Psssst! Hey you! Welcome sa munting paraiso ng laman ng coconut shell ko....
Ka-dramahan, kalokohan, katotohanan, katatawanan, pag-ibig, mga pangarap at ligaya sa buhay.
APIR!
4/14/2009
4/12/2009
4/10/2009
*'Yung Crush Ko Dati
Naa-alala mo pa ba yung taong crush na crush mo noon?
I do...
Aktwali, ni-google ko ang buong pangalan nya ngayon. I found his friendster profile! "....syet! tumibok na naman ang ano 'ko!
Tawagin nalang natin syang Mr. A ... Grade 4 ako noon at grade 5 sya nang simulang tumibok ang puso ko para sa kanya. Ang pogi ng lolo mo! Mukhang may dugong foreigner. Sikat sya sa skul kasi dancer sya,....panahon pa noon ng break dancing.
Nung hayskul, parang pinag-tagpo uli kami ni papa Jesus ng makita ko syang muli sa eskwelahan. Walang humpay ang kilig moments ko sa tuwing nasusulyapan ko ang ka-gwapuhan nya. Ang sarap ng pakiramdam.
Taga Bago-Bantay din sya pero mula sa ibang Barangay kaya paminsan-minsan eh nakikita ko sya pag rumarampa at nagpapa-girl ako sa kalye. Minsan ko ring na-isigaw sa kanya ang "Ay lab yu Mr. A!" habang umaandar ang tricycle na sinasakyan ko at nakita ko syang naglalakad sa kanto ng Bukidnon at Ilocos Sur Street. Alam kong ang jologs pero mapipigil mo ba ang pusong lumalandi?... Buti nalang tinakpan ko ang kalahati ng pagmu-mukha ko ng panyo na may tatak na Armando Caruso :D .
Kung alam nya lang,....sinundan ko noon sya para malaman ko kung saan ang bahay nya.
Kung alam nya lang..... perfect ang attendance ko nung grade 5 ako para lang lagi ko syang makita.
Kung alam nya lang.... naging malaking bahagi sya ng mga day dreams ko.
Kung alam nya lang.... may litrato ako noon na kuha habang nagsasayaw sya sa stage ng Bago Bantay Elementary School.
Kung alam nya lang... noon ay dead na dead talaga ako sa kanya.
Kung alam nya lang... naa-alala ko pa rin ang magandang ngiti nya dati.
Kung alam nya lang... tinatawagan ko noon ang phone nila sa bahay gamit ang payphone sa tindahan ni Andres o Mang Meliton at ibaba ko pag narinig ko ang boses nya. (buti nalang di uso caller ID noon)
Kung alam nya lang... gusto ko syang maging boypren noon pero wala akong lakas ng loob para ligawan sya at sigurado di nya ako type.
Kung alam nya lang... nagdulot sya ng ngiti sa puso ko sa tuwing nakikita ko sya.
Kung alam nya lang....
Hmmmm... Mag-send kaya ako ng message sa kanya ngayon? ;) ;) ;)
4/08/2009
*" CHARLIE BIT ME "
Para sa di pa nakakapanood nito, check it out ...I thought this is really cute and funny...
4/04/2009
*HULI KA
Ito ay isang interesting experience para sa akin nang maka-chat ko ang hayop na hacker!
Here's the story: Si Cristina C. ay klasmeyt ko nung hayskul,may mga times na nag-cha chat kami ng mga kung anu-ano sa buhay at kabaklaan. Isang araw may natanggap ako na offline message galing sa kanya .."anong oras na dyan? " ... nag-reply ako syempre ... after few days .. " i need a favor" naman... nagreply ako "anong problema?".. lumipas na naman ang ilang linggo "online ka ?"...it seems like di sya nagre-reply sa mga offline replies ko and I find it weird... Ilang buwan ang lumipas, laging may offline messages from her asking me to open links and stuff and it didn't seem to sound like her kaya nagduda ako until one day, online ako (invisible) , a message popped up from Cristina C! here's our conversation: (click file to enlarge)
Tama ang hinala ko, hindi na ito ang Cristina na kilala ko...
Dahil sa chismosa ako, chinika ko agad sa mga dating klasmeyts ko and learned that they had same experience with this fake "Cristina C" na may usapang utangan ng pera at business offer.
May this serve as a warning sa mga manloloko sa mundo ng internet.
Ingat kayo my prends.

4/01/2009
*PENPEN DESARAPEN (Bading Version)
Pen pen de chorvaloo de kemerloo de eklavoo
Haw haw de chenelyn de big uten
Sifit dapat iipit
Goldness filak chumuchulaklak
Sa tabi ng chenes!
(mula kay badingky wingky)
Subscribe to:
Posts (Atom)