Tunay nga ba talagang Love is blind o sadyang nagiging tanga lang ang isang tao kapag nagmamahal? Halos isang taon na din akong nasa relasyon na May-December. Sadyang malaki ang agwat ng aking edad sa aking kasalukuyang partner. Fourteen years ang gap namin. Kumbaga, marunong na ako magj***l eh kapapanganak pa lang ng nanay nya sa kanya.
Masaya naman ang aming pagsasama. Sa katunayan, nabisita nya na din ang Pilipinas upang bisitahin ako noong isang taon. Tulad ng aking inaasahan, nagkaroon talaga ng problema sa aming dalawa. Ang hindi ko lang maintindihan ay madalas nyang sinasabi sa akin na wag ko sya iiwan. But the thing is, I am way older than him. In fact, I would tell him, If there's someone who should be afraid, it should be me because he is young, cute, and financially loaded. He could get any guy he wants. Pero sabi nya sa akin, mahal na mahal nya daw ako. In fact, hinding hindi nya daw ako ipagpapalit kahit kanino. We even promised each other that we'll be together forever. I told him that I'll be with him til my last breath.
Anyway, recently, natest ng husto ang relasyon namin. Napilitan akong tapusin ang aking nakaplanong bakasyon kasama ang aking kaibigan upang lumipad pauwi sa kanya dahil sa kanyang pagseselos sa isang website na natuklasan nya na meron akong account. He kept on accusing me that I met up with guys or i was planning to meet up with guys. But the truth is, I was on that website for the sole purpose of satisfying my ego. I never planned to meet anyone. I am way too old for that kind of game. Plus I'm happy with my partner.
Well, unfortunately, I had to leave my friends and really waste a huge chunk of money which I have already spent for my holiday. I immediately booked a plane ticket the next day just to satisfy his want that I go back to him to settle the issue. Kung hindi ko mahal ang tao na ito ay di ko gagawin ang ginawa ko. Iniwan ko ang mga kaibigan ko at tinapos ko ang isang bakasyon na noong Pebrero pa nakaplano. Maaaring sabihin ng ilan na tanga ako at maaari ding sabihin ng ilan na mahal ko talaga ang partner ko subalit ang mahalaga sa akin ay maayos ang problema dahil naging masalimuot ito noong ako ay nasa malayong lugar. Ang laki na ng nagastos ko da overseas calls at nagtangka pa magpakamatay ang partner ko dahil sa pagseselos sa isang bagay na di naman naganap. Kinailangan ko pa ngang humingi ng tulong sa mga kaibigan nya upang hindi siya mapasama.
Para sa akin, mas mabuti na pag usapan ang problema ng harapan kahit na mawasak pa ang dingding ng aming condo na tinitirhan. (oo, magkasama kami sa isang bubong). Kaysa naman manatili itong nakabitin at di ko alam kung ano ang nangyayari sa kanya dito sa kanyang bansa. Matapos ang emosyonal at pisikal na pag-uusap at pagtatalo, naresolba din ang problemal. Bukas ay lilipad naman kami sa ibang bansa upang magbakasyon ng 3 araw.
Sadya ba akong naging bulag dahil sa pag-ibig o tanga lang talaga ako dahil mahal ko ang tao na to?