Followers

Biyernes, Disyembre 27, 2013

All I Want For Christmas 2013

Yeah I know, late na para sa post na to hehe, pero like as they always said, "it's better late than never" diba?. By the way before anything else, I just wanna greet you all
belated Merry Christmas and advance Happy new year! di ako nakabati kasi both occasions ee may pasok ako ee which is first time na nanyari sakin, iniisip ko na lang na malaki laki sasahurin ko than usual sa january hehe.
Sa mga nakakita na sakin baka di nyo na ko makilala dahil sa laki na ng tinaba ko since then hehe, sunod sunod na okasyon ba naman ee.
Let get this started mga parekoy, nga pla thanks kay pareng JEISON ng Skrypton Jei sa pag tag sakin ng post na to, atleast may madadagdag sa kakaunting post ko diba? 
Last year nagwish list din ako isa lang ata ung natupad dun which is new friends.

Make a post entitled, "All I Want For Christmas 2013," and please use the photo above.
List 6 things that you want to receive as a gift.
Tag 3 friends who will make the same post (no tag backs).
Send me the link so I could check it too (optional).


1. Hunky Body- last year wish ko na to pero lalo kong tumaba sana by next year pag natuloy ung plano kong maggym ee maachieve ko na to para yummy na si mecoy hahaha.

2. Striptees shirts/sando- Nakakita ko ng shop online trip ko ung mga prints nila I'm planning to buy one, pero kung may mag bigay why not coconut!

3.Panda Cap- nakita ko to sa cosmania 13 kaso kapos na ko sa budget nun kaya di ko na nabili hehehe

4.Polo, Shirts, Pants, Undies- paulit ulit na lang kasi ung suot ko kaya need ko na new set of clothes hehe un tipong tulad ng sa idol kong si Adam Gallagher

5.Shoes- mabilis ako makasira ng shoes ee, last october ko lng binili nasira ko na agad naun ehehe

6.New Phone- maxado nang jurassic ung phone ko, need na ng upgrade

Di na ko mag tatag kasi nga late na to hehehe sorry naman:P

Biyernes, Disyembre 20, 2013

Simbang Gabi

As you all know, ang nagsimula na ang kinaugalian nating Misa de Galyo aka Simbang gabi, siyam na gabi/ (madaling araw technically) na pag ninilay-nilay sa kapanganakan ni Jesus xmas countdown kung baga. Well unfortunately due to work this year di ako makakapag simba buti na lang ee last year ee nagawa kong makumpleto un lahat.
Anyway syempre di ko naman gagawing title at opening ang topic na yan para sa wala, for today trip kong i list down yung mga taong makikita mo sa gantong okasyon.

1. Simbang-Totoo- syempre unahin na natin ung mga taong nagsisimba talaga para mag worship at makinig ng salita ng diyos. Ito ung mga taong nauuna sa simbahan madalas sila ung mga part ng organisasyon sa loob ng parokya.

2. Simbang-Kain- Ito naman ung mga tao na nagsisimba nga pero excited na matapos ung misa para makabili na sila ng mga delicacies na tinda sa tapat ng simbahan. puto bungbong bibingka at kung anu anu pa, di mo naman masisisi dahil masarap nga naman tong mga to amoy pa lang.

3.Simbang-Ligaw- Eto naman ung mga taong nagtetake advantage of this season para makasama yung nililigawan everyday at para dagdag pogi points. Para nga naman maihabol pa nila before xmas at di sila mapasama sa SMP hehe, pero ang alam ko madameng love story ang nag sisimula sa ng ganto which means epektib naman pala.

4.Simbang-Tulog- eto ung mga nagtry na magsimba which is nagawa naman nila pero ayun nga lang, ang ending ee nakakatulog din during mass haha, madalas sa mga to ee ang mga kiddies understandable naman.

5.Simbang-Wish- eto naman ung mga taong pinipilit na matapos oh makumpleto ung siyam na gabi ng pagsisimba dahil naniniwala sila na matutupad ung wish nila pag nagawa nila to.

6.Simbang-Tabi- nakakalungkot man pero ung huge chunk ng nagsisimba ee nabibilang dito ito ung mga nagsisimba para tumambay lang ito ung mga kabataang madalas nasa labas lang ng simbahan. Mahahati ko pa to sa different sub category.
6.1Simbang-Hatak- eto ung walang pake sa kung anu meron mga nahatak lang ng barkada ika nga madalas nasasama din sila sa simbang-tulog at madalas din sila ung mga barkadahan from gimik/inuman ee nagkayayaan.
6.2Simbang-Angas- eto naman ung  mga gang na nagpupunta sa simbahan mga dapat mong iwasan dahil ito ung mga nantritrip, nagaabang ng mabubugbog.
6.3 Simbang-Porma- ito naman ung mga nagsisimba para ipagmayabang ang mga bago nilang gamit oh ung mga porma nila, hiphop ung madalas sa mga to ee, kuntodo patong patong na burloloy at maluluwag na damet, mayron pa ngang mga naka shades pa can you imagine?

nakakatuwa naman na sa kahit paanong paraan ee naipagdadaos pa din natin ang pasko na masaya sa pamamagitan na din ng mga tradisyon na to, pero mas maganda sana na di lang yearly habit ang pagsisimba.

Anyway aagahan ko na ang pag bati ng MERRY CHRISTMAS and HAPPY NEW YEAR sa inyo kasi weekends lang ako nakakapag blog ee.