Isang simpleng tao naghahangad ng pangarap at nag bakasakali kong may patutunguhan ang kanyang paglalakbay sa mundo ng pagiging OFW.
Ito ang aking kwento sa pakikipagsapalaran.
Noong year 2006 my uncle called me na may aplayan sa Irak hindi ako nagdalawang isip at nagpasa sa kanya ng mga requirements since isa rin siyang Agent sa agency na inaaplayan ko sa Cebu…
September 22, 2006.
May tumawag sa akin isang agent pero hindi ang uncle ko na meron na daw akong ticket at visa papuntang dubai at ang flight ko is September 23 2006 at 1 pm. Since I am residing in leyte kailangan ako makaalis in that evening para makapunta ng cebu. Rush na rush talaga ang time na yon and my pocket money is only P4000+ pesos. I decided na umalis at swempre may mga luhang iniwan na di ko mapigilan at ang lakas ng loob at tiwala sa aking sarili na baka ito na ang pagkakataon makaahon sa kahirapan.
September 23, 2006.
Dumating ako sa cebu at pinuntahan ko ang aking agent sa address na kanyang binigay, In that morning I’ve text my uncle na nasa mambaling ako kasama ko ang agent at buti naman pumunta ang uncle ko at napanatag ang loob kahit konti. Bago ako umalis papuntang airport binigyan ko ang uncle ng P2500 at pati na ang celpon (3315) ko dahil daw di ko na magamit sa Irak at ang company ang mag provide sa mga expenses.
Nag taxi na kami papuntang airport at kasama ko ang agent ko at beni briefing ako pag may mag tanong sa akin saan ako pupunta dun sa tiyahin ko sa dubai at ipakita ko lang ang visa atsaka ticket. Bilang pasasalamat nagbigay ako ng P1000 sa agent ko at nag bayad pa ako sa taxi P200 instead of P140+ dahil wala daw barya so keep the change nalang, I got P300+ money on my pocket, inisip ko kaya pa kaya ito sa isip ko bahala na.
Habang nasa loob ng eroplano nag isip ako “Totoo na at nakasakay na ako ng eroplano” na napanood ko sa tv at movie. Pinagmasdan ko lang ang mga galaw ng mga pasahero kunwari di ako baguhan.
kalungkotan at kaba ang aking naramdaman na lisanin ko ang lupang tinubuan at ang aking mga mahal sa buhay. Nag iisa kong tahakin ang bakasakali kong patutunguhan, Hindi ko alam anong kompanya ang aking pupuntahan at ano ang kapalaran ang maging trabaho basta ang pinanghahawakan ang isang maliit na papel na binigay ng agent ko na may pangalan at celpon number na magsundo sa akin sa dubai at ang ticket atsaka Visa. Wala talaga akong alam basta ang inisip ko na makapunta lang ng dubai.
To be continue after 24 hrs….
4July2009 Ching