winter time
tulad ng panahon, para sa akin, hindi cool ang pabago-bago. mahirap mag adjust, mahirap makibagay.
kung clue lang ang paglamig ng simoy ng hangin sa papalapit na pagpatak ng nyebe, madali na sanang mag adopt. kaso mo, pagdating ng nyebe. dun nagsisimula yung pagsubok. kailangan mong ishovel para lang maging maaliwalas ang kapaligiran. pag nalusaw, magiging madulas at mas mahirap dumaan. yung sasakyan kailangan mong iheat muna bago gamitin.
lagi ka nalang makikibagay sa panahon. sanayan nga lang daw sabi ng karamihan. pero paano kung di ka sanay?
kala ko dati masaya manirahan sa bansang nagssnow. hindi pala.
PS. walang snow sa singapore. realization lang ng tumatanda. salamat sa mga bumati sa aking kaarawan kahapon da best kayo.
hindi sana ito ang entry ko
pantanggal kati
Ginoogle translate ko from english to tagalog yung ramdom para yun sana yung gagawing kong title netong post ko pero "walang pili” yung naging translation. kainaman yan. kaya wag nalang.
di ko alam kung bakit ba gustong gusto kong pinapahirapan ang sarili ko. nung sabado lang, sumabak na naman ako sa isang madugong takbuhan. 25KM, takte. trail run yun pakulo ng TNF 100. panik-manaog at walang habas na pagtakbo sa gitna ng kabundukan. kahit medyo sanay na ako tumakbo dun sa mismong pinagtakbuhan namin, dehins ko alam kung bakit nung sabado ay parang ubos ang lakas ko. pinakamatagal na takbo ko yun sa lahat ng marathon na sinalihan ko. mas matagal pa kung tutuusin sa 42KM na sali ko sa SCB nung desyembre. inam!
eto ata nagpapatunay na uncle already na ko.
ako’y lubos na nagagalak na may labing isang bumoto sa akin sa blogger of the year ng damuhan. salamat ng marami.
ngaps, may munting kris kringle daw yung mga pinoy-sg bloggers. inam. medyo hegsayted naman ako. pero nahihirapan pa ko mag-isip kung ano ba yung ipangreregalo ko sa unang palitan ng regalo. something green, glittery at sinful daw e. baka may maisusuggest kayo mga kabulakbolista?
salamat nga pala sa mga sumali na sa aking munting pakontes. bago ko isulat yung post na to mayroon nang 57 na valid na kalahok. yahoong yahoo. saya na ni bulakbolero. \m/
inam yan. kahapon habang papauwe galing sa pagtatrabaho sa ofis ng linggo. pakiramdam ko nabasa ng cadburry sg yung blog ko. ginaya nila na instax din yung premyo sa pakulo nila. haynaku. lol.
pasensya na kung nakukulet ko kayo ngayon, nangangati lang yung kamay ko mag-tipa. hanggang sa muli. \m/
~poof
siopao na special
“ito ang trip, ito ang gusto ko. that’s why I am always here, coz I do belong here…”
Mas mahal, mas masarap, mas sikat at mas mabenta. ‘Yan daw ang siopao na espesyal. Ang pagkakaiba nya sa ordinaryo? pinagsama ang bola bola at asado.
sa tao, hindi mo kailangang maging kakaiba para maging mas mahal, mas masarap, mas sikat at mas mabenta. Walang dagdag na sangkap ang kailangan. Kung ano ka, maging yun ka lang. nasa taong nakapaligid sa’yo yun kung paano ka magiging espesyal. nasa pagtanggap.
subalit tulad ng ibang bagay, ang pagiging espesyal ng isang tao ay may iba iba pa ding storyahan.
- pwedeng kahit ano ka pa, sinu ka pa at san ka man galing ay tanggap ka ng buong puso ng mga taong nakapaligid sayo.
- possible ding kailangan kita, kailangan mo ko kaya espesyal tayo sa isa’t isa.
- pwedeng espesyal ka dahil kulang ang buhay ko ng wala ka.
- at maari namang, kala mo lang espesyal ka pero assuming ka lang pala. mas madali kasing salitain kesa gawin.
pero, espesyal ka man o hindi ang mahalaga may ibang taong ginagawa mong espesyal sa iyong sariling paraan. hindi man nila ito batid.
kampai.
Girls will be Girls
Sa ilang araw lang madami kong napatunayang bagay na hindi mawawala tungkol sa mga babae.
1. Magiging sweet sila na sobrang sweet pag gusto nila
2. Alam nila kung paano makuha ang gusto nila at gagawin nilang lahat para makuha 'to
3. Wala silang direktang sagot kung oo ang sagot nila sa tanong mo. Kung magkatext lang kayo pwedeng smiley na nakadila lang ang matanggap mo
4. Hindi mawawala ang pagkahilig nila sa shopping
5. Subrang fanatic nila sa kung saan mang bagay, mapa artista, tv shows, brand ng gamit at iba pa.
Posted via blogger on iphone
Nakakamiss si wifey
Kasalukuyan akong nasa bus habang sinusulat ko 'to. Mag gawa muna ko ng entry dahil intsik nagsalita ang tour guide namin. Pang 4 na araw na ng tour ko dito sa lugar na kung saan may pinakamadaming singkit sa buong mundo.Pasakit yung hotel namin. Di kumpleto at madaming sirang gamit. Pati kama ko ay sira. Mainit. Madumi. Walang wenta ang breakfast, bukod sa konti na ay di masarap at malamig parang may amag pa ang tinapay na sineserve. Araw-araw na namin nireklamo sa travel guide pero wala. Ganun at ganun pa din. Badtrip. Mas mainam pa sana pinalitan nalang nila ng cup noodles.
Saka ilang araw na ko walang wifey (wi-fi). Thursday night pa nung last na ekspiryens ko ang online world. Kainaman yan. Walang wentang hotel talaga. Wifey wala. Kahit lan wala. Nakng.
Sa panahon ngayon parang isa sa kelangan na ng tao ang net (imo). Nakakamiss laang.
Sige tulog muna ko. Mahaba pa ata ang byahe at nakakadugo ng utak makinig ng intsik na paliwanag.
Later mater.
Continuation...
Busog katatapos lang ng lants.
Natutuwa pala ko sa mga kasama ko sa tour. Kanina lang maaraw sa labas, si uncle nilalagyan nya ng shade yung mukha ni auntie gamit yung kamay nya para di masilaw. Sweet lang. Taz, dalawa yung kasama namin na mag-ina. Yung isa spoiled brat yung babae. Yung isa naman sobrang kabaliktatan, sobrang sweet naman sa ermat nya. Taz may dalawa din mag syuta ga dito. Isa intsik babae taz lalake ay portugese. Yung isa naman pareho sila lalaki. San ka pa? Lol. Madami pala mag asawa sa tour na kapackage namin. Matatanda na sila pero sobrang swi-sweet pa din. Madami kami naging katropa dito sa tour. May tablemate nadin kami.
Miss ko pa din ang 24/7 na net sa SG.
Ayun lang naman. Tulog ulet.
Later aligator.
----
Balik SG na ko. Eto na at active ulet si wifey.