Showing posts with label bird flu. Show all posts
Showing posts with label bird flu. Show all posts

Friday, October 17, 2008

Ang Lahing Matibay

Sa darating na taong 2018 ay posibleng hindi na puproblemahin ang nakakahawa, nakamamatay at kinatatakutang bird flu (September 2008 isyu ng Poultry International). Nilalayon ng pag-aaral at pananaliksik ng mga dalubhasa sa United Kingdom na makapaglikha ng isang lahi ng manok na may likas na resistensiya at kakayahang puksain ang Avian Influeza H5N1 virus!

Ngunit ang mga viruses ay makapangyarihan, mayroon silang kakayahang regular at patuloy na magbagong-anyo sa loob ng katawan ng isang tao o hayop –isang dahilan kung bakit napakahirap silang puksain. Hindi kaya maaaring may panibagong anyo at mas nakamamatay na uri ng bird flu virus na namang susulpot bago pa man mailabas ang may malakas na resistensiyang lahi ng manok sa 2018?

Sa makabagong panahon, halos wala nang imposible sa katalinuhan ng tao. Kaya handa akong maghintay, mananalangin at aasang ang proyektong ito’y magtatagumpay!

KAILAN KAYA MAGKAKAROON NG PAG-AARAL at pananaliksik na ang layon ay makalikha ng mga lahi ng taong hindi sakim sa kayamanan? ‘Yong isang proyektong sasadyaing makagawa ng mga lahi ng taong likas na may kasiyahang-loob at puno ng pagmamahal sa kaniyang kapwa tao? Sa makabagong panahong punong-puno ng karunungan, maari kaya itong makamtan?

Kapag ang ating pamahalaan ay maglalaan ng ‘isang bayong may laman’ (pwede ring doblehin tulad ng nakasanayan) para sa proyektong ito, ako’y magkukusang-loob na ihinto na ang pagiging isang chook-minder, magboboluntaryo na akong maging isang mananaliksik upang makatulong sa paggawa ng panibagong lahi ng tao.