Psssst! Hey you! Welcome sa munting paraiso ng laman ng coconut shell ko....
Ka-dramahan, kalokohan, katotohanan, katatawanan, pag-ibig, mga pangarap at ligaya sa buhay.
APIR!

7/28/2009

random thoughts # 8


*They say Diamonds are girl's best friend...mine is CA$H

7/25/2009

*FOOD TRIP


Paminsan-minsan ang sarap mag-kamay habang kinakain ko ang pritong talong at isda kasama ang kanin with partner na sawsawang bagoong alamang. I wish may kalamansi dito.

Ang pag-kain minus the tinidor at kutsara para sa akin ay parang isang art ng pagbilog ng konting kanin with ulam na kasya lang sa bibig...sabay subo. Medyo malagkit sa kamay pero mas relax ang pakiramdam ang ganitong sistema.

Sa ibang kultura, sabi nila "that's weird"... Sa mga pinoy na nagmamaganda at nagpapa-sosyal, "yukky" daw...

Oh well... they can kiss my pwet! :D

Sabi ni Chuck ko kanina, "sweeeeetie, would you like some spoon or fork?"

Ito ang sagot ko...

"NOooooooooooooooo0000000000000000000000000oo!"

Super emote di vah?

*I WAS TAGGED



Speaking of food trip , my fellow blogger
Shie of Shie's Asylum tagged me to join FOOD TRIP FRIDAY, a weekly photo meme for those who are interested in Food and Photography.

So I'm sharing my favorite omelette which I call ULTIMATE coz I pretty much stuffed it with bunch of mushrooms, onion, green and red peppers, and left over steak (sometimes I use chicken)... This is one of my favorite.

I'm tagging
VhingF of SURVIVOR and SCHEMA who might be interested in joining this.

7/19/2009

random thoughts # 7


*Some women might want to be a "trophy wife" but I wouldn't want to sit on top of the shelf.

7/18/2009

*ALA-ALA NG NAKARAAN...


--- sino ba naman ang di makaka-kilala ng lugar na ito lalo na kung laking estudyante ka sa Pilipinas.

Tandang-tanda ko pa 'yung mga araw na malapit na ang pasukan noon.... dala ang listahan ko ng school supplies -- excited akong pumunta sa national bookstore at piliin ang mga type kong notebooks kasama ang yarda-yardang plastic cover, mga libro, pad papers na iba-iba ang size ( lengthwise, crosswise, 1/4), cartolina, manila paper, lapis at bolpen, pencil case at mabangong eraser. Ang sarap amuyin ng mga bagong school supplies di ba?

Laging parang isang malaking event para sa akin ito. ...Parang bertdey.

Naging tagpuan din ang tapat ng National bookstore kung saan nagkikita-kita kami ng buong grupo bago pumunta sa gimik o sinehan.

Dito ko rin dinala ang aking Amerikanong Chuck noong bakasyon namin last year para bumili ng mga postcards.

Haaaay, mga ala-ala ng National bookstore.

Ito ang isang bagay na parang balewala lang noon, pero ngayong malayo na ako, nami-miss ko pala ito.

Staples, Office Depot, Barnes and Noble, Office Max,, at Borders dito sa US of A ...parang di kumpleto.

Iba pa rin ang laking
National Bookstore.
:D

7/01/2009

*PANG-ALIS NG TENSION



Baby laughs are always funny :D

video source: genesee99