babala: lahat ng inyong mababasa sa baba ay pawang opinyon lamang ng isang bulakbolero. maaring lahat kayo ay di sang-ayon tulad ng mga nakatalastasan ko kahapon.
hindi kailangang sa lahat ng bagay ay tatahimik ka nalang at wala kang sasabihin kahit alam mo na mali ito.
hindi pang-gulo ang turing sa taong sinasabi ang nasa-saloob nya lalo na kung wala naman syang nasasaktan.
at bakit kelangan tanggapin nalang ng isang tao na ang mga bagay na mali sa lipunan ay wala ng lunas at isa ng malalang sakit?
ang labo lang.
tulad ng aking naturan sa last na blog entry ko, masarap maging ofw. 100% sure ako dyan. subalit lahat naman ng sarap ay may pasakit na nakakabit.
nagtataka lang ako kung bakit parang masyadong pahirap umuwe sa pinas lalo na ang pabalik sa lugar na kung saan ka nagtatrabaho.
hindi pa ba sapat yung employment pass mo sa bansang pinagtatrabahuhan mo para makabalik ka doon?
Kund di kayo pamilyar sa pinag-sasabi ko. bilang ofw, kelangan mo magsecure ng OEC (overseas employment certificate) na nagkakahalaga ng 5.5 Singapore dollars (approx 200 petot) kung magbabakasyon ka sa pinas at babalik ka sa bansa kung san ka nagtatrabaho.
kung tutuusin ano ba naman ang 5.5 singapore dollars kumpara sa makita mo ang pamilya mo sa pinas. hanu? wala naman sanang problema dun, ang hassle lang ay kung papaano mo kukunin yung OEC.
1. may mga requirements bago makakuha ng oec, kailangan ng:
· kelangan ng passport (wala naman problema dito)
· kelangan member ng owwa na nirerenew every other year na nagkakahalaga ng 42 dollars (wala din problema)
· kelangan member ng pag-ibig atleast 5mos. (dito ako nalalabuan, kung required man, edi oks para walang talo talo)
· kelangan ng return plane ticket (inam, kelangan bumili agad ng ticket bago ka kuha oec, pero sige oks na din kase meron ka naman talaga neto pag uuwe ka pinas kaso daig pa ang pagkuha ng visa)
2. kailangan mo kumuha ng oec sa araw ng trabaho mo. Kaya kailangan mo talaga umabsent
3. may quota ang pag-bibigay nila ng oec. Kaya kailangan mo gumising ng maaga para makaabot ka sa quota
4. at higit sa lahat… masyadong manual ang pagkuha ng oec. Kaya sobrang haba lagi ng pila. Maswerte ka na kung 1ng oras mo lang itong makukuha. Ang larawan sa baba ay ang pila sa pagkuha ng oec dito sa Singapore. Nasa labas nayan ng embassy. Di mo pa kita ang ilang ikot pa na pila sa loob mismo. (sa pinakadulo ng pila kailangna mo pa lumiko pakanan at pagkatapos nun, unteng kaliwa pra makapasok sa loob ng embassy.) Parang pila lang sa pagkuha ng passport at NSO hano?
sa nabanggit ko sa taas. minsan, maiisip mo nakakatamad na din umuwe sa pinas. pede ka naman maglakwatsa sa ibang bansa na walang kahassle hassle.
para sa akin may mali talaga sa sistema. yun naman talaga ang gusto ko sabihin. kung sasabihan nio ko na pwede naman ako mag psp sa pila o magbasa ng libro o magtwitter maghapon dahil wala naman akong magagawa kase sakit na ng lipunan yon at makakadagdag lang ako sa mga reklamo ko. inam! ang masasabi ko lang, kaya may mga lugar na di umaasenso kase pinipilit natin na wag magsalita o kaya ay i-embrace nalang kung ano ang nakasanayan.
may nagsabi din na e ano ngayon, alam na natin na may mali, may magagawa ka ba? kung wala man akong magagawa kase simpleng mamamayan lang ako, atleast nasabi ko yung saloobin ko. hindi yung okay lang akin. kase ang tao, kung sa tingin nya ay okay lang pala sa kanya yung ginagawa nya o kaya sa tingin nya ay kahit ganun ay wala naman palang problema sa iba, babaguhin nya pa ba ‘to? parang inde. mananatili yong ganun.
parang lalong di din naman ako makakapayag na sabihin nalang natin na sakit na yon ng lipunan na kailangan nalang nating tanggapin. wala na ba tayong tiwala sa bansa natin na may pag-babago pa to? na pede pa tong umasenso? kahit unti-unti lang?
sa huli, wala naman talagang kong ibang issue dito sa entry ko, kundi may mali lang sa sistema natin. kailangan baguhin. kung wala man akong maitutulong, atleast nasabi ko yung part ko na di tama yung ganito nalang lagi.
modern world na tayo. kahit simplen online application lang sana ng oec pwede na.
March 28, 2009 sa aking multiply, nagpaskil ako ng pagkadismaya sa ibang tao na ayaw sumuporta sa computerized election. para kasing nakakasawa na dati na matatapos na ang termino pero di pa din alam yung resulta ng botohan.
May 10, 2010 nakasatuparan ang national computerized election sa pinas. mukhang naging maayos naman bukod sa ilang machine na pumalya. pero pangkalahatan ay okay naman. may nadinig ba tayong mga ingay na dulot ng dayaan, etc, katulad nung manual election pa?
alam ko wala naman talaga kong naging parte dito pero ang sa akin lan, may pagbabago na naganap. at sa ikagaganda naman yon ng bansa.
sa tingin ko, kailangan lang talaga natin i-embrace ang pagbabago. ang pagbabago lang naman kase ang constant sa mundo ika nga.
kung pagkatapos nio to basahin ay sa tingin nio ay yung mga naturan ko ay makakadagdag sa pang-gulo. e para sakin, mas mainam na palang maging pang-gulo na umaasa pading may mangyayaring positibo sa aking bansa kesa iisipin nalang na may malalang sakit ang lipunan ko na hindi na gagaling. kailanman.
wala lang. inam \m/