Saturday, February 19

Patil o Pastil?

Kanina lang ay nakatanggap ako ng larawan galing sa isang kaibigan. Na-excite ako, akala ko kasi sexy pic na ni Gretchen Fullido. Bakit siya? Alam kong hindi siya artista, pero masama ba kung siya ngayon ang bago kong pinapantasya? Lilinawin ko lang, di po ako manyak. Sa katunayan napakabait kong bata simula nung ako'y ipinanganak! :P


Ito ang tinutukoy kong litrato na naka-TAG sa FB account ko. Marahil karamihan sa inyo hindi alam kong anong klaseng pagkain ang nasa larawan. At sa mga nakakaalam, siguradong pareho tayo ng pinanggalingan. PASTIL/PATIL ang tawag namin dyan. Delicacy ito ng mga kapatid nating muslim, kung di ako nagkakamali, mga Maguindanaons. At huwag nyo na akong tatanungin kong kailan nila ito pina-uso, di na kaya ng powers ko ang tamang kasagutan

Ano ang lasa nito? Ihalintulad mo na lang sa nakasanayan mong pagkain ng adobo. Noong una, tsiken lang talaga ang kanilang tinitinda. Pero kalaunan meron na ring karne ng baka at baboy. Marahil ang iba ay allergic at nasusuka na sa tsiken, o talagang business-minded lang ang mga negosyante at ini-apply ang supply and demand. Naks! Malay natin, may iba pang gawa liban sa manok, baka at baboy. Nakatikim ka na ba ng kuting? E, ng asong bago lang nasagasaan? Nagtatanong lang naman :)

Sa unibersidad na kung saan ako nagtapos, ito ang pagkaing patok sa mga estudyante. Pang-masa. Ika nga nila student meal. Sa baon mong limang piso, solb na solb na ang bituka mo. Pero sa tulad kong biniyayaan ng malaking katawan, dalawa o tatlong piraso ang kailangan.

May tamang paraan kung paano ito dapat kainin. Tulad lang ng pagkain natin ng suman o  ng saging. Yan ang turo sa akin ni Hamsa (si BFF.. Hehe, sipsip!). Kung may angal ka at sa tingin mo mas may tatama pa. Sa kanya kana magpaliwanag! Paniguradong tatamaan ka! Pero kung maarte ka, o di kaya'y ayaw mong maTURN-OFF ang BF na iyong kasama, pwede ka namang gumamit ng tinidor at kutsara.

Salamat PAPA TARS (Oo, Parang Papa P a.ka. Piolo P.lang!) sa pamamahagi mo ng larawang ito. At dahil dito nakabuo ako ng kwento. Pahabol... bwisit ka! Bigla ako nagutom at na-home sick nang akin itong nakita! O diba, sweet ko talaga! :P