Thursday, June 11, 2015

Ipaglaban ang tunay na kalayaan at demokrasya

Posted by Belarmino Dabalos Saguing
25 May 2015
Halaw sa Statement ng Bayan





Ngayong Hunyo 12, 2015, Araw ng Kalayaan, buhayin natin ang diwa ng ating mga dakilang bayani – sina Bonifacio, Rizal, Jacinto, Mabini at marami pang iba  – na naglunsad ng rebolusyonaryong  pakikibaka at nag-alay ng kanilang buhay para makamit ang kalayaan mula sa mananakop na Kastila. Nananatiling makabuluhan ang kanilang magiting na halimbawa  sa harap ng nagpapatuloy na katiwalian at pagpapakatuta sa dayuhang interes ng rehimeng US-Aquino.

Kalayaan sa gubyernong korap

Talamak ang korapsyon sa sistema ng pulitika sa ating bansa. Ang Napoles P10 bilyong pork barrel scam ay isa lamang sa mga nabibistong katiwalian sa bulok na sistema. Kitang-kita ang pagtatakip ni Pres. Aquino sa kanyang mga alipores. Hindi isinasama ng Commission  on Audit, Department of Justice at Ombudsman sa kanilang mga imbestigasyon ang mga anomalya sa ilalim ng administrasyong Aquino. Kabilang dito ang pandarambong sa Priority Development Assistance Fund (PDAF), Malampaya Fund at Disbursement Acceleration Program (DAP) mula 2010-2013.

Sa totoo lang ang sistemang pork barrel ay bahagi lamang ng mas malawak at organisadong sistema ng pagnanakaw ng mga opisyal ng gobyerno, mula pa nang itayo ang Republika ng Pilipinas.  Ang korapsyon ay talamak sa gubyerno pero ang pinakamalalang pandarambong ay nagaganap sa tanggapan ng Pangulo, ng mga iba’t ibang ahensya ng gubyerno, ng Konggreso’t mga malalaking lokal na pamahalaan.   May tawag dito –  BURUKRATA KAPITALISMO – sistema ng pagkamal ng yaman ng mga opisyal sa gobyerno sa pamamagitan ng pagnanakaw sa kaban ng bayan at pagsunod sa utos ng mga amo nilang malalaking asendero, malalaking negosyante at mga dayuhang bansa at korporasyong multinasyunal. Sa ilalim ng burukrata kapitalismo, ginagawang isang malaking negosyo ang paggugubyerno, negosyong nagsisilbi sa iilang naghaharing uri at mga dayuhang monopolyo kapitalista habang nagpapahirap sa sambayanan, lalu na sa masang manggagawa at magsasaka.

Hangga’t hindi tayo lumalaya sa bulok na sistema ng burukrata kapitalismo marami pang Napoles at mga korap na pulitiko ang mamamayagpag sa kanilang pagnanakaw at pagpapahirap sa bayan. Gayundin magpapatuloy pa rin ang pakikipagsapalaran ng mga naghihirap na mamamayang Pilipino sa pagtratrabaho sa ibang Bansa.

Kalayaan sa dayuhang paghahari

Hindi rin tayo malaya sa paghahari ng mga dayuhan, pangunahin na ang imperyalistang Estados Unidos, na dati nang sumakop sa ating bansa pagkatapos makipagkutsabahan sa kolanyalistang Espanya. Sa katunayan, ibabalik pa nga ang mga base militar ng Kano (na sinipa na mula sa Pilipinas noong 1991) sa pamamagitan ng bagong kasunduang Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA).

Gagamitin din ng imperyalismong Kano  ang kapangyarihang militar upang pwersahin ang iba’t-ibang bansa tulad ng Pilipinas na sumunod sa kanilang mga dikta. Kabilang rito ay ang higit pang pagbukas ng ekonomiya ng mga bansang ito upang gawing tambakan ng kanilang mga produkto at kapital; ang pagpapababa ng sweldo at benepisyo ng mga manggagawa sa kapakinabangan ng mga dayuhang kapitalista’t mga kasosyo nila; ang pagkontrol ng mga dayuhang dambuhalang korporasyon sa industriya ng tubig, kuryente, langis at komunikasyon; ang pag-amyenda ng Konstitusyon at pagbasura sa iba pang mga batas para payagan silang magmay-ari ng lupa at mga negosyong nakareserba sa mga Pilipino tulad ng niraratsadang “Chacha” sa Konggreso sa kasalukuyan.

Samakatuwid, pinatitindi ng gobyernong Aquino ang nagpapatuloy na dominasyon ng US sa Pilipinas sa ilalim ng umiiral na huwad na kalayaan . Ito ang IMPERYALISMO o NEOKOLONYALSIMO  – sistema kung saan ang mga mahirap at atrasadong bansa ay di-tuwirang pinaghaharian ng mga abanteng kapitalistang bansa upang dambungin ang kanilang likas yaman, pagkakitaan ang murang lakas-paggawa at pigain ang pambansang ekonomya.

Sa pagiging korap mismo at protektor ng naghaharing sistema ang kasalukuyang rehimeng US-Aquino at lau’t higit sa pagiging bulag na sunud-sunuran nito sa dikta ng imperyalismong Kano, higit na nasasadlak ang sambayanan sa kahirapan, kawalan ng pagkakapantay-pantay, kapayapaan at maaliwalas na kinabukasan. Ang malala pa ngayon, ang dambuhalang kapitalistang bansang Tsina ay nagiging mas agresibo sa pagtatangkang saklawin ang halos buong West Philippine Sea (South China Sea) kasama na ang bahagi ng exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas dahil na rin sa udyok ng malakas na presensyang militar at panghihimasok ng imperyalismong US.

Laban para sa tunay na kalayaan at demokrasya

Ang tatlong salot sa lipunang Pilipino – imperyalismo, pyudalismo at burukrata kapitalismo — ay nagsasadlak sa ating bansa sa kumunoy ng malapyudal at malakolonyal na pagsasamantala’t pang-aapi.  Kailangan ibagsak ang sistemang ito at patalsikin ang anumang rehimeng nagtataguyod nito, tulad ng rehimeng US-Aquino.

Kailangan isulong ang laban upang wakasan ang pang-aalipin, pandarambong at panggigyera ng mga imperyalistang bansa, lalu na ng imperyalistang US.


Kailangan nating ipagpatuloy ang dakilang laban ng ating mga bayani para sa isang bansang malaya, maunlad at demokratiko, at sa tapat, makabayan at makamamayang sistema ng pamamahala.

Wednesday, June 3, 2015

Ang Pakikibaka ng manggagawa ng TDI para sa Regularisasyon sa Trabaho

Posted by Belarmino Dabalos Saguing
Rome, Italy 03 June, 23015




Tandual Distilleries workers on strike (downloaded photo)


I.                    Ilang Mahahalagang Impormasyong Hinggil sa Kumpanya

Ang Tanduay Distillers Incorporated (TDI) ay pagawaan ng alak na itinayo noong 1988 sa ilalim ng Lucio Tan Group Inc. Si LucioTan  ang   pangalawa sa pinakamayamang tao  sa Pilipinas.

May tatlong planta ng TDI na matatagpuan sa El Salvador,  Misamis Oriental, sa Negros Occidental at sa Cabuyao City, Laguna.  PInakamalaki ang nasa siyudad ng Cabuyao. Dito nililikha  ang mahigit sa sampung  produkto ng kumpanya, kabilang ang Tanduay Rhum  na ibinibenta  sa lokal at internasyunal na pamilihan. Bilyong pisong ang kinikita ng kumpanya bunga ng dekalidad na produktong nililikha ng mga manggagawa.

Mga Partikular na Impormasyon Hinggil sa TDI Cabuyao Plant:
                Mga Produktong Nililikha:
-          Tanduay Long Neck
-          Lapad Five Years
-          Jamaica
-          Green Tea
-          Asian Rhum
-          Companero
-          London Gin
-          Gin Capitan
-          Rhum Cocktails
-          Island Mix

Mga Incorporator ng TDI:
1.        Ramon Padilla
2.       Solomon Fontillas
3.       Ferdinand Robles
4.      Richard Pedrosa
5.       Melchor Fuentes
* Ang 2 pa ay hindi pinangalanan.

Ayon sa (cite source),  umabot sa P10 bilyon hanggang P12 bilyon ang benta ng TDI Cabuyao.


2013
2012
NET SALES
P 10,431,383,329
P 12,879,773,465



COST OF GOODS SOLD
8,334,819,759
10,144,316,836



GROSS PROFIT
2,096,563,570
2,735,456,629



OPERATING EXPENSES


Selling Expenses
648,018,233
601,716,910
General and Administrative Expenses
649,380,794
396,094,691
OTHER INCOME (CHARGES)


Finance costs
(416,998,965)
(417,656,290)
Finance Income
313,476
6,480,934
Rental Income
173,304
747,857
Others-net
90,434,904
34,111,475
INCOME BEFORE INCOME TAX
473,087,762
1,361,329,004
PROVISION FOR INCOME TAX


Current
170,822,114
432,639,992
Deferred
(22,938,891)
(26,519,672)

147,883,223
406,120,320
NET INCOME
P 325,204,039
P 955,208,684
Basic/Diluted Earnings Per Share
P 0.28
P 0.88





II.                  KALAGAYAN NG MANGGAGAWA NG TDI:

Nasa humigit kumulang limang daan ang kabuuang manggagawa ng TDI; ang 397 o katumbas ng 90% ng lakas tauhan  nito ay pawang mga kontraktwal. Karamihan sa  mga manggagawang ito ay mahigit na sa sampung taong naglilingkod sa TDI subalit sumasahod lamang ng pinakamataas na P315.00 kada araw, walang mga benepisyo at sapilitan ang ginagawang pa-overtime sa kanila. Ang mga Kakulangan sa (Personal Protective Equipment (PPE) na dapat sana ay libreng ibinibigay sa mga manggagawa ay binabayaran pa ng manggagawa. Maging ang mga uniporme ay kinakaltas pa sa kakarampot na sahod. Sa mga pagkakataong may mga aksidente sa loob ng pagawaan, hindi tinutugunan ng kumpanya ang pananagutan nito sa kanyang mga manggagawa.  Dagdag dito, dahil ang empleyo ay pawang kontraktwal, basta na lamang kung magtanggal ng empleyado sa trabaho kung kailan naisin ng kompanya.

Lumilitaw na ang bilyong benta ng kumpanya ay produkto ng ‘iskemang kontraktwalisasyon sa paggawa’. Habang papalaki ang taunang kita ng disteleria, pinapanatili ang Labor Only Contracting sa Cabuyao plant tulad ng pamamaraang ipinatupad sa Asia Brewery noong dekada 90’s. Kakutsaba sa iskemang ito ang mga ahensiyang— GLOBAL Pro at HD cooperative.

Hindi din naasahan  ang tulong ng nakatayong unyon ng mga regular, palibhasa ay dilawang unyunismo ito, sunod-sunuran lamang ito sa kompanya at walang pakialam sa kapakanan ng manggagawang kontraktwal. Hindi na pumayag ang mayoryang manggagawa ng TDI na manatili ang mapagsamantalang kalakaran. Noong Abril 16, 2015, matagumpay na nabuo at naparehistro ng mga manggagawang kontraktwal ang kanilang asosasyon na Tanggulan, Ugnayan at Daluyang lakas Anakpawis ng Tanduay Distillers Incorporated o TUDLA upang sama-samang itaguyod at ipagtanggol ang kanilang mga batayang karapatan kagaya ng regularisasyon sa trabaho.

Naghain agad sila ng Petition for Inspection sa Department of Labor and Employment(DOLE) subalit iniligaw ng bayarang Labor Inspector na sina Jennifer Taip at Daisy Ramos ang usapin, sa halip na ang pagtuunan ay ang Labor Only Contracting na sumasagka sa regularisasyon ng mga kontraktwal,  pinihit ito sa usapin ng Labor Standard upang ilusot ang paglabag ng kompanya.

Tinangkang suhulan at ginigipit ang manggagawa upang iatras ang reklamo sa DOLE. Sapilitan din silang pinapipirma ng bagong kontrata gayong dapat ito ay sa Disyembre 2015 pa at kung hindi ka pipirma ay mawawalan ka nang iskedyul ng trabaho.

Lantaran ang sabwatan ng DOLE at ng Kapitalista, walang aasahan ang manggagawa kundi ang kanyang sariling lakas, MAYO 18 - ipinutok ng Manggagawang Kontraktwal ng Tanduay ang makasaysayang Welga.

Makatao, makatwiran at Makatarungan ang kahilingan ng manggagawa na gawing regular sa trabaho. Malinaw ang isinasaad ng Batas Paggawa mula sa Art.280 na “kapag ang trabahong ginagampanan ng isang manggagawa sa loob ng pagawaan ay tuwirang may kaugnayan sa paglikha ng produkto at mahalaga at mainam sa negosyo ng principal na employer, ito ay regular na manggagawa”. Ang 397 na manggagawang kontraktwal ay pawang mga operator ng makina, sila ang nasa istratehikong posisyon sa loob ng pagawaan ng Tanduay na nag-ooperate ng makina, sila ay dapat mga regular na manggagawa at hindi kontraktwal.

Sadyang ganid at hindi makatao si Lucio Tan. Sinalubong ng karahasan ang makatarungang welga ng manggagawa. Ginamit ang mga gwardiya at bayarang goons sa ilalim ng Sigasig Security Services sa walang habas na  pagbobomba ng maruming tubig, pambabato ng bato, bubog at ihi, at tangkang pagbomba sa poste ng kuryente at pagpigil sa pagpasok ng pagkain para sa mga welgistang nasa loob ng ABI Complex.

Nanatiling matibay, matatag ang  paninindigan ng mga manggagawa kahit pa nga marami ang nasaktan at nasugatan  sa hanay ng mga manggagawa, sa kabila nito nanatiling nagkikibit-balikat lamang ang lokal na gobyerno sa syudad ng Cabuyao.

Ang mga manggagawang kontraktwal ng Tanduay ay bahagi lamang sa mga biktima ng  malaganap na kontraktwalisasyon sa ating bansa na ipinatutupad ng Rehimeng BS Aquino.. Ilan lamang sila sa  hinahagupit ng malupit at marahas na estado at kapitalista. Ilan lamang sila sa buong tapang na naglantad ng kriminalidad sa loob ng pagawaan. Ilan lamang sila sa kapit-bisig na sama-samang nagtatanggol at nagtataguyod ng kanilang mga lehitimong karapatan

Ang malawakang kontraktwalisasyon ay isa sa mga delubyong nananalasa sa uring manggagawa, nagreresulta ito na pagpako sa mababang pasahod,  sa kawalan ng benepisyo at sa hindi pagkilala sa karapatan ng mga  manggagawa para sa regular na trabaho at karapatan sa pag-uunyon. Ang kontrakwalisayon ay kasingkahulugan ng malawakang masaker sa regular na hanapbuhay.

Samahan niyo kami sa aming Makatao, makatwiran at Makatarungan pakikibaka. Nananawagan po kami ng inyong suporta. Sama-sama nating itulak ang gobyernong Aquino lalo na ang DOLE na gawing regular ang mga manggagawang kontraktwal. Ipadala ang inyong sulat pagkundena sa;

Pres. Benigno S. Aquino III, Republic of the Philippines
PRESIDENTIAL COMMUNICATIONS OPERATIONS OFFICE
3/F New Executive Building (NEB), MalacaƱang Compound
Email: op@president.gov.ph

Labor Sec. Rosalinda Dimapilis-Baldoz
Department of Labor and Employment (DOLE) Building,
Muralla Wing cor. General Luna St., Intramuros, Manila, 1002, Philippines
http://www.dole.gov.ph/queries/submit

Mr. Alex V. Avila
OIC Director Dole Region IV-a (Calabarzon)
3rd and 4th Floors Andenson Building II, Parian, Calamba City, Laguna 4027, Philippines
Tel: (049) 545-7360; Fax: (049) 545-7357
E-mail: ro4a@dole.gov.ph / dole4a_observe@yahoo.com

Tanduay Distillers, Inc. International Office
7/F Allied Bank Center, Ayala Ave., Makati City, Philippines
Tel. No. (63)2-7339301
Fax No. (63)2-7339090
E-mail: tanduay@tanduay.com


At ang sulat  pakikiisa sa :
Pang. Anse
pangulo ng Tudla
Phone number:



Violent dispersal of an orderly and peaceful workers' union manifestation (downloaded photo)