July 30 ng gabi. Sa isang gabi. Ordinaryong gabi. Kaydaming nangyari.
Sa tanda ko na to kagabi lang ako nakahithit ng yosi. Walang espesyal na lasa para umulit pa akong gawin eto. Ang espesyal ay yaong nangyari pagkatapos ng yosi.
Nababad3p ako sa sarili ko. Nakatakda ngayon na magpupunta ko sa bukit timah para makibahagi sa rappel for a cause na inilunsad ng bundokeros dito singapore. Pero andito ko ngayon sa bahay nagpapakaburo. Binalak ko din ipatry sa isang tropa ang rappel. Ayus sana kasi pang birthday jump nya yun. Kaso nagbago ang lahat ng plano. Ang sama kong tao… pootek. Sino ba ako para suntukin ang isang tao na wala namang masamang ginagawa sa akin?
Unang nalathala: Aug 19, '08 11:47 AM saan?sa multiply account ni bulakbolero
Ilang buwan na din ako dito sa Bansa ng tatlong lahi. Madami na din akong natutunang bagong lengwahe para magsurbayb dito. Gusto ko lang ilista ang ilang mga salita na tumimo sa aking isipan.
Beg (beg) – sisidlang ng mga gamit… Nilalagyan ng mga aklat ng mga batang nagaaral. Gamit sa pangungusap: “Wow pare! Hanep ang porma ng laptop beg mo ah! San mo nabili yan?”
Finish Already (phinis olreddi) – karaniwang sagot sa tanong. Madalas itong ginagamit pag ayaw mo nang patagalin ang usapan. Gamit sa pangungusap: (1)“Ako: Auntie, paorder naman ng kanton jan oh! Auntie: finish already ”(2)”Ako: kumain ka na ba? Sya: finish already” (3)”Ako: Ei, send naman ng data… kelangan ko ng iupload sa system eh. Sya: Ok, Finish already”
Can / Cannot (Ken, Ken-nat ) – Mahiwagang salita, hindi mo kelangang matuto magbahasa or magenglish para makipag ugnayan sa mga tao. Marunong karang mag ken at kennot… magkakaintindihan na kayo dito… Gamit sa pangungusap: (1)“Ako: Pahiram ng pantaloon, Can? Sya: Can! ”(2)”Scenario: ako habang naglalakad sa isang tabi…. Sya: Cannot Cannot…. Ako: huh? Sya: Cannot Cannot… Ako: Ahhhhhhhhhhhhhhhhhhhh…. (nahulog na sa manhole) kaya pla cannot cannot…” (3)”Ako: Pasabay naman sa wheels mo, Sya: can”
Tolak / Tolong / at kung anu ano pang salitang may To… (katulad din ng pagbigakas) – Ginagamit para tumigas ang dila… Gamit sa pangungusap: (1)“Patolong naman naipit ang kamay ko sa aparador ”(2)”kaya mo bang itolak ang lamesa? Ang sikip kasi”
Go back / Going back (gow bak / gowing bak) – ginagamit pag uuwi ka na sa iyong tahanan… Gamit sa pangungusap: (1)“Scenario: Nasa elevator ako at may dalang bag, Sya: are you going back? Ako: Huh? Wala na kong gagawin sa ofis, uwe na ko sa bahay eh… Sya: yep… you’re going back (wahahaha.. your going back home pala ang piniste… kulang naman kasi ng home.. ano namang pashort cut un). (2)” Ako: Paalam uwe na ko…. Sya: Okay, Go back…. (sa isip isip ko.. go back agad, e kapapaalam ko palang…)
Tisu (Tis-u) and TQ (Ti-Q) – inde ito ang meaning, aking obserbasyon lang: naisip ko lang, wla pang celfon… uso na text speak dito. Gamit sa pangungusap: (1)“ang lagkit na ng mukha ko… pede makahingi ng tisu”. (2)” TQ nga pala sa bigay mong bulalak…. Masyado akong na tats…
Lah, ler, lor, loh (bigkasin nalang kung anung gusto mong bigkas) – Hulapi. Ginagamit para daw magkaroon ng buhay ang mga binitawang salita.. (pampaarte for short). Gamit sa pangungusap: (1)“ang cute mo ler!” (2) “wag mo naman akong kuritin jan lah… ang nakikiliti ako lah… hihihi… lah…” (3) “ ate ate, 5RM nalang ung sampung kilong babuy.. eto lang kasi dala kong pera eh, can lor?” (4) “ malapit na pala nag go-live, naupload mo nab a nag data loh?”
Take away (teyk awei) – salitang ginagamit pag oorder ka ng pagkain at sa bahay mo ito kakainin. Gamit sa pangungusap: (1)“Ako: 1 piniritong hippopotamus, 1 nilagang daga, 4 na litrong dugo ng tipaklong, 1 tenga ng bayawak na pinakuluan sa gata… Sya: Sir, Take away or Having here? Ako: take away”
Mc. D (Mak Di) – Isang sikat na fastfood chain. Gamit sa pangungusap: (1)“gusto ko ng burger mc. D.” (2) “Gusto ko nakita si Roland’s Mc. D, tara sa Mc. D…”
At ang aking pinakapaborito sa lahat….
Susu (susu, bigkasin na nakausli ang nguso) - Inuming masustansya. Gamit sa pangungusap: (2)“Nauuhaw ako painom naman ng susu.” (2) “mas masarap ang cereals pag maysusu kesa pag pinapapak lang ito”. (3)eto matindin “pabili naman ng susu”
Una kong nalahatla ang akdang ito noong Aug 13, '08 11:54 AM sa aking multiply account ng mga panahong nasa Malaysia pa ako.
Natawa ako kasi nakakita ako ngayon ng kaopismate ko na naka necktie… pambihirang buhay… Asteeg, ang pormal pormal nya tsong. \m/
(babala: bawal basahin ng mga taong di trip magbasa ng walang wentang bagay)
Humigit kumulang walong bwan ang nagdaan
Bagong salta ako dito sa bayan ng mga tatlong lahi. Mejo kinakabahan pa ko nun… alam nio un? Di ba pag perstaym nakakakaba naman? Kung tama pa ang aking naalala pumasok ako sa loob ng opisina at nakipagtagpo ako sa yuman resors personel netong kumpanyang to. Pagkakita ko sa kanya, agad agad ay nagsabihan kami ng hi at hello. Parang i-bol lang ang dating. Pinaupo nya ako sa isang sulok (wag po wag po), at sinabihang babalikan nya ako maya maya. Walang anu ano ay tinawag nya na ko at pinakilala sa mga kaopisina ko dito. Pootek di ako nakapaghanda… ang kaspang ng kamay ko.. d ako nakapaglowsyon. Di ko naman kasi akalain na magiging kandidato ko sa isang araw at kakamayan ang humigit kumulang isa daan kong kaopisina… pawisan na ang aking kamay pero kamay dito, kamay doon pa din ang nangyari ng mga sandaling iyon. Pagkatapos ng mala politika at mala artistang drama, isinama nya naman ako sa orientation room, di na ko nagsosolo nun, 3 na kami, 3 kasi kaming bagong salta sa kompanya noong araw na iyon. Nababanaag ko ang isang anaps at isang lokal… tameme ako… siempre wala naman akong baong inglis ng mga panahong iyon. Inorient kaming tatlo dun sa kwartong iyon… sinabi ang mga dress code, policies na hanggang ngayon ay wala namang matinong policy ang kompanyang ito, at mga kung anu ano pang bagay na simabi sa panimula ng pagtatrabaho mo sa bagong kumpanya. Hindi ko makakalimutan ang dress code, nakasaad sa dress code na dapat ay pormal na pormal kami para presentable kami sa kliyente (parang nagbebenta lang ng insurance). Naalala ko tuloy ang mga oras na nakikipagkamay ako sa bagong ofismate, lahat sila nakatie… huwaaat… kaya pala.. required pala magtie samin.. nakana naman… wala akong dalang tie, at ni inde nya ako madunong magkabit ng tie… perystaym eto sa talambuhay ko. So si ako… nagtanong ke heyts har… pede ba inde mag tie muna.. kasi wala ako dala… etong si heyts har.. sabi bili nalang muna ko sa mall kahit isa lang… edi ayun.. required nga sya kasi d nya naman ako na eksQs ng mga panahong yaon. Natapos na ang unang bahagi ng orientation. May dumating sa aming bagong magoorient… isa itong chekwa… bigla nyang sinabi na musta naman ang unang araw nio. Tinanong nya pa na, nagkausap na ba kayo ng tagalong? Huwat ulet… may nagtatagalog ba dito? E anaps at lokal tong mga kasama ko sa orientation… at nagkagulatan kami… wakoko.. yung isang lokal pala na inaakala ko ay isa ding pinoy.. akalain mo un… at akalain mo din un.. ang akala nia sa akin ay chekwa ako… shwang kai la pala sya eh… wahahaha… ayun.. so after nun.. d na ko tahimik.. nabasa na ang aking nanunuyong lalamunan.. dahil nailabas ko na ang tagalong skills ko… wahahaha… at dahil dun.. di muna ko bumili ng nektie… hiram muna ko sa kunwakunwariang lokal na pinoy pala… hehehe.. nga pala… SAP ung inorient sa amin nung chekwa na un… natapos ang orientation at nag uwian na kami… sumobrang haba na ang storya ko… fast forward na… nakabili na ko ng tie, sinauli ko na ung tie sa hiniraman ko… araw araw pormal pormalan ako (joke lang, paminsan di pa din ako angtatie)… tahimik pa din ako, lagi ko kasama sila kaye at wom twing maglalants at dinner… lumipat ako sa menara jaya condominium na madaming pinoy pra di mapanis laway ko… nakaayat na ko ng bundok ng tatlong lahi.. at madami pang mga nangyari…. Hanggang sa….
Mga anim na buwan ang nagdaan..
May bagong salta sa opisina naming, isa syang Indonesian… unang araw nya nakausap ko sya kasi wala pa din syang kakilala.. tulad ko… mula sa sariling bayan at dumerecho sya sa bayan ng tatlong lahi, isa pa magkatulad kasi kami ng modyul at proyekto… kaya yun nga ako ung kinausap nya… natanong nya sa akin na bakit daw di ako naka tie… sabi ko… nagsubok kasi ko na di magtie, wala namang nagalit.. e parang bisyo to… araw araw hinahanap hanap.. so mula noon di na ko nag tie… lumipas ang mga araw, madaming nangyari sa buhay ko… nalipat ako sa penang na proyekto… at natagalan ang aking pagbalik sa opisina dito sa KL…. Hanggang sa…
Mga isang buwan na ang nagdaan..
Ksama ang aking mga kaproyekto sa penang, bumalik kami dito sa KL, dahil may kailangan pa ayusin na data ang kliyente… nanibago ako… pagpasok ko sa aming opisina… parang naglulumundag ang aking malademonyong utak… dahil walang nakatie ni isa… yahung yahu.. ibig ba sabihin neto…d na required mag tie? Wahahaha… d ko na tinanong.. go with the flow nalang ako… Napaisip lang ako na ako ba ang nagpanimula ng lahat lahat? Hihi… pero wag na natin ungkatin un, atleast ngayon, Malaya na kong nakakapasok sa opisina na inde nagbabaon ng necktie… :D hanggang sa…
Noong Lunes…
May bagong mukha sa opisina… bagong salta sya… dumaan sya sa usual na proseso ng orientation… at… natawa ako, nakita ko sya kinabukasan, nakatie sya…. Wahaha.. d pa din nila nirerevise ang dresscode nila… kelangan pa din pormal pormalan dito sa opisina.. pero wala na sila magagawa out of all the employees here in the ofis… sya lang ang nakatie… wahaha.. marshal law na ang kelangan para maibalik ulit ang tie…LOL…
Natawa ako kasi nakakita ako ngayon ng kaopismate ko na naka necktie… pambihirang buhay… Asteeg, ang pormal pormal nya tsong. \m/ …. Naalala ko tuloy ang mga unang linggo ko dito sa kumpanyang ito… nakatie, pormal, di mukhang gusgusin, tameme at walang alam na ni isang bahasa na salita… Ngayon eto ako…. Sumisipa pa din kahit papaano… Nagkaroon ng mga bagong kaibigan, nakatikim ng mga bagong putahe, natuto ng bagong lenguahe… at nagbloblog sa oras ng trabaho… lol…
Nga pala, nasabi ko ba na nasa policy din naming na dapat 9am ung pasok naming dito sa KL, 6:30 uwian at 1hour lang ang lants break? Hihi… Siempre, sumusunod naman ako sa patakaran.. at ang skedyul ko ay… 10am pumapasok… 12:15-1:45 ang lants break at 6pm ang uwian… :D
Ohsya… hanggang sa uulitin.. pasensya na medyo mahaba ang blog ko ngayon… sana di kayo hiningal at inantok kababasa… =P hanggang sa muli kong pangungulit…
Pasensya na… walang time magsulat ng bagong akda, kaya nagrepost muna ko.
07.07. Araw ng kapanganakan ni Itay. Sayang lang at hindi ko sya mababati ng personal. Nasa malayong lupalop kasi ako ng daigdig.
Kaninang umaga pagkagising ko. Naisip kong batiin sya sa pamamagitan ng text (text lang kasi kuripot ako). Hindi ko pa mapagtanto kung ano ang sasabihin ko. Nakagawa tuloy ako ng listahan.
a. Happy beerday
b. Happy birthday
c. Rock on \m/ its ur birthday
d. birthday u, painom u naman
e. Maligayang kaarawan itay.
At sa hinaba haba ng listahan ko. Eto ang natext ko sa kanya at kung ano ang nireply nya.
Ako: Tay happy bday. Ano gusto nio regalo?
Tatay: Thank u anak luv u ung accessories ng pickup Ingat lagi.
Walang tuldok ang kanyang mensahe at napagtanto ko, may pagkacheesy din pala si itay. Nyahaha.
Bago ko pa man tanungin ano gusto nyang regalo, nagisip na din ako ng ilang araw kung ano ba magandang ibigay sa kanya. Kumunsulta na din ako sa utol ko dahil binalak ko bigyan sya ng camera . Sabi ng utol ko, ‘ano naman gagawin ni tatay dun, perahin mo nalang’.
Bakit nga ba camera? Nung mga nakalipas na taon kasi, ang nireregalo ko ke itay ay yaong dobol parpos. Ibig sabihin nun, yung magagamit ko din. :P Kadalasan na nireregalo ko sa kanya, Tshirt, pabango, sapatos, tsinelas. Nyahahaha… basta yung pede din sakin. Sa katunayan nga, yung mga nabili kong pabango sa kanya, sa akin din napunta kasi ayaw nya daw ng amoy. Tapos nung nagtrabaho ko sa Malaysia, hinakot ko lahat ng polo-tshirt na bigay ko sa kanya at ibinaon ko. Yung mga polo shirt nya kasi matitino pa. Ganyan ako kasweet.
Ayown. Mas masaya sana kung ako yung pipili ng gamit ng pickup at ibibigay sa kanya. Pero sabi nga basta naalala mo yung tao sa kanyang kaarawan, solb na yun.
Kaya para sa iyo Tatay… Maligayang kaarawan! Sana mapaganda pa natin ang pickup natin. \m/