the group's newest member, 23-year-old Kevin (Andrew Keegan), attempts to fit in, their friendships are put to the test.


Nu'ng una akala ko it's just like one of those tragic gay movies (read: Pinoy Pink films) again, where one of the male lead dies. (AIDS. Murder. Car accident.) I should've believed the title, though, because the film's no tragedy at all.

It's actually about the most cliche of movie themes: friendship, love, acceptance. All set in the "gay world". Sobrang naka-relate ako sa pelikulang ito. I feel like I have (and had) bits and pieces of myself in each of the main characters: Dennis' fears and uncertainties. Cole's abandonment tendencies. Benji's longing for HIS time to shine. Howie's obsession into being more straight-acting. Patrick's insecurities about his "image". Kevin's ideals and "newbie"-ness.

Sobrang daming memories lang ang bumalik sa akin habang pinapanood ko ang pelikulang 'yun. Hehehe.

In fairness, nakaka-miss...

=====================

Oo nga pala. Ipinaalala din sa akin ng pelikulang 'yun 'yung iba ko pang mga crushes dati (LOL):


Andrew Keegan



Michael Bergin (of Baywatch)


and Antonio Sabato, Jr.,


who I found out to have made "gay" films too. Looks like I've still got a lot to download. Hehehehehe. :D

==============

I'll end this rather long post with two quotes from the movie:

"Everyone can't be straight. Everyone can't be beautiful. Everyone can't be the same, Patrick. Some people are just gay and average. We're the strongest I think."

"A lot of people ask me when I first knew I was gay. Fact is, I don't know. But what I do remember, what I can recall, is when I first realized it was Okay: It was when I met these guys. My friends."

Monday, January 24, 2011

Dear You,

Dear You,

Simula pa lang, I've had qualms in even listening to your sweet words. From your stories of sexcapades kasi, alam kong you're probably like the others. Kahit pa na sabihing isa ka sa matatalik na kaibigan ko noong college, I felt that, ever since we came out to each other, I don't know you anymore. Maraming taon na kasi ang lumipas, at marami na ang nagbago. Natatakot ako na baka isa sa mga nagbago ay 'yung mga magaganda mong katangian. Natakot ako na baka naging katulad ka na nga ng karamihan sa mga tulad natin.

But, even so, I decided to give it a try. Malay mo nga naman. Magka-vibes tayo noon, baka maibalik pa 'yun ngayon. I thought I'll be able to get to know you, again. Pero hindi. I guess I had a double dose of my own "cold" medicine. Di ko akalain na may mas magiging mas malamig pa sa akin when it comes to "dating".

You can do Christmas parties. You can upload vids on Facebook and even comment on your friends' status updates.

But you're too busy to send a message, asking me how my day was. I know a lie when I see one (I've been trained to, for almost four years now.)

Sabi ko nga sa dati kong ex, I can survive without even seeing him kung may communication kahit sa text lang. Sa simula pa lang sinabi ko nang mahalaga ang communication sa akin. Sa palagay ko, di malaking demand ang minimum requirement ko na 'yun. (Madami akong kilala na gusto nila na at least once a week na pagkikita.)

Simpleng pakikipagtext lang ang hinihingi ko, para kahit papano naman makilala kita uli. Pero gaya nga ng sabi mo ang stress level mo ay (in Juday's words) "hanggang dito na" (sabay muestra ng kamay sa ibabaw ng ulo), kaya di mo magawa. But, as I have stated above, kung kaya mo mag-FB, siguro naman di na malaking effort ang magtext, di ba?

Oo, siguro kulang ako sa pansin. But I think, in this case, justified naman (kahit di naman officially tayo) na manghingi ako ng kahit konting pansin from you. Ikaw nagsimula nito, for crying out loud.

Siguro nga, nagoyo na naman ako. Nadala sa mga matatamis na salita. Siguro nga napasubo ka lang nang sinimulan mong suyuin ako at hindi ka na makawala ngayon kaya ginagawa mo ang lahat ng di pagpansin sa akin, para ako na mismo ang umayaw. Ako naman 'tong si tanga, at di magawang magalit ng tuluyan.

Kung totoo man mga hinala ko, di ko akalain na magagawa mo 'yun: almost eight years of friendship.

Anyways, I think I've had enough of whatever we have. The way you are now, di ikaw ang hinihintay kong inspiration for my (hopefully) last semester sa school and my upcoming exams. The way you are now, isa ka lamang malaking distraction (Yes, inaamin ko na lagi kitang iniisip kahit di ko alam kung ganoon ka rin sa akin). And one hell of a "sucker" (unlike me, of course).

At kahit na ipinangako ko na hindi ako magba-blog tungkol sa 'yo, 'eto at ginawa ko pa rin. Ganoon talaga. I can lie, too, you know.

Sana maging masaya ka sa buhay mo. Madami-dami ka 'ring pinagdaanan. Pero di 'yun excuse para ilugmok mo ang sarili mo sa kung ano man 'yang ginagawa mo.

Oh well. Good luck sa 'yo. Magbago ka na.

Nagmamahal (but I hope, not for long,)

Me :)

===========================

POSTSCRIPT (2/9/11)

Who am I kidding? I don't want you to be happy. I hope you'll be more miserable. I hope you'll suffer more. 'Wag mo na akong kakausapin, gago ka. Di na sana tayo magkita, animal. Kakarmahin ka ding, hayop ka.


POSTSCRIPT (2/14/11)

Well, winarningan na kita, noon pa. At alam ko kahit papaano nabasa mo naman sa blog ko na mababa talaga self-esteem ko. Tapos ngayong di mo kinaya ka-praningan ko, sisisihin mo 'ko. Kapal din talaga ng apog mo.

Huwag mo isisi sa di ko lubusang pagtitiwala sa 'yo ang nangyari. Kung hindi ka lang nagsinungaling, I would've trusted you more. Siguro nga mali mga hinala ko, pero you still lied. At alam kong alam mo kung ano nangyari sa "The Boy Who Cried Wolf".

I've always wanted you to give me something that I can hold unto. You never did. Ni salita mo nga di ko mapanghawakan. What else can you expect from me. Duda. Doubt.

At huwag mo rin isisi sa pagsasabi ko ng totoo kong nararamdaman ang pagtigil mo sa pag-reach out sa akin. And don't play "you're trying to save our friendship" card. Ang totoong kaibigan, hindi kunsintidor. Ipapamukha at ipapamukha niya sa 'yo ang maling ginawa mo. Kung talagang gusto mo mag-work 'yun, sasabihin mo ng diretsahan (gaya ng ginawa mo sa text ngayon) ang nakita mong ayaw mo.

Pero hindi mo ginawa. As it appears, ang di mo pagsasabi ng tunay mong nararamdaman noon, kahit ilang beses kong sinabi na magsabi ka ng totoo, ay nagpapakita lang na you, yourself, gave up early on. You, yourself, didn't want it to work out.

Aminin mo na. You never tried your best.

Well, as of now, I stand by what I asked of you, last week. 'Wag mo na akong kakausapin at 'wag na 'wag ka nang magpapakita sa akin.

Tuesday, January 18, 2011

Cheater's Scandal.

WARNING: Sex Scandal talaga 'to. Posted this for their conversation, not the sex scene.

Leche. Scandal ng Cheater. Nakakawala ng libog. Magka-STD ka sana. LOL.


Saturday, December 25, 2010

The Beginning of the End of Abstention (?)


ab·sten·tion
n. The act or habit of deliberate self-denial.


TIPS PARA MASIYAHAN SA KAMA KUNG WALA NAMANG PAGTATALIK NA MAGAGANAP (AT PURO FOREPLAY LAMANG)


1. Habang magkatabi kayo ng iyong ka-foreplay, manaka-nakang singhutin ang kanyang kili-kili. Kung may amoy, tanungin mo kung ano ang gamit nyang deodorant. Sagpangin ang pagkakataong makatulong--bigyan mo sya ng payo tungkol sa paliligo at pansariling kalinisan.


2. Habang buong pagmamahal mong hinahaplos ang kanyang pag-aari, pag-usapan nyo naman yung tungkol sa Nuclear Disarmament. Alamin kung bakit hindi "missile" yung kanya kundi kwitis. Maging masaliksik.


3. Subukan nyong dalawa na sunding lahat yung ipinapayo sa kahon ng paborito mong hair coloring brand. Kulayan nyo ang inyong mga bulbol ng mga masasayang kulay: Magenta, Lilac, Golden Brown, Mint Green, Sky Blue at iba pa. Gamitin ang inyong imahinasyon.


4. Magpaligsahan kayo. Tingnan mo kung matatalo ka ny sa dami ng utot sa loob ng isang oras. Be competitive.


5. Magkumpara. Bumili ka ng Plastic Baloon at palobohin ito. Pagkatapos ay isuot sa kanyang ari.. Kumuha ng lapis at papel at ilista ang lahat ng di magandang katangian ng plastic baloon na ginawang condom at mag-argumento na sana Bazooka Bubble Gum na lang ang binili nyo.


6. Mag-mumog ng tunay na sukang Paombong at hipan ang ilong ng iyong ka-foreplay. Alalahanin nyo ang inyong masasayang sandali noong ang pinang-mumog mo ay patis Malabon.


7. Habang kayo ay buong tamis na naghahalikan, manaka-nakang pag-usapan ang inyong planong pumunta sa dentista upang maisaayos ang sungki-sungki nyang ngipin. Huwag kalimutang magpa-pasta para hindi napapasok ng kanin ang bagang mong may butas.


8. Punitin ang mag pahina ng binabasa nyong Porn Magazine. Gawing bangkang papel (tag-isa nyong dalawa). Ipa-anod-anod nyo sa bowl ng kubeta. magpustahan kayo kung kanino ang unang lulubog....PEACE sa lahat!!!


By: Agent_077

=======================================

Was reading drafts and found my collection of Agent_077's tips. I decided na very timely ang tips na 'to, for me. And I'll leave it at that. :)

Nasaan na kaya ngayon si Agent_077? Hmmmmm....

At kagaya mo, di ko din alam kung ano kinalaman sa Pasko nitong post na 'to. :P