27 com

What if?

Sana nagsundalo nalang ako.

Natutong humarap sa hamon ng buhay ng buong tapang.

Naging handa ano man ang kahihinatnan ng laban.

At willing na mamatay para sa minamahal.



Sa buhay kong ito, kanina ko lang nalaman na ang dami ko palang naiwan na ‘what ifs’.

Ang daming realisasyon na nabuksan dahil sa magandang pakikipagtalastasan sa isang kaibigan.

Masaya din palang isipin yung mga bagay na paano kung ganun nga ang nangyari?

Paano kung lahat ay naayon sa iyong kagustuhan?

Paano nga kaya? 

Siguro walang emong tao ngayon.



Hindi ako sundalo.

Tamad akong gawin ang nakaatang para sa akin

at duwag akong humarap sa realidad ng buhay.

Ngayon, ang dami kong naiwan na katanungan.

Imahinasyon nalang ang makakasagot kung ano ba talaga ang kalalabasan ng ‘sana’.



Pero bakit ganun?

sumubok naman ako…

sumugal pa nga ako…

Ginawa ko ang lahat.



Pero hanggang ngayon…

May ‘what if’ parin na lalambi lambitin.

26 com

Si Pedro at Si Juan

Hindi lang pala ang ikahiya ng girlfriend mo na boyfriend ka nya ang masakit. Pati pala ang pagtatwa ng iyong tropa na tropa ka nya.

Scenario…
Ring ring…
Juan: Yow!
Pedro: Pare, samahan mo naman ako maya may imemeet lang ako.
Juan: Sige, bihis lang ako.
Pedro: Sa MRT nalang tayo meet.
Juan: Okidoks.

Ilang oras ang nakalipas.

Pedro: Nene si Juan, Juan si Nene.
Nene: Kaibigan mo?
Pedro: Kaopisina ko.

Awts.

Napaisip si Juan na wala namang masama sa sagot ni Pedro kase magkaopisina naman talaga sila. Subalit, pede namang sumagot ng Oo lang si Pedro.

Minsan hindi mo rin pala masasabi na tropa mo o kaibigan mo na lahat ng nakakasalamuha mo sa  buhay. Kahit pala madalas mo silang kasama sa laro, inuman, kabalastugan at kulitan e possibleng inde padin tropa ang turing sa’yo. Ganun talaga yata ang buhay, madami kang nakikilala pero bihira lang ang nagiging tunay na kaibigan.
28 com

I’m weird ‘coz I hate goodbyes

Paglisan

Hindi pa talaga ko magbloblog sana. Tinatamad kase ako. Pero dahil sa malongkot ako. Sige na nga magbloblog na ko.

Kadadating ko lang galing bakasyon sa pinas. Medyo bitin pero okay na din kesa wala. Nakakalungkot na balita kaagad ang sumalubong sa akin pagpasok ko sa opisina. Dalawa sa tunay na kaibigan ko ang nagresign. Isa ay hanggang sa bwan nalang na ‘to at isa naman ay sa susunod na bwan ang alis. Andami talagang surpresa ng mundo sa atin. Lalo tuloy umigting ang pagnanasa ko na makaalis na din sa kumpanyang aking pinagtatrabahuhan.

Malungkot. Nalulungkot ako.


Pagtitiwala

Hindi mahirap magtiwala si bulakbolero. Kung tutuusin nga, kung kasintahan, katropa o kadikit mo sya, asahan mo buong buo ang tiwala nya sa’yo. Subalit kapag nawala ang tiwala na ito parang inde nya alam kung kelan ulet magbabalik.


Pasasalamat

Salamat sa mabiyayang 2010. Madami kong natutunan.

Salamat din sa mga pagbati at regalo na natanggap ko.

Nakakahiya mang aminin. Wala akong niregaluhan nung pasko.

Special na pasasalamat pala ke Jackie ng inside a feeble’s mind sa regalo nya sa akin na talagang pinadala pa sa courier. Hehe. Nagustuhan ko ang lahat ng regalo mo, at nakakaaliw na meron pang explanation bawat isa. At salamat sa effort na talaga dun sa wishlist ko ikaw nagbase. Salamat salamat.